Danielle's POV
It's been one week since I last received a threatening message from that creep psycho. Nakahinga ko ng maluwag at the same time nag aalala den kase parang may iba kong pakiramdam na di ko mapaliwanag. Pero whatever for now iba muna dapat kong asikasuhin.
But at least tumigil na sya magsesend ng messeges na creepy shits, nabawasan ang iniisip ko kahit saglit lang.
Anygays, magfofocus muna ko sa study ko at sa nililigawan kong mukang naglilihi. Andito kame sa kwarto ko nanonood ng fav nyang series which is stranger things nasa season 4 latest naming pinapanood. Magkacuddle kami ngayon, nakapatong ang paa nya sa hita ko at nakayakap ang kamay sa tyan ko.
"Baby" bulong nya sa tenga ko.
"H-ha? sinabi mo?" nawala focus ko sa tv at namumula ang tengang binalingan sya ng tingin.
"Don't make me repeat what I said hmp" tamo antaray parang umatras kilig ko eh, uulitin lang damot nagiinarte lang naman ako. Napakamot ako sa kilay at nakapout na tinignan sya.
"What is it? sungit mo uulitin lang ih" inirapan ako neto ngunit mas humigpit pa yakay nya sa bewang ko.
"Im hungry na, Jimenez" napatawa ako ng marahan sa kakyutan nya. Pano ba naman nakasimangot na humalukipkip. Inayos ko ang buhok nyang humaharang at binaba ang kamay sa banda bewang nya.
Minsan lang gumanto tong si baby lubusin ko na.
"Ano bang gustong kainin ng abunjing na yan?" nakangiti habang natatawa ko sa tinawag sa kanya. Sinamaan ako ng tingin nito ngunit nagupantang naman ako sa sunod na sinabi.
"Ikaw" napasmirk sya sa sinabi, habang ako naman natigilan saglet. At nanlaki mata na tumingin sa kanya.
"A-ako?!" napasigaw ako ng onti di ko namalayan kaya natawa sya ng malakas. Tulala paden ako kase pota naman mga mi bakit ganon sagutan magugulantang ka talaga.
"pffttt! look at your face! It's priceless" tatawang sabi nya sabay tampal sa braso ko.
Ah nangaasar lang pala, mabaiwan nga.
"Ah ganun? Priceless pala sige lubusin ko na patikim nga one time lang, rawr" pabiro kong nilapit muka ko sa leeg nya at kiniliti sya.
"OH GOSH STOP IT J-JIMENEZ! OMG STOP!" tawa sya ng tawa kaya tumigil na ko kakakiliti mejo hiningal pa sya kaya sinamaan ako ng tingin.
"hehe peace tayo jan mars wag kana gagalet, pakiss nga!" sabay nguso na tinampal nya ng mahina.
Inirapan nya ko sabay harang ng kamay nya sa nakanguso kong muka.
"Ano nga palang gusto mong kainin ulet?" tanong ko habang may nakakalokong ngiti.
Tinarayan nya lang ako sabay sabing "Ayoko na balakajan lakas mong mangasar! Wag kang huminga naiinis ako" natawa nalang ako sa kanya kaya lalong sumimangot ang reyna.
Napuno lang ng asaran ang buong araw namin sa kwarto ko at fyi asaran lang yon wala ng iba hihi sayang.
***
Friday na! pinakaiintay ng mga students at mga players ng bball to dahil laban na namin against Demians University.
Susunduin ko muna si Victoria sa bahay nila kase sabay kaming papasok ngayon para naden makahingi ako ng goodluck alam nyo na, pero bago yon dumaan muna ko sa flower shop at bumili ng daisies dahil favorite nya tong flower nakita ko sa notebook nya kase naman yung design puro ganon.
Nagtext muna ko sa kanya na nasa labas na ko ng bahay nya at inantay sya habang nakasandal sa gilid ng car ko. Nakita ko syang lumabas with her cheerleading outfit na lalong nagpaganda sa kanya.