Danielle's POV
Practice na namin ngayon ng bball kaya padaretso na ko ngayon sa court. Pagpasok ko nakita ko agad si Ace isa sa team mates ko.
"Dandan! Namiss kita hayop ka!" malakas na sigaw nya habang patakbo sakin tsaka ako niyakap.
Langya naman tong makamiss nanghahayop pa talaga. Kung sabagay miss ko rin naman sya, silang lahat. Ngayon lang kase ulit nagtraining gawa nung vacation at sari-sariling buhay na muna.
"Ouch ha? Btw, I miss you too! andyan na ba silang lahat?" kumalas ako sa yakap nya at tinanong ko sya kung asan iba kase wala sila sa court mismo.
"Nandyan na duds tara daretso na tayo sa locker andun silang lahat! At nandito din ang ate ko may practice sila ng cheerleading ngayon" sinabi nya ng pabulong sa dulo at taas baba yung kilay.
Napangiti naman ako sa sinabi nya. Kaya ako ginaganahan sa bawat laro ko eh andun sya syempre kailangan kong galingan para naman mapansin nya kahit papaano.
"Handa ka na bang matalo ulit Ace? May inspirasyon na ko eh sorry nalang sayo" nagdadabog syang naglakad habang papunta kaming locker room kaya tinawanan ko lang.
"Ikaw kase ih! Bat di mo sinama si baby Lauren ko wala tuloy yung pampagana ko" nabatukan ko nga. Pampagana daw eh ano si Lau energy drink, punyeta.
"Hoy Ace kahit team mate at kaibigan kita kailangan mo munang dumaan sakin, samin nila Gio at tsaka wala sya may lakad kaya di makakasama sa practice" ewan ko ba sa dalawang yan kada nagkikita puro bangayan mantalang may gusto naman sya kay Lau iba din ang way ng pagamin neto jusko.
"Oo na wag kang magalala duds makakaamin din ako pero not now, soon" natawa ako sa kanya. Paano si Ace Salvador matotorpe? Talagang tatawanan ko sya nan.
Btw nakababatang kapatid sya ng pinakamamahal ko, shet corny. Kaya nga nagtaka ako na si Lau lang pala makakapagpatorpe sa kanya mantalang sa ibang babae napakagaling magpaamo.
"Torpe ka lang eh, sige aantayin ko yang pagamin mo"
"Teka ikaw din naman ah? Hiyang hiya ako sa hindi torpe, pero wag kang magalala support kita kay Ate" ngi medyo kinilig ako dun basta Ate nya usapan napapangiti ako agad eh.
Pagkapasok na pagkapasok namin sa locker room andun nga silang lahat sinalubong ako ng yakap ng mga team mates kong dugyot.
"Danidan! Namiss kita shet ka" natawa ako sa sabi ni Kayle. Humigpit yakap nya sa kanang braso ko at lumambitin pa sakin. Hayop ang bigat nila mamamatai na ata ko maaga, jk.
"Wag kang tumawa! Bat di ka nagpakita last week?! Birthday pa naman ni Kervey yun" nakasimangot na sabi naman si Yuri nakayakap sya sa braso ko sa kaliwa.
"Guys easy lang kayo bitaw na muna kay Dani nabibigatan na sa inyong dalawa oh" sabi naman ng captain namin na si Kelsey.
"Thanks Kels, at kayo naman sorry okay? Hinatid kase namin si Dad sa airport aalis na sya for work remember? Sinabi ko sa inyo yun ah" paliwanag ko sa kanila. Ngumiti sila na nakakaintindi at tinap nalang ako sa balikat.
"Naiintindihan namin but bumawi ka samin after training sabay sabay tayong kumain" sabi ni Ace at ngumiti naman ako tsaka tumango.
"Okay guys prepare na start na tayo ng training in 10 minutes" sabi ni cap at nagsikilusan na kami.
Paglabas namin nakita ko agad ang aking pinakamamahal, shet ang corny talaga sorna. So ayun nga kasama nya ang cheerleading team na nagpapractice na. Nakatingin lang ako ng mapalingon sya sa gawi ko at kumaway.
Napangiti ako at kakaway na sana ng nakita ko si Ace na kumakaway. Umasa ko dun hays kala ko ako.
"Ganda ni Ate no? Kung ako sayo talaga umaamin na ko at ginagawa ko na yung mga moves ko" nangaasar na sabi ni Ace. Inakbayan ko sya at kinurot sa pisngi.