"Dad has an inoperable brain tumor." anunsyo ni Lucio. Napatingin si Lucas sa kaniyang tatay na may hindi mabasang ekspresyon ng mukha niya. "Mom? Do you also know this?" wala sa sariling tanong ni Lucas. "Of course she does kuya. Ikaw lang naman ang hindi nakakaalam." maangas na sabi ni Lucio. "B-bakit hindi niyo sinabi sa akin? I'm a doctor. You can seek help from me because I'm your son." mangiyak-ngiyak na sabi ni Lucas. "It's just that you were too busy working at the hospital. At sa tingin ko dadagdag lang ako sa problema. And besides, there's no hope for me." paliwanag nito habang malungkot na nakatingin kay Lucas. "You will have a second opinion." seryosong sabi ni Lucas. Napailing naman si dad at tyaka ngumiti. "Son, before I became a businessman, I became a neurologist. Son, you need to accept that I'm dying." malungkot na sabi ni Dad.
"No! I'm not lossing hope. I can't lose you dad." sabi ni Lucas habang nakatingin sa kaniyang tatay. "Oh come on kuya! You're trying to be a hero? How pathetic you are. Dad is dying and what else can you do to save him? Hindi ka Diyos para diktahan ang buhay ni dad." inis na sabi ni Lucio at tumayo na. "Lucio, anak! Huwag na huwag mong sabihin 'yan." naiiyak na sabi ni ma'am Amanda. "Mom don't be a martyr. You already heard what Dr. Castillo said. Dad will die and neither of you can't change that!" sigaw ni Lucio na dahilan ng pagkakaroon ng eksena sa loob ng restaurant. Nakatingin ang mga tao sa amin at ang iba naman ay kumukuha ng video. Nagulat naman ako ng tumayo si Lucas at dali-daling pumunta sa pwesto niya Lucio at sinapak ito.
"I don't know what your problem is. But one thing is for sure. You're being a bastard in front of our parents and my girlfriend. Where did you put your manners?" galit na tanong ni Lucas. Agad akong tumayo at pumunta kay Lucas para awatin siya gayundin ang ginawa ng mga magulang nila. "Lucas tama na." saway ko. Pero parang hindi ako naririnig ni Lucas dahil nakatutok lang ang buong atensyon niya kay Lucio na ngayon ay may tumutulo ng dugo dahil sa basag niyang labi. "Lucas, look at me! Look at me! This is not you. Calm down yourself." sabi ko habang pinipilit ko pa rin siya na ituon ang atensyon niya sa akin. "How can you even say that? You just meet a couple months ago. Don't act like you know him better than me." galit na sabi ni Lucio sa akin. Agad niyang tinulak si Lucas at nag-walk out sa restaurant.
Agad tumayo si dad at tumayo sa gitna. "Ladies and gentlemen I just want to ask for a sincerely apologize. I'm very very sorry about what happened. Go on. Continue eating." sabi ni dad at tyaka lumapit sa amin. "Lucas, anak, we'll go ahead." paalam nito at umalis na kasama si mom.
Nandito kami sa sasakyan ni Lucas habang nakasandal ito sa upuan dahil sa mga nangyari. Agad itong humarap sa akin at hinawakan ang kamay ko. "I'm sorry you need to see that. It's just that my family always attract drama kaya sobrang drama ng buhay ko. Hindi lang ako makapaniwala na hindi nila sinabi sa akin ito ng maaga pa. And knowing dad? He don't give up easy. He always find ways to beat the inevitable. I just don't know why he don't want us to find cure." naguguluhang sabi niya. Hinawakan ko ang pisngi niya at tyaka ngumiti. "Magaling kang doctor. Magaling kana surgeon. At alam ko, makakahanap ka ng solusyon dito. We're all in this together. Naiintindihan mo ba ako?" sabi ko sa kaniya with an encouragement look. Tumango ito at hinalikan ako sa noo. "I love you always my Midnightsky."
