Danielle's POV
Kasama ko sila Lanny ngayon sa mall need kase namin bumili ng bagong sapatos kase luma na yung iba.
Hindi kase ako yung tipo na pabili-bili ng sapatos kahit meron pa naman not to mention mayaman kami at kayang kayang bumili. Mas gusto kong lubusin na muna yung gamit sa isa bago bumili atleast hindi pa sayang diba.
"Dandan balita ko may kakaibang kaharutang naganap sa cafeteria kahapon" umpisa ni Kervey napangiti ako sa isiping iyon, naalala ko ulit yung ganap kahapon with my one and only bebe.
"Nangingiti na naman ampota, dalikado kana mamsh" natatawang sabi ni lannyboy na biot. Tinawag akong 'mamsh' ampota.
"Ikaw di pa nangiti aso na, tigilan mo ko lannyboy ilaban kita ng tahulan sa corgi ni Kervs" nangaasar kong sabi at tinawanan kami nila Gio at Kervey at nailing.
Hindi namin kasama si Lau ngayon may pupuntahan daw sya kasama yung kaklase nya. Babawi nalang daw next time. Kaya eto, kaming apat lang.
"Asaran na naman kayong dalawa, btw so totoo nga na nililigawan mo na si Victoria, Dani?" tanong ni Gio habang nakangiti malamang may clue na sya.
Napailing nalang ako ng maimagine ko na naman mukha ni Victoria na sobrang ganda, kilig ako omygosh.
"Yes, and hanggang ngayon I still can't believe it nga, nubayan mga weak sa chismis kaibigan ko ba talaga kayo?" pangaasar na sabi ko habang ngiting ngiti taena kase kinikilig ako dito hanuba.
"Ikaw talaga! ay sya support lang kami basta sabihin mo kung kelan mo pasasagutin, kaming bahala sa set up" taas babang kilay na sabi ni Kervey. Napatango yung dalawa pero si lanny with matching irap pa.
Sarap ibuking kay Gio malamang mabobroken yan may nililigawan na tong isang to. Iba talaga gay radar ko, baka Dani to badeng na badeng kay honeybunch sugarplumiampiam.
Nang makarating kami sa bilihan ng sapatos agad agad kaming pumili ng gusto namin pwera kay lanny malamang sapatos na may takong gusto nan samahan mo na ng glitters.
Shining shimmering splendid.
Nang makakita na kami ng mga gusto namin ay agad naming binayaran to tapos lumabas kami para kumain tomjones na kaya ko.
"San tayo kakain mga erps?" tanong ko sa kanila.
"Shakeys nalang mga beh- este erps gusto kong pizza tsaka mojos" arte neto madudulas pa malamang si lanny yan.
"Sige tara nagtext saken si Candice susunduin ko sya pagtapos naten kumain" sabi ni Gio na ikinasimangot naman ni Lanny.
Naglakad na kami papunta sa shakeys at inasar ko si Lanny na kinairap nya saken "Iba talaga pag may nagseselos no Kervey?" natatawa kong asar.
"Pag nagseselos dapat dyan umaamin na e, kase mahirap na maunahan pa diba" sabay sa asar ko, si Kervey natawa at tinignan si Lanny na namumula na sa inis, pikon as always.
Pagtapos namin kumain nagkanya kanya na kaming punta sa kotse namin at nagpaalam sa isat isa. Balak kong puntahan si mylabs ngayon kase dadaanan ko pa yung flowers na pinareserve ko.
Nalaman ko kaseng mahilig tong isa sa bulaklak kaya ayun araw araw ko tuloy syang dinadalhan at success naman kase napapangiti ko sya.
Nang makuha ko ang flowers dumaretso na ko sa bahay nila. Balak ko syang dalhin sa falls na nakita ko dati pa. Walang nalalagi don kase tago ang lugar. Ansaya ko nga nun dahil ako nakatagpo sa lugar. Kase nung unang umamin ako na lesbian halos naging mailap yung ibang tao saken kesyo baka daw minamanyak or something ko sila na hindi naman, duh mas maganda at pogi pa ko sa inyo mfs.