Dave's Pov
"Dave habang maaga pa kailangan na natin makuha ang negosyo ng mga Grande hindi na ako makapaghintay na makuha 'yon!"inis na sabi ni Daddy. Kuyom na kuyom na ang mga kamao nya sa sobrang gigil.
"Dad, hindi pa natin napag-uusapan ang plano natin para sa Lolo ni Camille."sabi ko tsaka ako tumayo at kumuha ng wine at ininom 'yon.
"Anong nangyare sa inyo ni Camille? Diba sinabi ko sayo gawin mo ang lahat maging girlfriend mo sya ulit."
"Dad I tried but she's already engaged with someone."
"Bakit naman kase kailangan kunan kayo ng litarto ni Patricia habang naghahalikan."
"Hindi ko alam kung sino ang may gawa non wala akong kaide-ideya."mahina na sabi ko.
Plano namin makuha ang negosyo ng mga Grande dahil kay Daddy 'yon at hindi sa kanila si Daddy ang nagpalago ng negosyo na 'yon at hindi tama na maging sa kanila na lang ang lahat ng negosyo.
Si Camille, gusto ko sya oo pero dahil sa plano namin ay hindi ko magawang saktan sya kahit na kailangan na kailangan ko sya para mabawi ang mga negosyo na 'yon. Nahihirapan akong makipagbalikan sa kanya lalo na engaged na rin sya.
"I can't wait, Dave."si Daddy napabuntong hininga na lang ako tsaka ako tumingin sa kanya.
"Of course you can't wait but Dad it's time to make a plan for the Grande."
"Kunin mo ang kahinaan ni Camille ang kanyang Lolo."nakangisi na sabi ni Daddy. Napainom tuloy ako sa wine ko tsaka ako ngumisi ng todo. "Kidnapin mo ganon din ang Fiancè ni Camille gusto ko syang makita kung paanong magalit ngayon hawak natin ang mga mahal nya sa buhay."
"Daddy anong binabalak nyo?"
"Papatayin natin sila Dave h'wag kang lalambot lambot dahil hindi kita pinalaki na malambot ang puso! Gusto kong makitang mamatay sa harapan ko ang dating kaibigan ko ganon na rin ang Fiancè ni Camille."nakangisi na sabi ni Daddy at tumawa pa ng nakakaloko bigla ay kinabahan ako.
Kinakabahan ako dahil natatakot akong saktan si Camille sa totoo lang ay hindi ko sya magawang sampalin o ano dahil nanghihinayang ako sa makinis nyang balat na sobra nyang inaaalagaan.
Pero ngayon nakabuo na kami ng plano kailangan kong sundin ang sinabi ni Daddy sa akin kahit sa loob loob ko kinakabahan na talaga ako ng sobra.
Nakita ko ng nagalit si Camille at halos manginginig ka kapag nakita mo ang galit sa mga mata nya sanay syang makipaglaban at magaling sya doon wala akong laban sa kanya lalo na hindi ako sanay na dinadampuan ko sya ng mga kamao ko para saktan.
Ang Mommy ni Camille isa pa 'yon mas magaling pa sa akin 'yon sanay na sanay sya sa mga ganito dati rin syang secret agent kaya naman kahit bente pa ang kalaban at nag-iisa sya kayang kaya ka nya patumbahin ng wala pang sa sampung minuto. Ganon sya kayabang kaya h'wag na h'wag mo syang gagalitin kung ayaw mong hindi na makita ang liwanag.
Kinuha ko ang cellphone ko ng magvibrate ito. Binasa ko kaagad ang text.
From: Patricia
Magkita tayong dalawa.Kumunot ang noo ko sa nabasa ko. Ano na naman ba kailangan na 'to sa akin? Nagkita na kaming dalawa magkikita na naman.
Nagpaalam na ako kay Daddy na uuwe na ako dahil don kami magkikita ni Patricia sa condo ko. Nagmadali akong sumakay sa kotse ko at pumunta sa condo ko.
Pagpasok ko nakita ko na syang nakaupo sa sofa prenteng prente ang pagkakaupo magkakrus ang paa at tulala. Napangiwi na lang ako tsaka ko sinapa ang sofa dahilan para mapahawak sya sa dibdib sa sobrang gulat.
YOU ARE READING
Last Mission (Completed)
ActionSi Camille Grande ay galing sa pinakamayaman na pamilya ngunit wala syang maayos na pamilya dahil isang kabit lang ang Mommy nya maging ang kambal nya ay nawala at kailangan nyang kumpletuhin ang kwintas na kailangan para mabuhay ang kambal nya. I...