Victoria's POV
"Alam mo na naman siguro Danielle ang nakaplanong kasal nyo ng anak ko" umpisa ni daddy katabi nya si mommy sa tapat naming upuan habang kaming dalawa magkatabi kaharap nila sa long sofa.
Naramdaman kong parang natense si Dani at magkasaklob ang kanyang dalawang kamay tas kinikiskis nya ito. Hinawakan ko sya sa binti para kumalma pero mukang mas natense sya lalo kaya lumapit ako sa kanya at bumulong.
"Hey easy ka lang wag kang matakot kay daddy sagutin mo nalang lahat ng itatanong nya okay?" tumingin sya sakin natulala kaya napangisi nalang ako sa di inaasahan na seducing voice ang kinalabasan ng pagkakasabi ko.
Pinandilatan nya lang ako ng mata at humarap kala daddy.
"Y-yes p-po tito" nauutal na sagot ni Dani na nagpangiti sakin ng palihim. Tumango tango si daddy at nagdekwatro.
"Well kung ganon, bago tayo magumpisa sa dapat pagusapan, matanong kita pumapayag ka ba sa kasal?" seryoso paden si daddy na kinakaba lalo ng katabi ko. Hinawakan ko sya sa braso at ginalaw galaw ko para kumalma.
Ramdam na ramdam kase sa tono palang ng boses ni daddy ang pagkalalim at pagkaseryoso neto kaya for sure kahit sino kakabahan.
"Kalma ka lang di nangangagat si daddy, nangingidnapp lang kapag niloko mo ko" pagkabanggit ko non lalong lumapad ang ngisi ko kaya natigilan sya at nakaawang ang bibig na napatingin sakin.
Nakatingin lang samin si daddy at parang inoobserbahan lang ang kilos naming dalawa.
"A-anong sabi mo? Tama ba ko ng rinig?" nagniningning ang matang nakatingin sakin. Umiling ako na natatawa at ginalaw ko yung head ko at parang tinuturo sa direction ni daddy.
"Mamaya na sagutin mo na si daddy bili" sabi ko nalang at iniintay ko din isasagot nya. Huminga sya ng malalim at tumingin sa parents ko na nagaantay ng sagot nya.
"Yes po tito, pumayag ako sa kasal na magaganap samin ni Victoria not because malayo pa pero dahil nadin gusto kong malaman nyo na seryoso ako sa panliligaw sa kanya" naramdaman kong nag init ang pisngi ko kaya umiwas ako ng tingin kay mommy na may mapanuksong titig sakin.
Tense na tense ba naman bat ba ko andito di naman yata ako kasali sa interview kuno nila daddy at mommy. For sure tinatakot lang ni daddy itong isa.
Halata naman eh sila nga may plano nitong arranged marriage namin malamang una palang may tiwala na sila kay Dani.
Tinignan ko si mommy at pabirong inirapan sila ni daddy pano ba naman pati parents ko galing ding mantrip tinatakot lang tong isa.
"Good, inaasahan ko naman na aalagaan mo ang anak ko hindi ba?" sunod na tanong ni daddy.
Agad tumango si Dani at hinawakan ang kamay ko sa braso nya. Tumingin sya sakin at kita ko don ang adoration sa mata nya.
"I really really like her tito and tita kahit sa maiksing panahon lang kami nagkakilala kaya wag po kayong magalala aalagaan ko sya at hindi sasaktan" namula ako at nakaramdam ng kilig kaya't kinurot ko ng onti ang bewang nya napaaray sya pero nakangiti saken.
"Tamo tito at tita ganto po ba tong si V pag kinikilig mapanakit" natatawa sya habang sinasabi yan napangiti ng slight sila mommy at ako inirapan tong isa at bumitaw.
"Che! Tapusin nyo na nga tong question and answer portion nyo daddy at nanggigigil lang ako hmp" semi mataray kong sabi at nagcross legs napasimangot ako. Natawa si mommy bago nagsalita habang si daddy napailing sakin.
"Maayos kung ganun, at isa pa Danielle alam namin na mahirap yang pagdadaanan nyo dahil hindi naman ganon pa tanggap ang same sex pero I hope matuto kayo sa mga dapat mangyare at maging ready, pasensya na mga anak ha? sadyang ito ay kasunduan pa ng dalawang pamilya matagal na kaya I hope kayo ay magkakilala pang mabuti" nakangiting sabi ni mommy at taas baba ang kilay sakin.