"Paging Dr. Saavedra. Please proceed to room 401." rinig kong sabi ng nurse staff sa beeper niya. "I'll go ahead Mrs. Santos." paalam nito at tyaka umalis na. Pero bago siya tuluyang umalis, tumingin muna ito sa akin at nginitian ako. 'Yong ngiting nang-aasar. Ugh! Ano ba nasa likod ng utak niya?! "Claire Santos Johnson magpaliwanag ka nga sa akin." inis na sabi ni auntie. Napalunok na lang ako dahil sa tono pa lang ni auntie, aanhin mong magkakaroon ng world war three.
Umupo si auntie sa tabi ko at hinawakan ang mga kamay ko. "Wala namang problema kung magbo-boyfriend ka. Pwede mo namang sabihin sa akin." panimula ni auntie. Hindi ko naman alam kung ano ang gagawin at sasabihin ko kaya tahimik lang ako. "Tyaka alam mo Claire? Napakamaalaga ni Dr. Saavedra kumpara sa unang doctor ni tatay. Lagi siyang bumibisita at tinitignan ang lagay ni tatay kahit gabi na." paliwanag ni Siana.
Nang marinig ko ang kwento ni Siana isang alaala ang naalala ko. Malamang Claire! Alaala nga eh. Alangan namang iluwa mo.
Nandito ako sa lobby ng hotel dahil pinatawag ako ni Lucas. Akala mo naman may importanteng meeting para ipatawag ako. Nakita ko siya na nakaupo at naka diquatro habang nagbabasa ng dyaryo. Mukha siyang isang guidance counselor na may asim pa. Wahahaha! Naka-white polo siya naka-black na trouser. "You're five minutes late." reklamo nito habang nakatingin sa relo niya. "You're five minutes late." panggagaya ko habang nama-make face.
Agad siyang tumayo at tinignan ako ng seryoso. Agad din naman akong tumigil dahil kung titignan mo siya ngayon, parang mangangain siya ng buhay. My gosh! Marami pa akong pangarap! "Kailan ka ba magiging seryoso at magma-mature? Napakaisip bata mo." reklamo nito at tyaka umupo na uli. "Life is too short to be serious and mature all the time. Sometimes, we just need to let our inner selves to conquer us. Kaya ka tumatanda agad eh." pangaral ko sa kaniya.
"Tama ka. Life is too short. And if you don't take it seriously, then your just wasting time." buwelta nito. Tinignan ko naman siya ng mamang-ermetayo-ka-ba-look pero hindi ako nito pinansin. Tumayo ulit ito at ibinaba ang hawak niyang dyaryo. Ano ba 'to? Sumasamba ba 'to kaya upo tayo ng upo tayo? "Baka gusto mong lumuhod?" tanong ko at tumawa. "Tsk! By the way I'm living." sabi nito at kinuha na ang maleta nito. "So? Pake ko?" pilosopong tanong ko. "Here's my number. Call me if you need me." sabi nito at nag-abot ng calling card.
Wow ah! "I need yours too. Give me." sabi nito at inilahad ang palad niya. Agad ko naman akong nag-apir sa kaniya at tumawa. "Stupid girl. I need your phone number." iritang sabi nito. At ng maibigay ko na ang number ko at lumakad na siya papalayo.
Teka! Umalis na siya ng isla para kay uncle? Erase erase erase! Shonga ka naman Claire! Doctor si Lucas. At kaya siguro umalis siya sa isla ay dahil kailangan na siya sa trabaho niya. Tama! Tama! At siguro coincidence lang na naging doctor ni uncle si Lucas. Tama! Tama! "Claire! Tinatanong ka ni nanay." tawag sa akin ni Siana at kinalabit ako. Nakatulala ka pala ako. "Kailan mo balak ipakilala si dr. Saavedra sa amin?" tanong muli ni auntie. "Huh? Eh kilala niyo naman na siya ah." sagot ko na may pagtataka. Ba't ba siya ipapakilala eh kilala na nga siya?
"I mean kailan mo ipapakilala si Dr. Saavedra sa amin bilang boyfriend mo in a formal way." paglilinaw ni auntie. "Ah eh busy-ng tao sa Lucas. Hindi ko alam kung kailan ang free time niya." kinakabahang sagot ko. "Well, kahit gaano siya ka-busy kailangan mo siyang ipakilala sa amin." seryosong sabi ni auntie. "Nay!" sigaw ni Siana. Agad naman kaming pumunta sa higaan ni uncle. Nakita naming gunagalaw ang kamay nito at iminulat ang mga mata niya. Pinindot ko naman ang patient's beeper para tunawag ng doctor.
BINABASA MO ANG
Love On You: Love Beyond The Stars
RomanceLove is not all about the butterflies in your stomach nor like a unicorn hopping in the rainbow. Sometimes, love requires pain to be a better person. Sometimes, loving someone with all your heart is just not enough to make the person stay. But can b...