Victoria's POV
Naninibago ko sa kilos ni Dani, she's kinda weird this past few days. Gusto ko syang kausapin pero at the same time hahayaan ko nalang na sya ang mag sabi sakin kung ano problema. Kase simula nung party ni Kevin para syang bothered sa paligid tuwing naabutan ko syang chinecheck yung phone nya.
Papunta ko ngayong court para manood ng practice nya kasama ko si Aya wala yung dalawa dahil inaya daw si Jess ng kuya nya after class kase kakadating lang neto from Canada and si Diane naman for sure makikipagdate lang yun ngayon.
Napatingin ako sa gawi ni Dani at nakita ko syang sinusundan kami ng tingin at kumaway. Nagwave ako pabalik sabay flying kiss with kindat at nakita ko syang namula habang kinakantyawan ng kateam mates nya na kinatawa namin ni Aya.
"Ang yummy talaga ng baby Kelsey ko omg!" nakaupo kami sa likod ng bench nang players at syempre isang dahilan kung bat sumama si Aya dahil lang naman kay Kelsey yung captain ng bball.
Crush na crush ng bruha si Kels at minsan pa nga ay ang manyak na ng dating ng kaibigan kong to dinaig pa lalaki lalo na pag lumalabas abs ni kels tuwing nagpupunas ng pawis.
And hindi lang yon pinagpapantasyahan lang naman ng kaibigan ko ang pwet ni kels 'paano ang tambok ba naman' yan ang laging linya nitong babaeng to.
"Why don't you just make confession nalang sa kanya no sis? pinapahirapan mo pa sarili mong bruha ka" asar ko sa kanya na kinairap nya naman, inirapan ko din sya kala nya papatalo ko.
"Che! Porket may secured future kana, im hurt in the bones mhiema ha sana all?" nagacting pa sya na nahurt at nakahawak pa sa dibdib wala namang laman kaya natawa nalang ako na kinasama ng mukha nya.
"I don't care sa feelings mo duh? kaya kita sinama dito, I need someone to talk to" ang hard ko na pero ganan kaming magkakaibigan kaya sanay na kami sa isa't isa.
"Grabe ang pagkabitch mo today! Pero sige spill" sabi ni Aya then sumandal sa seat sabay cross arms. Napahagod ako sa buhok ko at umayos ng pagkakaupo bago magkwento.
"Its about Dani kase, wala pang kami pero feeling ko may tinatago na agad sya sakin" gusto ko lang talagang may masabihan about dito kase first time ko lang din namang mapasok sa isang mutual understanding ika nga nila at nangangapa pa ko ganun naman daw talaga sa una.
"V, wag kang masyadong mag isip and mag jump agad sa conclusion ok? You can just ask her kung ano problema kase baka isa yan sa maging reason pa ng pag aaway" mahabang paliwanag ni Aya.
"I mean kahit just tell her na you're worrying about her kaya naaapektuhan ka den para no choice sya it's either aaminin or pag aawayan" dagdag pa nya na nagpatango sakin.
"Yeah you're right, may pakinabang ka din pala sa payuhan tnx bitch! maaasahan ka talaga sa bagay na yan" umirap sya sa sinabi ko at natawa.
"Minsan lang yan bitch pasalamat ka wala yung dalawa. Teka makairit nga muna nakashoot ang bebe ko omg!!" sabi ni Aya na kinatawa ko bago hinanap ng paningin ko si Dani.
"Go Kelsey baby! Itira mo!" wtf talaga tong si Aya walang preno bibig pasalamat sya walang mga students ngayon. Tumawa ang mga players at si Kelsey parang gusto nang bumaon sa lupa ang wild naman kase netong isa.
"Calm the fuck down bitch, hinay hinay lang mabulunan yang baby mo di kinakaya bunganga mo" natatawa kong sabi sabay tulak sa kanya ng onti.
"Corny mo V! ikaw kase walang experience try mong mag explore ghorl, yeah baby!" tawang tawa ko sa isang to walanya ano pa kaya pag andito yung dalawa for sure hagod to the fullest ang mata nila sa players.
"Bwiset ka talaga, wait for me here bitch" sabi ko sabay tayo at iniwan ko sya dun at nakakarindi ang bunganga ng aking frenny.
Lumapit ako kay Dani habang may hawak na water bottle at handtowel. Ngumiti sya at binati ako.