Victoria's POV
Sobra kong natakot nung nakita ko si Jacob sa restau biglang bumalik sakin yung mga nangyari samin na matagal ko ng gustong kalimutan kaso di ko magawa.
Nagsinungaling ako kay Danielle, actually di naman lahat ayoko lang isipin nya yung nangyari sakin.
Ex ko si Jacob dati, kaya ko lang naman sya sinagot dahil kay daddy. Wala kong nagawa non kase napapaligiran ako ng maraming tao nung tinanong nya ko para maging girlfriend nya. Nakita ko si daddy non kasama mga kumpare nya kabilang na ang parents ni Jacob.
Kita ko sa mata nila na umaasang mag 'Yes' ako sa kanya.
Bestfriend kase ni Daddy yung Papa ni Jacob kaya wala kong nagawa nun kundi um-oo kahit labag sa kalooban ko.
Inisip ko non na ayokong mapahiya si daddy at dahil naging mabait naman sakin noon si Jacob.
Inisip ko din nung mga panahong yun na tsaka ko nalang sasabihin sa kanya kapag okay na yung atmosphere kaya after a month di na nakaya ng konsensya ko kaya kinausap ko agad si Jacob with his parents at kasama ko din sila Mommy.
Nagsorry ako kase di ko talaga kayang mahalin yung anak nila at sinabi ko din yung dahilan bat um-oo ako sa kanya.
Di ko alam na hahantong sa ganto. After namin maghiwalay lagi akong binabagabag ni Jacob sa bahay maging sa school ayaw nya konh tigilan.
Ang pinakaworst pa dun ay sinubukan nya pa kong gahasain sa tulong ng mga kaibigan nya di ko alam na eto lang pala talaga ang habol nya saken pero buti nalang may isang taong nagligtas sakin nung araw na yon.
Hindi ko nakilala yung taong nagligtas sakin dahil madilim noon sa pinagdalhan sakin nila Jacob at parang eskinita pa pero natatandaan ko yung suot nyang kwintas na may letter 'J' na nakalawit.
Nagbalik ako sa ulirat ng tapikin ako ng marahan ni Dani "hey are you okay? natulala ka may problema ba? you can tell me" malumanay at nagaalalang sabi nya sakin.
"a-ah sorry may naisip lang" biglang nasaling ko yung alcohol sa lamesa at akmang dadamputin ko to ng naramdaman ko yung kamay nya sa kamay ko kaya't napatingin ako sa kanya.
Laking gulat ko ng sobrang lapit pala ng muka nya sa muka ko na tipong isang galaw lang mahahalikan na nya ko.
Napatitig ako sa mata nya. Familiar sakin ang malatyokolate nyang kulay ng mata. Di ko matandaan kung sino yung may ganto pero parang nahipnotize ako sa paraan ng pagtitig nya.
Onti onting gumalaw si Dani napapikit nalang ako dahil nadadala ko sa mga kilos nya.
At doon ay naramdaman ko ang malambot na labi nya. Hindi kami gumalaw nung una, maya maya ay naramdaman ko ang marahang pagkilos ng labi nya kaya wala kong nagawa so I kissed her back.
Napahawak ako sa batok nya at tuloy padin ang halikan namin at naramdaman ko yung maingat na hawak nya sa bewang ko. Lumayo kami saglit para makahinga at ramdam ko paden ang mabangong hininga nya.
Napatingin ako sa mata nya at humiwalay ng onti habang nakapalibot paden ang braso ko sa balikat nya. Ngumiti sya bigla kaya napangiti nadin ako at natawa ng mahina kase bigla syang namula.
"W-wow" kinabahan ako na kinilig sa paraan ng pagtitig nya sakin habang binabanggit yan.
"Y-yeah, that was" hindi ko natuloy sasabihin dahil nagsalita sya agad.
"Amazing, that was amazing" she smiled and kitang kita ko ang pamumula nya sa tenga, nahihiya naman akong nagipit ng buhok.
"I don't want it to happen again" i said with a serious voice.
