Chapter Four

4 1 0
                                    

"C'mon babe. Its getting late." seryosong sambit ni Lucas at marahang hinimas ang mga pisngi ko tyaka ngumiti. Ewan ko ba kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko. Ramdam na ramdam ko rin ang pag-init ng mga pisngi ko dahil sa ginawa ni Lucas.

My gosh! My first kiss was taken by the guy I just met a couple days ago! "See you around Claire..." sabi na lamang ni Jeun at umalis na kasama ang kasintahan niya. Nang makalayo na si Jeun ay naglakad na rin si Lucas papalayo sa akin habang nakapasok ang kaniyang mga kamay sa bulsa niya. Ako naman ay naiwan sa kinatatayuan ko at napako dahil pa rin sa pagkabigla.

Nandito na kami ngayon sa yate para mag-dinner. Gusto ko pa sanang tumanggi dahil gabi na at wala rin naman akong mga damit na dala pamalit pero wala akong magawa. Dahil gusto ni ma'am Amanda na kasama ako. Sobrang bait ni ma'am Amanda na to the point na parang gusto ko na lang umurong sa deal namin ni Lucas. Nakakakonsensya lang dahil paniwalang paniwala sila ma'am Amanda at sir Luke na may relasyon kaming dalawa ni Lucas.

"Everyone! I just want to give a toast to Lucas and for Claire for giving me this happiness I experience. You two made my heart happy and I just want to celebrate it. Because finally, I can see Lucas that is being responsible for someone's heart. Cheers!" anunsyo ni ma'am Amanda at sabay-sabay itinaas ang wine glass. Ngumiti naman ako ng bahagya. Parang pinupunit ang puso ko sa dahil sa sinabi niya. If only she knew....

Pagkatpos ng masayang dinner ay napag-alaman namin ni Lucas na sa iisang kuwarto kami matutulog. At ngayon ay narito na ngayon kami sa kuwarto kung saan kami matutulog. "Jack en poy! Jack en poy! Boom! Talo ka. Sa sahig ka matulog. Hakhak!" tuwang tuwa kong sabi. Inis naman na ba tinanggap ni Lucas ang pagkatalo niya. "Oh eh ano pang ginagawa mo sa teritoryo ko? Alis!" mapang-asar kong sabi sa kaniya. Kitang kita mo naman sa mukha niya ang pagkainis at pagkairita. "Oo na, okay?" asar niyang sabi. Wahahaha! Asar talo! Bleh!

Padabog namang naglatag si Lucas sa sahig ng kaniyang hihigaan. Agad na rin niyang pinatay ang ilaw at humiga na sa higaan niya. Kasabay ng pagpatay niya ng ilaw ay ang unti-unti ring pagparam ng paningin ko. "Uhmm, Lucas?" tawag ko dito. "What now?" irita namang tanong nito. "Pwede mo bang i-switch ang ilaw?" tanong ko. "Hindi ako nakakatulog kapag may ilaw. Kaya huwag ka ng mag-inarte." sagot niya. Itinaas ko ang kamay ko sa ere upang tignan ang mga ito. Ngunit sobrang labo ng mata ko at nangingibabaw ang dilim sa paningin ko.

"May night blindness kasi ako." paliwanag ko. Nakarinig ako ng padabog na yapak at biglang lumiwanag. "Salamat." tugon ko. Ngayon kitang kita ko na rin ang paligid. Humiga agad si Lucas at nagtakip ng unan upang hindi masilaw sa ilaw. Hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala wala sa isip ko ang mga nangyari ngayong araw. "Lucas?" tawag ko muli sa kaniya. "What now?" inis nitong tugon. "Uhmm, about the kiss..." panimula ko ngunit hindi na ito nasundan dahil agad tinanggal ni Lucas ang unan sa mukha niya at marahang iminulat ang mga mata niya. "Its just a kiss. There's nothing special about it. I just did that to save you to that stranger." paliwanag uli niya.

Hindi ko alam pero parang kung anong sakit ang naramdaman ko sa mga narinig ko. Oo nga naman Claire! Its not that important for you to think you. Isang halik lang naman 'yon. Kaya bakit ka nasasaktan. Ngunit teka! Save you?! "Hoy! Kung iniisip mo I owe you again, nagkakamali ka." inis na sabi ko. Mahirap na. Baka mapasubo uli ako sa isang deal na naman ng mokong na 'to. "Will you just sleep? Ang daldal mo." iritang sabi nito at tyaka nagtaklob ng muli ng unan sa mukha. "Will you just sleep? Nyenyenyenye!" inis na panggagaya ko sa kaniya.

Someone's POV

I never thought that this day would be a great one. But seeing you with him break me piece by piece. I'll do whatever I can to help you get rid of this deal. Just wait still, I promise...

Love On You: Love Beyond The StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon