TALIYAH
Haaaaaay. Practice na naman, nakakapagod, nakakatamad buong week puro na lang practice ginawa namin. Today is Saturday it's suppose to be our free day. Rest day. Pero yung leader namin pinili pa ring magpractice, Wala bang kapaguran to? Tss.
I'm heading at my best friend's house I made my decision I'm not going to that practice. Hell! I need a break. Yayayain ko na lang si Alaine namimiss ko na rin kasi siya. Since puro practice nga kami bihira ko na lang siya makita. Nang makarating ako sa kanila ay dumiretso na ako papasok, kilala naman ako ng mga tao dito since nandito ako lagi. Mas gusto ko kasi dito kesa sa bahay namin. Masyado akong naiistress pag nasa bahay. Thanks to this family welcome na welcome ako dito.
Nang makarating ako sa kwarto ni Alaine like the usual her boyfriend is here again. Tss. SANA ALL. Buti pa tong best friend ko may boyfriend e. Ako nganga pero excuse me ha! Di ako panget meron namang nanliligaw sakin kaso di ko type e alangan namang sagutin ko di ko naman mahal diba? Tsaka isa pa may iba kasi akong gusto hihi. Yung kaibigan ni Marky kagrupo niya den sa sayaw everytime I saw him dancing argh he's so yummy. Eww Taliyah calm yourself that's too gross. But seriously he's more attractive when he's dancing.
"Hindi ba kayo nagsasawa sa mukha ng isa't-isa? Parang araw-araw na kayong magkasama. Tss." Inis kong sabi sa dalawa na syang tinawanan lang nila. Kainis ha.
"Kahit kelan napaka bitter mo Liyah." Sabi nito. "What brought you here? Himala at wala ka atang practice."
"Hay nako may practice kami pero di na ako pumunta my gosh Alaine nakakatamad 1 week na kami magpapractice I need a break. " Reklamo ko sa kanya. Tumawa lamang ito.
"So, why are you here? How can I help you?" Nalilitong tanong nito sa akin.
"Yayain sana kita, you know somewhere relaxing?"
"Actually may pupuntahan kami ni Marky. Birthday ng kagrupo niya may konting inuman. You wanna come?" Oh God! Perfect I'm sure he's there. Waaaah I'm so excited to see him. Actually hindi alam ni Marky na crush ko yung kagrupo niya, even Alaine didn't know it.
"Hmm, okey. Wala rin akong ibang pupuntahan pa. Ano oras tayo aalis?" Tanong ko kunwaring hindi excited hahahahaha.
"Inaantay lang namin si Anthony. He's going to fetch us. " Kung sinuswerte ka nga naman. Pigilan mo Taliyah! Pigilan mo yang kaharutan mo!
Medyo natagalan ng 30 minutes si Anthony natraffic daw sya. Yeah baby that's okay I can wait you forever, kidding.
Habang nasa byahe naguusap kami ni Alaine pero ang atensyon ko na kay Anthony. Ahhh sobrang gwapo nya talaga hihi.
"Ahm, Alaine where are we?" Kuryoso kong tanong medyo nahihiya ako kasi hindi ko naman masyadong close mga tao dito even though I've seen them a couple of times kapag na nanonood ako ng practice nila para samahan si Alaine. Pero hindi ako masyado nakikipag-usap sa kanila busy kase ako sa pagbabasa ng Wattpad hihi.
"Nakakahiya dapat pala di na lang ako sumama nakakahiya, wala naman akong kasama dito." Mahina kong sabi dito.
"Don't worry they don't bite." Napatingin ako sa gilid ko nang marinig ko ang nagsalita, owemjiiiiiiii si Anthony but you can bite me baby. Ahhhhhhhh-
"Hoy! Tulala ka dyan tara pasok na tayo." Si Alaine ang nasa harap ko di ko namalayan na nakaalis na pala si Anthony. Umayos ka Taliyah! Nakakahiya ka, mag hulos dili ka!
"Sigurado ka wala ka pa nagiging boyfriend? Sa ganda mong yan?" Di makapaniwalang tanong ni Max. Medyo nakarami na den kami ng inom at marami- rami na din ang napagkwentuhan. Nung una medyo nahihiya pako makisali sa kwentuhan nila at ang ginawa ko lang pasimpleng sulyapan si Anthony pero nung medyo may tama na ko ako pa ang nangunguna napakaingay ko.
"Naku totoo, e paano ba naman kasi napaka mapili nyan gusto yung mga pangwattpad kaya ayan naku naaawa ako sa mga nabusted nyan!" Naiinis na sabi ni Alaine. Tss epal talaga to e. Uupakan ko na to. Pinapahiya pako kay bebe Anthony ko hehe.
"Grabe hindi naman. E anong gagawin ko alangan namang sagutin ko sila e hindi ko sila gusto diba? Mas lalong masakit yon no." Sagot ko na sinangayunan naman ng iba.
"Pero alam mo akala namin ang taray mo kasi hindi mo kami pinapansin pag pumupunta ka ng practice namin pero grabe sobrang ingay mo pala!" Sabi ni Karla at nagtawanan sila.
"Naku-"
"E paano laging nakatutok sa pagbabasa ng Wattpad tsk." Arghhhhh Alaine humanda ka talaga sakin bubugbugin talaga kita. Sasagot na sana ako e tapos sumingit na naman. Sinisira neto pag papagood shot ko e!!!!Ilang minuto pa ang lumipas at talagang naramdaman ko na yung tama nung alak sakin. I'm doomed. Really, really doomed.
---
Yey! Hope you like it! ♥️♥️
YOU ARE READING
Ain't Fictional Story
Teen FictionAlways know your limitations. Cover made of @Ephemerabilia follow her also!!!♥️