YAIEN VI

2 0 0
                                        

Andy's POV

Kung hindi lang talaga umiyak si Zaidee kagabi kaya kailangan ni Ate na patulugin ulit at kung hindi lang pagod si Kuya Zackrey galing sa trabaho hindi ako ang magaalaga sakanya. Aba kung hindi lang ako mabait baka ginambala ko ang mga katulong nila Ate na naglilinis ng buong bahay para lang punasan at alagaan sya dahil sa paglalasing nya.

Oo nga pala! May binabanggit sya nung lasing sya.

"Tin?"

"Tin ikaw ba yan?"

"Tin! Mahal na mahal kita. Please...please wag ka na---"

Tapos bumagsak na sya.

Mahal na mahal pala nya pero nagloloko sya. Eh teka nga pala! Ang sabi nila single daw ito at NoSeriousGirlfriendSinceBirth daw ito.

Eh sino si Tin?

Kanina din pagbaba di ko sinasadyang marinig ang convo nila habang pababa ako ng hagdan. Nang marinig ko ang topic nila ay napagdisesyonan kong tumigil at makinig ng patago.

Kaya pala sya ganyan kababaero dahil sa isang babae.

Tsk tsk, Ang babaw naman nya para gawin yun. Nagpapaka playboy sya para lang makita ni girl na sinayang nya ang isang habulin ng babae? Like what the? Ang babaw parin kahit saan mong anggulo tignan.

"Oy! Isa ka din atang nagmomoment dyan!" Nagulat naman ako kay Kuya Zackrey.

"Tsk Kuya naman"

"Ano ba iniisip mo hah? Si Grae ba?" Sabi nya at ngumiti ng nakakaasar.

"Kuya! Hindi noh!" Sabi ko

"Edi fine hindi kung hindi."

Umalis na sya at bigla ulit bumalik.

"Sya nga pala, Aliwin mo muna si Grae. He badly need someone to talk too." Sabi nya at nagthumbs up papaalis

Napailing nalng ako dahil ang weirdo nya minsan.

Ay dahil wala na rin namang bagong update sa mga friends ko sa social media. Hinanap ko sya sa may labas at dun nakita ko sya nakaupo sa may pool.

"Hey!" Tawag ko sakanya at umupo sa tabi nya.

Tinignan lang nya ako, May problema nga tong lalaking to.

"Okay ka lang?" Tanong ko

Tumango lang sya.

"Ahmm may problema ka?" Tanong ko

"Di ba obvious?" Sabi nya pero di nakatingin sakin

"Ah pwede mo ishare yan para naman kahit advice matulungan kita"

"Alam ko na ipapayo mo if ever naikwento ko sayo. Kaya wag nalng kasi naririndi na ako sa kakasabi sakin ng dalawang syllable at two words na yan"

"Ano naman yung dalawang syllable at two words na yun?"

"Tsk wag na"

Suplado talaga nito pag ka nasa normal mode sya at hindi flirt mode.

"Bakit ka nga pala nandito? Hindi ba bwisit na bwisit ka sakin?" Sabi nya at tinignan na ako at tyka ulit umiwas

Oo nga. Bwisit na bwisit nga pala ako sakanya.

"Andy" Napatingin ako sakanya nang magsalita sya pero di parin nakatingin sakin.

"Andy, Can you come with me next week?"

"Why? Anong meron?"

"Just please say yes."

You're All I Ever NeedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon