"Lucas teka lang! Ano bang ginagawa natin dito? Kailangann nating bumalik sa bahay." reklamo ko kay Lucas habang hawak hawak niya ang kanang kamay ko. Birthday ngayon ni Lucas at naghanda ng malaking party si mom para sa kaniya. "What? You don't want to have a private time together?" seryoso niyang tanong. Pero 'di kalaunan ay binigyan ako ng nakakalokong ngiti. "Hindi namna sa gan'on. Pero sayang kasi 'yong hinanda ni mom. Sayang 'yong party. Tyaka nanghihinayang ako sa ginastos." sagot ko habang nakatingin sa kaniya. "Alam naman ni mom na ayaw ko ng gano'ng party. At tyaka I'm 27. And besides, it's my birthday. So I can do whatever I want to do with my special day. And spending time with you is all I wanted." nakangiting sabi nito at niyakap ako. Bakit ganyan ka Lucas. What did I do to deserve you? Agad kumawala si Lucas sa pagkakayakap sa akin at tyaka may kinuha sa likod ng bulsa niya. "Claire wear this." sabi niya at pumunta sa likod ko upang isuot ito sa akin. "Teka para saan ito?" takang tanong ko. "Its a surprise." sabi niya sabay ngisi. "Surprise? Eh ikaw nga 'yong may birthday. Tyaka kapag sinuot ko 'yang blindfold na 'yan hindi ko makikita 'yang kagwapuhan mo." natatawang sabi ko. First ko siyang makita na mag-polo shirt at naka-trouser at grabe! Pinagtitinginan kami ng mga tao dahil sa itsura niya. Sobrang hot niya tignan. Nahihiya tuloy ako sa suot kong plain and simple T-shirt at pants. Ayaw kasi akong pagsuotin ni Lucas ng mga gusto kong isuot. Baka raw kasi tignan ako ng ibang tao. Nang matapos na niyang itali ang blindfold sa akin ay agad niyang kinuha ang kamay ko at teka! Bakit niya inilagay at mga kamay ko sa bewang niya?! "Don't worry, you'll love it." sabi ni Lucas at nagsimula ng maglakad. Saan naman niya ako sa dadalhin?
Naramdaman kong huminto sa paglalakad si Lucas at ibinaba na rin niya ang kamay ko. "Don't open your eyes yet." sabi niya habang sabik na sabik sa pagtanggal ng blindfold sa akin. "Surprise!!!" sigaw ng mga bata at may hawak na banner na nakasulat ang salitang 'Welcome'. "Claire, I wanted you to know me more. So I brought you here. This is where mom and dad met me." paliwanag niya sabay ngiti. Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad kami papalapit sa mga bata. "Hello kuya Lucas. Tignan mo kuya! Tignan mo mga scores ko." sabi ng isang batang lalaki at inabot kay Lucas ang mga test paper niya. Agad itong binuhat ni Lucas at binulungan. Ngumiti ito at tyaka bumulong din sa kaniya. "Pwede ko bang malaman kung ano ang pinag-uusapan niyo?" nakangiting tanong ko. Umiling ito at ngumiti. "Hindi pwede ate. May secret mission kami ni kuya Lucas." sabi niya at maya-maya ay tinakpan niya ang kaniyang bibig. Ibinaba ito ni Lucas at agad pumunta ang bata sa kapwa niya bata ay may sinabi ito. Pagkatapos no'n ay umalis na ang mga ito habang tumatakbo.
"Siya si Julius. Kapag pumupunta ako dito, lagi siyang sabik na sabik." nakangiti niyang sabi. "Lucas? Lucas!" sabi ng isang madre at agad tumakbo papunta sa amin. "Sister Nelly!" sagot naman ni Lucas at sinalo ng yakap ang madre. "Kumusta kana? Ang tagal mong hindi nakabisita ah." sabi ng madre at niyakap muli si Lucas. Tumingin ito sa akin at ngumiti. "Ikaw ba si Claire?" tanong nito sa akin. Agad naman akong tumango dahilan ng pagyakap niya sa akin. "Welcome sa Young Israelites Foundation." bulong nito sa akin at kumawala na sa pagkakayakap. "Mabuti naman at pinasyal ka ni Lucas dito sa bahay ampunan. Matagal ka na naming inaabagan simula no'ng makwento ka sa akin ni Lucas." panimula ni Sister Nelly.
*Phone ring*
*Phone ring*"Excuse me." Paalam ni Lucas at tyaka sinagot ang phone niya. Ginabayan naman ako ni sister Nelly sa hallway kung saan maraming pictures na nakadikit. Huminto kami dito at isa-isa ko itong tinignan. Nang biglang mapatigil ako dahil mga pamilyar na mukha ang nakita ko. "Ang cute nila tignan 'no? 'Yan si Breillie at Lucas no'ng mga teenager pa sila." pagpapakilala ni sister. Nang mabanggit niya ang pangalan na 'yon, isang tinig ang paulit-ulit kong naririnig sa utak ko.
BINABASA MO ANG
Love On You: Love Beyond The Stars
RomanceLove is not all about the butterflies in your stomach nor like a unicorn hopping in the rainbow. Sometimes, love requires pain to be a better person. Sometimes, loving someone with all your heart is just not enough to make the person stay. But can b...