CHAPTER 32

2 0 0
                                    

Camille's Pov

Nagulat kaming lahat ng makitang bumagsak si Alexis ng makita si Jieun. Nagtaka pa kaming lahat habang si Teresa at Nathan natatawa pa.

"Putcha, patay na patay sayo yan Jieun! Nahimatay pa nga!"natatawa na sabi ni Nathan, napailing na lang ako tsaka ako pumunta kung saan bumagsak si Alexis, natawa pa ako ng makitang nakangiti pa ang gago!

"Sabi ko na barbie e!"si Teresa, napalakas ang tawa ko ng marinig ang sinabi ni Teresa.

"Tae! Ke' lalaking tao nahihimatay! Barbie 'to e! Barbie talaga 'to e!"natatawa na sabi ko, napahawak pa ako sa tiyan ko sa sobrang lakas ng tawa ko, halos maluha luha na ako sa kakatawa ko!

"Hahaha! Teka sandali lang! Hindi na ako makahinga sa tawa ko hahaha!"si Eun Jin. Tsaka sya malakas na tumawa 'yong tipong wala ng katapusan ang tawa nya. "Bakla ata yan e!"sabi nya, natawa rin ako tsaka ko tinaas ang damit ni Alexis may abs si Alexis!

"Putcha! May bakla bang may abs? Wow kumpleto 'yong abs nya!"natatawa na sabi ko. Tsaka ko 'yon binaba tsaka ako tumingin kay Jieun na hindi rin matigil sa pagtawa nya.

Jieun na tinatawag ko kay IU wala lang trip ko lang dahil mas gusto ko sa pangalan nya. Bakit masama bang tawagin sya sa tunay na pangalan nya?

"May lalaking may idol sayo! Paggising nya kailangan ikaw ang unang makita nya tapos mahihintay uli sya!"natatawa na sabi ko, tumango sya sa akin habang natatawa rin.

"Sige! Nakakatuwa naman yang lalaking yan!"

"Bakla yan!"natatawa na sabi ko. Nag-apir pa kaming dalawa ni Jieun.

"Buhatin nyo na nga yan si Alexis pahigain nyo sa sofa."si Mommy, sumunod naman 'yong dalawang lalaki at binuhat si Alexis at pinahiga sa sofa.

Pagkatapos nilang buhatin si Alexis bumalik na kami sa pagkain at pag-inom hindi ko pinayagan na uminom si Jieun dahil bawal 'yon sa kanya hanggang pagkain lang at softdrinks lang ang pwede sa kanya.

"Nakakatawa talaga yang si Alexis, kanina lang e hindi sya makapaniwala na nandito si IU, talagang kinumpirma pa muna bago sya pumasok."kwento ni Teresa, napailing na lang ako.

"Tsk, baliw din yang si Alexis minsan. Akalain mo 'yon parehas kami ng iniidolo."nakangiwi na sabi ko tsaka ako uminom agad ng soju.

"Magkapatid nga kayong dalawa ni Alexis diba Mommy?"baling pa nya kay Mommy, tumango lang sa kanya si Mommy.

Parang okay na sa akin ang salitang kapatid para kay Alexis, hindi na ako naiirita sa tuwing tinatawag nilang kapatid ko si Alexis. Parang tanggap ko na ewan hays hindi ko alam.

Pumunta kami sa sala at doon uminom gusto lang namin asarin si Alexis kapag nagising na sya at natutuwa akong makita na nahihimatay sya ng dahil lang sa babae feeling ko ang hina hina nya sa magagandang babae gaya na lang ni Jieun.

"Ahm, Mommy pupunta na sa isang linggo ang parents ni Nathan, mamanhinkan na ba agad?"tanong ko kay Mommy tsaka ko hinawakan ang kamay ni Nathan at pumisil don.

"Aba oo naman! Kailangan natin pag-usapan kung saan kayo magpapakasal o kung kailan."

"Okay lang naman po sa akin Tita kung saan simbahan dito sa Pinas o sa Korea ko sya pakasalan."

"Ayokong sa Korea mo sya pakasalan gusto ko dito. Gusto kong makita ang anak kong nakasuot sa wedding gown nya."

"Okay po Tita, naiintindihan ko naman po kung saan nyo gusto, ang mahalaga lang po sa akin kahit saan naman po pakakasalan ko si Camille."

"That's good."si Mommy tsaka sya uminom ng wine ayaw nyang uminom ng soju hindi daw nya alam ang lasa. "Ikaw Jieun? When you plan to get married?"tanong ni Mommy na ikinagulat namin lahat.

Last Mission (Completed)Where stories live. Discover now