Chapter Two

5 1 0
                                    


Agad kong iminulat ang mga mata ko at laging gulat na nasa ibabaw pala ako ng Lucas na 'to. Oh! My! Gosh! This can't be!

"Lucas? Anong ginaga--Sino ang babaeng 'yan?!" rinig kong bulyaw ng isang babae. Agad akong tumayo at nakaramdam ng hapdi sa tuhod ko. Tumayo na rin si Lucas at inalalayan ako sa pagtayo. "Ayos lang?" nag-aalalang tanong niya. "Lucas! Sino ang babaeng 'yan?!" bulyaw muli ng isang babae.

"Cailen pwede ba? Huwag kang mag-eskandalo rito. Nakakahiya ka." rinig kong sabi ni Lucas. Okay... It's getting awkward here, maybe I should go. Papalakad na ako ng bigla akong matumba dahil sa pagsabunot sa akin ng babae.

"Malandi kang babae ka! Sino sa tingin mo ikaw para landiin ang boyfriend ko?" galit na saad ng babae. Dali-daling hinablot ni Lucas ang babaeng nagwawala para pigilan ito. Natanaw ko rin ang pagtakbo nila Eljeanne sa pangpang para sakluklohan ako. Nagtitinginan na rin ang mga tao at ang iba ang kumukuha ng video.

"Cailen tama na! Ano bang ginagawa mo?" sabi ni Lucas habang hawak ito sa baywang. Kitang kita mo ang inis at galit sa mga mata at kilos nitong babae. Tila nauulol na. "Hoy! Sino ka para saktan ang kaibigan namin?" sigaw ni Maxene at pumagitna sa amin.

Tinulungan naman akong tumayo ni Danise at Eljeanne. "Hoy babae! Kung may problema ka sa kaibigan namin, huwag kang eskandalosa. Nakakahiya ka." pagtataray ni Andrea tyaka inirapan ang babae. "Tara na nga. Kulang ata sa aruga itong babaeng 'to kaya papampam." pagmamaldita ni Maxene.

"Anong sabi mo?!" sigaw ng babae at hinablot ang mga buhok nila Maxene at Andrea. "Aray ko!" reklamo ni Maxene. Agad akong pinaupo nila Danise at Eljeanne tyaka tinulungan sila Andrea. Oh my gosh! Ano bang nangyayari? Ang gusto lang naman namin ay makapagpahinga!

"Hay nako! Nakakainis 'yong babae kanina. Parang ulol na nakawala sa mental eh." asar na reklamo ni Maxene habang kumakain ng ice cream. "Sino ba 'yong babaeng sumugod sa'yo kanina?" tanong ni Danise. "Aba! Malay ko. Nagulat na nga lang ako ng sugurin ako eh." depensa ko.

"Eh sino naman 'yong lalaki kanina?" sunod na tanong ni Eljeanne. "Ah 'yong lalaking nang-aawat doon sa babae?" tanong ko. Tunango ang lahat. "'Yon 'yong lalaking nagbigay sa akin ng maíz de leche. Ang kulit nga no'n eh. Kahit saan ako magpunta nakikita ko."  iritang sagot ko.

"Sa susunod kasi, mag-iingat ka. Para hindi ka napagbibintangang kirida." payo ni Maxene. Hay! Napakasuwerte ko talaga na mayroon akong kaibigan na tulad nila. Ang sarap sa feeling.

Gabi na at tulog na ang lahat. Pero hindi pa rin ako makatulog. Nandito ako ngayon sa balcony ng kuwarto namin. Maganda ang view dito. Kitang kita ang view ng dagat at ng mga bituin. Ang sarap din ng simoy ng hangin.

Ito talaga ang inner peace. Well, although hindi naging maganda ang unang araw ko dito, may anim na araw pa naman kami para enjoy-in 'no. Hindi lang siguro pinagkaloob ng Diyos ang araw na 'to para sa akin. Oh well..

Tatayo na sana ako ng makita ang isang lalaki. "Anong ginagawa no'n? 'Di ba bawal pumunta ng dagat ng ganitong oras?" takang tanong ko sa sarili ko. Nagulat ako ng biglang lumusong ang lalaki sa dagat at dahan-dahang natatakpan ng dagat ang katawan niya.

"Sir? Sir! Bawal dyan! Umahon kana dyan!" sigaw ko habang winawagayway ang kamay ko. Hala! Bakit hindi pa rin siya umaalis sa dagat? "Sir!" muli kong sigaw pero useless pa rin. Nagmadali akong bumaba lumabas ng kuwarto at nagtungo sa elevator.

"Ano bang nasa utak ng lalaking 'yon?" tanong ko sa sarili ko. Nang makababa na ako ay may humarang sa akin na staff ng hotel. "Ma'am alas dose na po ng gabi. Bawal na pong lumabas ng hotel." paalala ng staff sa akin. Claire isip! Isip! Ano magandang idadahilan?

Love On You: Love Beyond The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon