"Mom, dad, this is Claire. My girlfriend." pagpapakilala niya.
Ano?! Girlfriend?! Ako?!
Nanlaki ang mga mata ko sa kaniya. "Come hija. Sit here." aya sa akin ng isang babae. Isang babae na kung titignan ay kagalang galang at eleganteng babae. Kitang kita sa mukha niya ang pambihirang ganda nito. Ang tangos ng ilong, ang mapupungay na mata, ang mapupulang labi at ang makutis na balat.
"Ano bang itinatayo tayo mo dyan? Kanina ka pa tinatawag ni mommy." bulong ni Lucas. Agad na bumalik ako sa wisyo at nabalot ako ng pagkainis sa lalaking nasa tabi ko na hanggang ngayon ay hawak PA rin ang kamay ko. "Mag-usap tayong dalawa mamaya." inis na sabi ko habang nakangiti upang hindi nila ako mahalata. Ito pala ang sinasabi niyang pabor.
"So Claire, how old are you?" pagtatanong sa akin ng mommy ni Lucas. "I'm 16/ She's 20." sabay naming sagot ni Lucas. Nagkatinginan ang nanay at tatay ni Lucas. Agad kong sinipa ng pasimple sa ilalim ng lamesa si Lucas at sinamaan siya ng tingin. My gosh! Hindi ako na-inform na may question and answer portion pa lang magaganap dito.
"Uhmm, hija. Ilang taon kana?" tanong muli sa akin ng mommy ni Lucas. "I'm 16 po." sagot ko at tyaka uminom ng tubig. "Aware ka ba na 'yang lalaking nilalandi mo ay sampung taon ang tanda sa'yo?" mataray na tanong sa akin ng bruha. "Cailen. Watch your words. I didn't invite you here just to make fun with Claire." suway ng nanay ni Lucas.
Hmmp! Pansin ko kanina pa ako inookray nitong bruhang 'to ah. "Well miss, age doesn't matter. As long as love that person. Right honeybunch?" sagot ko at tyaka nagpa-cute kay Lucas. Kitang kita sa mukha ni Lucas ang pagkabigla dahil sa tinawag ko sa kaniya. Kung ganito ang gusto niya, well makikipaglaro rin ako.
"Uhmm, so what's your plan for college?" tanong naman sa akin ng tatay ni Lucas. "I want to be a lawyer po. Pero kukuha muna ako ng AB History to fulfill my dream to become a teacher po." sagot ko tyaka marahang sumubo ng karne. Gosh! Ang sarap ng pagkain. Sana nandito rin sila Danise. Huhuhuhu! Miss ko na sila. Hinahanap kaya nila ako?
Danise POV
Nagising kami ng wala si Claire. Saan naman kaya nagsusuot ang babaeng 'yon. Agad kong ginising ang tatlo para sabihin sa kanila na nawawala si Claire. "Baka naglibot libot lang 'yon. Huwag kang praning." inaantok na sabi ni Maxene. Hindi naman magising ang dalawa dahil sa pagkakahimbing ng tulog nila.
Lumabas ako ng kuwarto para hanapin si Claire. Nasaan kaya ang gagang 'yon? "Alam mo ba kagabi? Nakita raw ni Buboy na may karga kargang babae si sir Lucas." bulong ng isang staff sa kapwa niya staff. "Ah 'yong babaeng lumusong sa dagat kagabi? Nako! Dis oras ng gabi nasa dagat. Balak ata magpakatamay eh." sagot naman ng isa pa. "'Yon ata 'yong babaeng sinabunutan sa beach side kahapon. 'Di ba 'yon 'yon?" tanong pa ng isa.
Kinabahan ako sa mga narinig ko. Hindi kaya si Claire ang tinutukoy nila? "Excuse me? Ito ba 'yong babaeng tinutukoy niyo?" tanong ko at zinoom in ang picture ni Claire. "Nako! Ma'am opo." sagot ng babae. "A-alam niyo ba kung saan siya ngayon?" tanong ko. "Nako ma'am, hindi po eh. Pasensya na po." sagot niya at tyaka umalis na sila.
Bumalik ako agad sa kuwarto namin para ipabalita sa tatlo ang nangyari ay mga narinig ko. "Bumangon kayo dyan! May kumuha kay Claire." bungad ko. Gising na silang tatlo. Maski sila at nagulat sa mga narinig nila. "Ano?!" sabay-sabay nilang sabi.
Claire's POV
Habang tumatagal, nag-e-enjoy akong kasama ang pamilya ni Lucas. Ang sarap nilang pagmasdan. Ang saya-saya nila tignan. Close na close sila tulad ng pamilya nila tita Matet. Naiinggit tuloy ako. I wish I had a family like them. Ako kasi, lumaki kasi ako na hindi masyadong close kay papa dahil nasa ibang bansa siya para magtrabaho.
BINABASA MO ANG
Love On You: Love Beyond The Stars
RomanceLove is not all about the butterflies in your stomach nor like a unicorn hopping in the rainbow. Sometimes, love requires pain to be a better person. Sometimes, loving someone with all your heart is just not enough to make the person stay. But can b...