Lander's Pov
"Bakit ba nagkakaganito ang anak natin?"si mommy. Naramdaman ko naman ang paghawak nya sa pisngi ko at pinunasan 'yon na hindi ko alam na umiiyak na pala ako.
"Sabi ni manong kanina. May kasama daw syang babae pagkatapos nilang ihatid sa bahay ang babae at 'yon na nga ang nangyari hindi na daw makilala ni Lander ang pangalan."si daddy.
"Hindi kaya nakalimutan inumin ni Lander ang gamot na binigay ko sa kanya?"si mommy. Narinig ko naman ang pagbukas ng cabinet ko narinig ko din ang tunog ng gamot. "Hindi na naman sya uminom ng gamot nya."napapabuntong hininga ni mommy.
"Honey, patignan na kaya natin si Lander?"
"Ayaw nya magpatingin sa doctor gusto daw nya na sa akin daw sya gumaling hindi kumpleto ang gamit ko dito sa bahay at tanging gamot lang ang kaya kong ibigay sa kanya."
"Honey nag-aalala na ako sa lagay ng anak natin."natatakot na usal ni daddy.
"Natatakot rin naman ako. Wala tayong magagawa honey kundi suportahan na lang natin sya alam kong gagaling din sya sakin alam kong may tiwala sakin ang anak ko."
"Oo nga pala. Grande daw ang inihatid nila."si daddy.
Napakunot ang noo ko wala akong matandaan na may hinatid kami kagabi? May kasama ba talaga ako kagabi? O wala? Ano ba nangyayari sakin at nakalimutan ko na lahat ang naging kilos ko kahapon?
"Grande?"paninigurado ni mommy.
"Oo. H'wag natin pag-usapan dito."
Natahimik ang buong kwarto ko panigurado nakatingin na lang sa akin sila mommy at hindi na nagbalak na magsalita.
Nagkaroon ako ng pag-asa na maalala na babae ang hinatid ko kagabi pero hindi ko matandaan ang itsura nya at kung ano ang pangalan nya.
Iminulat ko ang mata ko. Naalarma naman sila mommy sa akin agad akong hinawakan ni mommy sa braso ko at hinalikan ako sa noo ko.
Matanda na si mommy pero labas na labas parin ang kagandahan nya para ngang bata pa si mommy sa paningin ko ganon din si daddy.
May dalawang ampon si mommy at sa pagkakatanda ko ampon ni mommy 'yon sa ibang lalaki at tanda ko pa ang pangalan at 'yon si Ethan.
Namatay na si Ethan 18 years old na si mommy non. Magpapakasal na sana si mommy non kay Ethan kaso naaksidente at apat na buwan na itong comatose at sa araw ng valentines day nagising si Ethan at kinabukasn lang namatay na ito.
Ang hospital na pagmamay-ari ni mommy ngayon ay regalo sa kanya ni Ethan. Hindi ko naman kilala si Ethan na sinasabi sakin ni mommy pero kinwento nya 'yon sakin.
Si Kuya Airon ay inampon dahil pinabayaan ng magulang nya dati noon at si mommy na ang nakakasama ni Kuya Airon lumaban sa sakit noon na cancer. Si kuya Bino naman ay mami-mamihan lang dati nya si mommy pero simula nong namatay ang daddy na kinikilala nila noon sumama na si kuya Bino kay mommy at tuwing weekend na lang umuwi si kuya Bino sa tunay na magulang nya. Kaso namatay ang tunay na magulang ni Kuya Bino one year ago lang.
"Anak."si mommy. Ngumiti lang ako sa kanya tumitig ako sa mukha ni mommy kamukhang kamukha ko talaga sya habang si ate Kiana kamukha nya si daddy at ako ang bunso.
"Hi mommy."nakangiti na sabi ko tsaka ako bumangon at tinignan si daddy na nasa paanan ng kama ko nakatayo habang magkakrus ang braso at nakatingin sa akin. "Dad."tawag ko sa kanya. Agad naman syang lumapit sakin at niyakap ako.
"Magdamag kami nagbantay sayo ng mommy mo kanina pa iyak ng iyak ang mommy mo sa pag-aalala sayo."bulong ni daddy sa tenga ko. Tinignan ko si mommy mugtong mugto na ang mata. Niyakap ko na lang si mommy.
YOU ARE READING
Last Mission (Completed)
ActionSi Camille Grande ay galing sa pinakamayaman na pamilya ngunit wala syang maayos na pamilya dahil isang kabit lang ang Mommy nya maging ang kambal nya ay nawala at kailangan nyang kumpletuhin ang kwintas na kailangan para mabuhay ang kambal nya. I...