CHAPTER 9

13 0 0
                                    

Camille's Pov

Pagkatapos maligo ni Teresa bumaba na kami dahil padating na daw ang mga kaklase ko. Nakita ko naman na handa na ang lahat dahil nakahain na ang mga pagkain sa lamesa.

Hinintay namin ni Teresa sa gate ang mga kaklase ko. Natawa na lang ako dahil halos lahat sila nakakotse papunta sa bahay hanggang sa makaparada na sila sa harapan namin.

May dala dala rin sila kanya kanyang cake at ang lalaki pa non iba talaga kapag mayaman.

"Happy birthday Teresa!"sigaw nilang lahat, natawa na lang si Teresa.

"Thank you guys!"nakangiti na sabi ni Teresa tsaka kami pumasok sa bahay at pinalapag ko sa kanila ang mga dala nila sa isa pang lamesa.

"Ang dami naman handa dito. Baka hindi natin 'to maubos."si ser habang tinitignan ang mga pagkain na nakahain sa lamesa. Natawa na lang ko tsaka ako lumapit sa tabi ni ser at tinapik ko ang balikat nya.

"Gaya ng sabi nyo ser hindi pwede magsayang ng pagkain kailangan ubusin natin 'to kung hindi naman kaya magbalot kayo at magtira para sa mga yaya ko."nakangiti na sabi ko, natawa na lang si ser at tumingin sa kanya.

"Iba talaga kapag mayaman."sabi nya at natawa naman kaming dalawa.

"Minsan lang akong maging ganito kaya sulitin na natin."natatawa na sabi ko tsaka ako kumuha ng prutas at kinain agad 'yon.

"Pwede naman natin gawin 'to kahit araw araw."biro ni ser, napangisi naman ako.

"Edi naubos ang pera ko hahaha. Kaya ko dinamihan 'to dahil birthday ng kaibigan ko at estudyante mo siguro naman may mga dala kayong damit magswiswimming tayo sa labas."nakagiti na sabi ko.

"Lagi naman kaming handa alam mo naman kami."biro pa si ser. Natawa na lang ako tsaka ko tinapik ang balikat nya at umalis don. Pumunta na muna ako sa mga kaklase ko na nasa sala na at hindi na magkasya dahil sa dami nila kaya ang iba nasa lapag na.

"Kumain na muna tayo bago tayo pumunta sa pool sa labas."sabi ko at naupo sa kandungan ni Teresa iniyakap naman nya ang braso sa bewang ko.

"Oh panigurado masaya ang araw na 'to."si Claire. Jowa ni Russel napangiti pa ako dahil magkatabi ang dalawa at akbay akbay ni Russel si Claire at titig na titig kay Claire.

"Syempre birthday ng kaibigan ko e."nakangiti na sabi ni Teresa tsaka ako lumingon sa likuran ko at hinalikan sya sa ilong nya.

"Para kayong magjowa alam nyo ba 'yon?"si Audrey. Napangiwi naman ako habang si Teresa natawa na lang. "Walang halong biro sa panahon ngayon may bisexual ah."

"Mukha lang pero kaibigan lang talaga kaming dalawa may jowa na si Camille at sya 'yong nakita nyo kahapon."si Teresa.

"Ang gwapo naman ng jowa mo na 'yon pero crush mo diba si Lander?"nanunuksong sabi ni Russel. Pinandilatan ko lang sya ng mata pero tumawa lang sya pati si Teresa nakitawa rin.

"Kung wala lang talagang jowa 'to si Camille panigurado sya na ang manliligaw kay Lander."natatawa na sabi ni Teresa.

Ngumuso naman ako.

"Anong masama na kahit may jowa ka nagkakacrush ka? Hindi maiiwasan 'yon at isa pa hinahangaan ko lang sya dahil sa mga talento nya na nakita ko sa kanya sa loob ng isa araw."nakanguso naman na sabi ko nagtawanan naman ang mga kaklase ko.

"Sasabihin ko kay Lander na may gusto ko sa kanya kaibigan ko sya at isa pa magkapitbahay lang kaming dalawa."nanunukso na sabi rin ni Ramon, tumingin naman ako sa kanya.

"Ugh! H'wag mong sasabihin sa kanya na may gusto ako sa kanya!"nambabanta na sabi ko, natawa lalo sila.

'Ano ba't ako ang trip nila ngayon?!'

Last Mission (Completed)Where stories live. Discover now