Victoria's POV
Paulit ulit sa isipan ko yung sinabi sakin nina mommy at daddy. Masaya ko na kinakabahan kase kung iisipin mo seryoso ba talaga sila sa desisyon na yan? come to think of it, ang bata pa namin.
But at the same time it's ok for me if Danielle is consistent hanggang dulo kase kahit papano sinabi nila na pagtapos nalang namin ng college ang kasal kaya sabi ko if yun talaga na hanggang after college ay maging kami paden well I guess, tuloy ang plano.
Kaya I said yes of course tinatanggap ko yung plano nila para samin ni Dani. At the same time masaya ko na imbis na sa iba ako i-arranged marriage talagang sa annoying but sweet ko pang manliligaw.
At to be honest, danielle makes me feel things that I never felt sa lahat ng dinate ko. She's a she pero hindi na naging kaso sakin yon tsaka I'm straight naman talaga but since I met her mukhang sa kanya lang talaga ko bumabaliko ngl.
Kinikilig ako pag naaalala ko yung nangyari kahapon. That was one of the best time of my life.
Tagal pa namin bago matapos sa college pero panatag naman ako sa feelings nya for me kase if ever na ipagpalit nya ko pagbubuhulin ko talaga sila nung higad na ipapalit nya sa magandang ako duh.
"Mhie, ano tulaley ka dyan" biglang sabi ni Jess habang natatawang kumakain ng fries. Sinamaan ko sya ng tingin sabay irap at nagpatuloy kumain di ko sya pinansin.
"Baka sinuko na ang birhen, kaya ganan semi namumula pisngi o" mapangasar na sabi naman ni Diane kaya sinamaan ko din sya ng tingin sabay irap at bato nung isang piece ng fries na hawak ko.
"Manahimik ka sa kalaswaan mo Diane palibhasa sayo sukong suko na kaya ngayon hinahanap hanap tigang ka sis?" balik na asar ko sa kanya na may kasamang nakakalokong ngiti.
Inirapan nya ko pero dahil si Diane yan di magpapatalo ang bruha.
"Sino kaya saten yung pati picture pinagpapantasyahan?" natatawa pa ang bruha at lalong sumama mukha ko pero syempre maganda paden sabay hampas sa braso nya.
"Hindi ko pinagpapantasyahan yun duh? Isip mo lang talaga may diperensya" gigil kong sabi sa kanya kakabanas ang babaeng to.
"O sya sya tama na yan, parehas naman kayong mahilig" natatawang saway samin ni Aya. Wag ko kayang sabihin sa mga to nangyare nakakasusot sila ha hmp. I guess no chismis sila pag nang asar pa ng bongga.
Nasa court kami today practice ng cheerleading team kase namove yung laban ng bball at namin dahil nagkaproblema sa kalaban naming Univ. Kaya napagdesisyunan nilang i moved ngayong month yung laban.
Eto nga at todo ensayo kami at gusto ko din na syempre show them how it's done with my gorgeous body to die for.
Not to mention may isa pa kong problema, isa sa mga cheerleader na kalaban namin. Kada may laban masyado syang papansin kay Dani napansin ko lang kada naglalaban ang univ namen. Napairap nalang ako mentally.
"Btw, magkwento ka naman V mukang may nangyari kahapon ah?" sabi ni Jess sabay taas baba ng kilay nakapalumbaba sya habang sila diane napatango dahil nainom sila ng tubig. Break namin ngayon.
"Ikukwento ko na pero mga paepal kase kaso wag nalang" masungit kong sabi. Pinunasan ko pawis ko sobrang init kase ngayon. Open court pa naman to gamit kase ng volleyball team yung isang court na di aircon.
"Ang daya daya mo beh! Bili na kwento na, di ka na iinisin ng dalawang to" sabi ni Diane na akala mo hindi sya ang unang nangasar kanina.
Inirapan sya nung dalawa sabay sabing "Wow hiyang hiya sayo" natawa ko at umiling sa mga to.
Parang di mayayaman kung umasta pero thankful naman ako at sila ang kaibigan ko kase sila napagsasabihan ko ng problema na kinikeep lang naman nila kase alam nilang it's too personal.