"Cccclllllaaaaaiiiiirrrreee!" tawag sa akin ni Maxene. Napalingon naman ako sa kaniya at binigyan siya ng yup-ano-'yon-look. "Anong nangyari sa'yo. Ba't ang laki ng eyebugs mo?" takang tanong nito. Ngunit bago ako sumagot humikab muna ako. "Nag-review kasi ako para sa exam namin ngayon. Tyaka late na rin kami natulog ni Lucas." sabi ko habang kinukusot ko ang mga mata ko. Napatingin ito sa akin mula ulo hanggang paa at binigyan ako ng oh-my-gosh-binigay-mo-na-ang-bataan-look agad kong binalot sa katawan ko ang suot kong jacket dahil sa tingin niya. "Hindi ah! Natulog ako sa kaniya kasi may problema siya. Tyaka tinulugan niya rin akong mag-review habang tinutulungan ko siya sa research niya." pagpapaliwanag ko. "Okay sabi mo eh. Teka! Alam na 'to ng tatay mo?" tanong nito. Hindi naman ako nakasagot dahil nakalimutan kong magpaalam. "Hala ka! Ikaw ba 'yan Claire? Ikaw 'yong tipong nagpapaalam sa lahat ng gagawin mo." sabi ni Maxene. "Uhmm pwede ba tayong umupo? Kanina pa tayo nakatayo." saad ko at itinuro ang upuan. "Claire huwag mong ibahin ang usapan." inis na sabi nito sa akin. Itinaas ko naman ang dalawang kamay ko habang natatawa.
"Hindi naman eh. Tyaka na-lowbatt kasi ako kahapon kaya hindi na ako nakapag-text. Ta's nakalimutan ko na. Tyaka gabi naman na. Sobrang suwerte ko na kung makakauwi ako ng alas tres ng umaga kung medyo maganda-ganda ang daloy ng traffic." paliwanag ko. "Next time huwag mo ng uulitin. Nako ka! Ahy! Siya nga pala! Birthday ni Danise ngayon ah. Nasaan na 'yong special caldereta na pangako mo sa kaniya?" tanong ni Danise. Shocks! Nakalimutan ko. Ngayon na birthday ni Danise? "Huwag mong sabihing nakalimutan mo rin. Ikaw pa naman ang hindi nakakalimot ng mga birthday. Tyaka handa na ako sa itlog. Si Eljeanne at Andrea ready na rin sa harina." natatawang sabi ni Maxene. "Ako pa ba? Makakalimot? Imposible yata 'yon." pagsisinungaling ko. "Mamaya ah? Sa bahay niya. Naghanda na papa niya. Aalis na ako." paalam ni Maxene tyaka umalis na. Paano 'to? Ba't ka kasi nagsinungaling Claire? Paano ka magluluto niyan?
"You've done a good week students. Good luck and God bless for your another set of exam tomorrow." sabi ng proctor namin at tyaka umalis na. Papaalis na ako ng biglang tinawag ako ni Walter. "Tapos mo na ba 'yong part mo sa report natin sa Fil?" tanong niya. Napatulala ako sa kaniya habang inaalala kung ano ang pinagsasabi niya. "Huwag mong sabihing nakalimutan mo." sabi nito sa akin at tyaka biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. Oo nga pala! May oral presentation kami doon! Shemay! Hindi ko pa nauumpisahan 'yon! "Ah oo! Malapit na akong matapos. Ise-send ko na lang sa'yo." pagsisinungaling ko tyaka ngumiti. Shocks! Ano bang nangyayari sa'yo Claire?
"Walter na sorry late ko na na-sent sa'yo 'yong part ko. Nawalan kasi ako ng data kaya hindi ko na-sent agad." pagsisinungaling ko. My gosh Claire! Nakakailan kana ngayon araw. "Ayos lang. Thank you." sabi nito at dumiretso na sa paglalakad. Mabuti na lang at natapos ko lahat 'yon no'ng lunch break. Teka! 'Yong birthday pala ni Danise! Wala akong caldereta na nailuto. Alam ko na! Bibili na lang ako. Hindi naman na niya 'yon mapapansin eh. Tama! Ang talino mo talaga Claire!
Papalabas na ako ng restaurant ng makita mula sa pinto at kumpol-kumpol na tao mula sa labas. Lumabas na lang ako at hindi ko na lang ito pinansin. At isa pa, hindi naman ako chismosa para alamin kung sino at bakit may nagkukumpulan dyan eh. Habang naglakad napansin ko ang dalawang pamilyar na kotse na nagkabungguan. Agad ko itong nilapitan at naalala kung kanino ang mga sasakyan na ito. Agad akong tumakbo sa lugar kung saan maraming nagkukumpulan. "Why did you do that?" inis na sabi ni Lucas habang nakaibabaw kay Lucio at sinasapak ito. Please sabihin niyong nagbibiro lang kayo. This is not happening. This can't be.
BINABASA MO ANG
Love On You: Love Beyond The Stars
RomanceLove is not all about the butterflies in your stomach nor like a unicorn hopping in the rainbow. Sometimes, love requires pain to be a better person. Sometimes, loving someone with all your heart is just not enough to make the person stay. But can b...