CHAPTER 26

5 0 0
                                    

Lander's Pov

Sinasabi ng lahat na ako si Lander Bryan Santos pero bakit hindi ko kilala ang sarili ko? Naniniwala naman ako sa kanila dahil pinapakita nila ang mga picture ko sa mga album nila at may picture din ako dito sa kwarto pati nga picture ng babaeng nagpakilala sa akin sa hospital meron din ako at kasama ako don.

Napatitig ako sa picture na 'yon madami kaming picture pero hindi ko talaga sya makilala o maalala man.

Ang sabi sa akin ni Ramon naging jowa ko ang babaeng si Camille ng isang araw lang pero bakit isang araw lang? Hindi ba kami nagwork at break agad? Niloko ba nya ako o ako ang nanloko? Gusto kong malaman ang sagot pero alam ko ang sarili ko lang makakasagot nito at ang babaeng kasama ko sa litrato.

Hinawakan ko 'yon at tinitigan maigi baka sakaling maalala ko sya pero walang nangyari.

"Si Camille yan ah?"bigla ay nailapag ko ang frame na 'yon nakita kong pumasok si Kuya Bino sa kwarto ko tsaka sya lumapit sa akin at tinitigan ang frame na 'yon. "Napakasaya mo non na may picture kayong dalawa ni Camille non kase mayroon ka ng tititigan kapag hindi mo sya nakikita."natatawa na sabi ni Kuya Bino nagtataka naman na tinignan ko sya.

"Sabi ni Ramon naging girlfriend ko si Camille ng isang araw pero bakit isang araw lang?"nagtataka na tanong ko baka sakaling may alam sya tungkol don.

"Challege lang 'yong ginawa mo kung magwowork ba kung magugustuhan mo din sya pabalik. Kahit hindi ko alam ang kwento pero para sa akin chinallege mo ang sarili mo kung magugustuhan mo sya hindi ka naman nagkamali dahil nainlove ka nga sa kanya at ang sabi mo sa akin at sa Ate mo na mamahalin mo lang sya sa malayo dahil alam mong wala kang laban sa ex-boyfriend nya ng apat na taon."

"Mahal ko ba talaga sya?"kunot noong tanong ko sa kanya. Nagitla sya sa akin pero nakabawi din agad.

"Nawala ang nararamdaman mo sa kanya dahil hindi mo na sya kilala. Alam kong nasaktan si Camille ng sabihin mo sa kanya na hindi mo sya kilala kaya basta basta na lang syang umalis ng wala manlang paalam sa amin lahat kay Kuya Bino lang sya nagpaalam at kay Sam."

"Pero may gusto ba sya sa akin?"

"Aba! Oo naman! May gusto sya sayo 'yon ang sabi sa akin ni Ramon pinapunta ka nya sa bahay ni Camille non tapos nagawa mo daw syang halikan non sa harap ng teacher nila at mga kaklase nila. Sya ang first kiss mo Bunso."napangiwi ako sa sinabi nya.

"Kapag nakaalala na ako sya ang una kong pupuntahan."nakangiti na sabi ko ngumiti naman sa akin si Kuya Bino.

"Uuwe na ako sa bahay baka masapak na naman ako ng Ate Alena mo."natatawa na sabi nya, natawa ako tsaka nya tinapik ang balikat ko tsaka nya ginulo ang buhok ko. "Maalala mo rin ang lahat tiwala ka lang."seryoso na sabi nga tumango ako sa kanya tsaka sya umalis ng kwarto ko pabagsak naman na humiga ako sa malambot na kama ko.

KINABUKASAN. Napatitig ako sa babae g bagong pasok palang at kaklase ko sya. Maganda at sexy simple pero nakakaakit ang ganda nya parang tinamaan ako sa ganda nya.

Nakangiti ko syang pinanonood na magpakilala sa harapan kaya naman mas lalo lang ako naeexcite na malaman ang pangalan nya.

"Im Patricia Mariano."pakilala nya kaya naman nakangiti na iniwas ko sa kanya ang tingin ko.

Para akong tanga na iiwas ako ng tingin at ngingiti sa sapatos ko nababaliw na ako nalaman ko na kase ang pangalan nya at maganda sya simple pero sobrang nakakaakit ang mga mata nya kung titignan mo hindi mo maiiwasan na kiligin ka na lang bigla kapag tinitigan ka nya.

"Sige na maupo ka na don sa tabi ni Lander."nagulat ako sa sinabi ni Sir at bigla bigla na lang ako nag-angat ng tingin kay Sir.

"What Sir!?"gulat na tanong ko nagtataka naman na tinignan ako ng lahat ganon din si Sir at si Patricia. Naibaba ko ang tingin ko dahil nakaramdam ako ng hiya. "Im sorry."

Last Mission (Completed)Where stories live. Discover now