Chapter Eleven

6 1 0
                                    

"Why you do that?" inis na sabi ni Lucas habang nakaibabaw kay Lucio at sinasapak ito. Agad akong tumakbo sa kanila upang awatin sila. "Makikiraan po. Excuse me." pakiusap ko sa mga tao sa harapan ko. Ngunit isang pangyayari ang hindi ko inaasahang mangyayari. Dahil sa dami ng nakikiusosyo sa away ng dalawang magkapatid, hindi maiwasan ng iba na magtulakan para mas makita ang nangyayari. Napaatras sa akin ang isang lalaki dahilan ng pagbunggo niya sa mainit na caldereta na hawak ko. "Aww!" sigaw ko. Unti unti kong nararamdaman ang mainit na sabaw sa damit ko. Napalingon sa akin ang mga tao gan'on din sila Lucas at Lucio. Agad tumayo si Lucas at pumunta sa kinatatayuan ko. "A-ayos lang ako." sagot ko.

"First degree burn lang naman ito. Huwag mag-alala, malayo 'yan sa bituka." sabi ni Lucas habang binibendahan ang kamay ko. Nandito kami ngayon sa office niya. Simula kasi ng masisante si Dr. Castañeda, si Lucas na ang pumalit sa kaniya. Tinignan kong mabuti si Lucas at napansin ang basag niyang labi at pasa sa pisngi. Agad kong kinuha ang mukha niya gamit ang isa kong kamay at hinarap ito sa akin. "Lucas Saavedra magtapat ka nga sa akin. Bakit kailangan niyong gumawa ni Lucio na eksena sa gitna ng kalsada?" inis na tanong ko. Napatingin naman ito sa paa niya dahilan ng lalo kong pagkainis. Hinigpitan ko lalo ang pagkakahawak nito sa mukha niya dahilan ng pagngiwi niya. Iniwas niya ang mukha niya sa akin at tumayo na.

Agad akong tumayo para sundan siya. "Lucas 'di ba sabi ko sa'yo we're all in this together? Bakit kailangan mong magtago sa akin? Bakit ayaw mong sabihin?" malungkot na sabi ko. Napatingin na lang ito sa akin at napayakap. Kitang kita mo sa mata niya ang matinding pagod, pag-aalala, puyat at lungkot. "Claire, my Midnightsky, promise me you won't leave me. Promise me to accept my flaws and my imperfections." seryosong sabi nito at niyakap ako. Ewan ko, pero sa sandaling marinig ko ang mga salitang 'yon, nanlambot ang puso ko. If only I can say how much I love you. "I love you Claire." sabi nito sa akin at hinalikan ako sa noo.

"Dito na ako. Umuwi ka na kaagad para makapagpahinga ka." bilin ko kay Lucas bago tuluyang bumaba sa sasakyan. Bubuksan ko na sana ang gate ng bigla itong bumukas at iniluwa nito si papa. "Hello po Mr. Johnson." bati ni Lucas at magmamano sana ng biglang iiwas ni papa ang kamay niya. "Claire pumasok kana sa loob." maawtoridad na sabi ni papa. Sasagot pa sana ako ng biglang hawakan ako ni auntie at marahan akong hinila papasok. Ano bang nangyayari? Nakita ko mula sa bintana ang dalawang lalaking pinakamamahal ko. Nakita ko kung gaano kagalit si papa at tinulak si Lucas. Lalabas sana ako ng hilain ako ni Siana at binigyan niya ako ng tingin na nagsasabi sa akin na huwag na lang ako lumabas.

Nakita kong tumayo si Lucas at may sinabi kay papa tyaka tumango at sabay pasok na sa kotse niya at umalis na. Nang makapasok si papa at agad ko itong sinalubong pero agad itong umiwas. "Simula ngayon, hindi kana makikipagkita sa lalaking 'yon. Naiintindihan mo ba ako?" maawatoridad na sabi ni papa. "P-pa ano bang nangyayari? Bakit pinapalayo mo ako sa taong mahal ko?" taka kong tanong. Napahimas naman si papa sa kaniyang mukha at galit na itinumba ang monoblock. "Anong alam mo sa pagmamahal? Bata ka pa at ako ang tatay mo. Kaya susunod ka sa inuutos ko sa'yo." galit na sabi nito.

"Why are you doing this to me? Mahal ko si Lucas at hindi ko siya iiwan." mangiyak-ngiyak na sabi ko. "Mamili ka. Ako na tatay mo o 'yang walang kwentang lalaking 'yon?" galit na tanong ni papa. Tinignan ko siya at sa pagkakataong 'yon tumulo na ang luha ko. "Pa, mahal kita. Pero kung papipiliin mo ako sa pagitan ng taong bumubuhay sa akin at sa taong bumuhay muli sa akin, pa sorry. The last time I loved someone, I got hurt because I chose you over him. And I won't let that mistake happen again." sagot ko at pumunta sa pinto para lumabas ng mapatigil ako sa sinabi ni papa. "Claire if you come out to that fucking door, I swear to God that you will have no family that will look for you. Kakalimutan kong naging anak kita. Subukan mo." pagbabanta ni papa. Napatingin ako sa mga mata niya at sabay lunok. I'm sorry pa, pero mahal ko si Lucas. Dali-dali kong binuksan at pinto at tumakbo. "Claire! Claire!" rinig kong sigaw ni papa. Pero sa pagkakataong ito, hindi na ako nag-atubiling lumingon pa.











Love On You: Love Beyond The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon