Camille's Pov
Nagmamadali kaming pumasok tatlo sa hospital ni Tita Karen. Nagpatawag ako ng tauhan ko kaya nasundo kami sa airport ang mga gamit namin tatlo ay pinauwe ko na sa bahay ko mismo.
Nakita kong kumpleto ang pamilya Santos nagulat pa sila ng makita ako ni Ate Kiana.
"Camille. Bakit pumunta ka pa dito?"nagtataka na tanong ni Ate Kiana at humalik sa pisngi ko.
"Nabalitaan ko ang nangyari kay Lander. Kamusta na sya?"tanong ko kay Ate Kiana napatingin naman ako kay Kuya Airon. Nagtaka pa ako ng hindi ko makita na buhat nya ang anak kong si Samantha.
"He's not okay. Nasa ICU pa sya at may ginagawa pang ibang test si Mommy sa kanya."sabi ni Ate Kiana napatingin ako sa kanya.
"Kailan daw ba magigising si Lander?"
"Hindi namin alam kung kailan magigising si Lander kahit si Mommy ay hindi alam. Kailangan natin maghintay na magising si Lander."sabi nya napabuntong hininga na lang ako tsaka ako napatingin sa ICU nandon si Tita Karen kinakausap ang anak nya. "Alam ba ng Mommy mo na umuwe ka dito?"tanong pa ni Ate Kiana.
"Nasabi ko na kay Mommy na nakauwe na ako."sabi ko tsaka ako tumingin kay Kuya Airon. "Nasaan ang maganda kong anak?"tanong ko kay Kuya napangiti sya sa akin.
"Pinabantay ko na muna kay Tita Carmela."sabi ni Kuya napatingin naman ako kay Tito Mark at nakipagbeso kay Tito Mark at tinapik ko ang balikat nya.
"Camille."napatingin ako kay Eun Jin ng tawagin nya ako.
"Wae?"
"Baegopa."sabi nya tsaka nya hinimas ang tiyan nya napangiti ako.
•Translation: Im hungry.•
Natawa naman si Teresa tsaka nya inakbayan si Eun Jin. Nainis naman si Eun Jin napanguso si Teresa pero nakaakbay parin si Teresa kay Eun Jin.
"Najung-e gulm-eo jug-eul su issdolog sigsa-e cham-yeohasibsio."sabi ko tsaka ako tumingin kay Teresa tumango naman sya tsaka ako tumingin sa pamilya Santos.
•Translation: Samahan mong kumain yan baka mamaya mahimatay yan sa gutom.•
"Ah by the way this is Park Eun Jin kaibigan ko sa Korea."pakilala ko kay Eun Jin. Hinila ko naman si Eun Jin at tinabi sa akin. "Ah Eun Jin. Sila ang pamilya ni Lander. Si Ate Kiana at si Kuya Airon si Tito Mark si Ramon at tsaka si Kuya Bino."pakilala ko sa kanila binati naman ng lahat si Eun Jin.
"Nice meeting you Eun Jin."sabay sabay na sabi nila napangiti naman ako.
"Mee too."si Eun Jin tsaka pa sya yumuko pinalo ko naman ang likod nya inis naman na tumingin pa sya sa akin.
"Kumain na kayo."sabi ko sa kanya.
"Arasseo. Baegopeudaneun geol eumsig-eul gajyeoda julge."sabi nya tumango na lang ako sa kanya tsaka sila umalis.
•Translation: Okay. I'll bring you your food I know you're hungry.•Napatingin kami sa pintuan ng ICU nakita ko si Tita Karen kaya naman lumapit sya sa akin gulat naman na napatingin sya sa akin.
"Camille, kailan ka pa umuwe?"gulat na tanong nya sa akin.
"Sinabi sa akin ni Ramon ang nangyari kay Lander kamusta na po sya?"
"Ang dami ko pang kailangan gawin test sa kanya. Gusto mo bang pumasok?"tumango ako sa kanya ngumiti naman sya sa akin.
Tinulungan akong isuot sa akin ni Tita ang gown. Hair net tsaka gloves. Pumasok na ako sa loob ng ICU tsaka ako naupo sa upuan na nandito.
YOU ARE READING
Last Mission (Completed)
حركة (أكشن)Si Camille Grande ay galing sa pinakamayaman na pamilya ngunit wala syang maayos na pamilya dahil isang kabit lang ang Mommy nya maging ang kambal nya ay nawala at kailangan nyang kumpletuhin ang kwintas na kailangan para mabuhay ang kambal nya. I...