Napaupo ako ng makita ko ang post na nakatag kay Anthony.
Makikita sa picture na natutulog pa ito. At may caption na "Wake up,sleepy head."
So does it mean na may girlfriend na nga sya? I clicked the name of the and look for more. And I saw her cover photo it was her and Anthony. Even her featured photo sila din.
Matagal na ba sila? Bakit parang hindi naman ako na-inform? Of all people ako pa talaga ang walang alam? Nice.
Pero bakit pag ini-stalk ko naman si Anthony wala akong makita about dun sa girl? Kaya akala ko single sya.
Nawalan ako ng gana mag Facebook kaya nag log out na ako.
Aish! Taliyah may plano ka ba maging side chick?
As if naman papatulan ka ni Anthony HAHAHAHAHAHA
Aba! Naiinis na ako ha! Fine. Titigilan ko na lang si Anthony. Madami pa namang lalaki dyan e.
--
Monday na naman. May pasok na naman. May practice na naman. Iniisip ko pa Lang napapagod na ako e.
Papasok ako ng gate ng makasalubong ko si Justine. Ang masugid kong manliligaw. Aish! Kinilabutan ako don ah.
Well yeah, like what I said hindi ako tumatanggap ng manliligaw. It's either I ignore them or ignore them that makes them stop courting me. HAHAHAHHAHA
ganda ka cyst?Lahat sila napagod at sumuko den. Sila naman itong makulit e. Simula pa lang sinabi ko nang hindi ako pumapayag pero mapilit. Pero itong si Justine walang kapaguran. Araw-araw akong babatiin at aabutan ng kung ano-ano na sya namang kinukuha ni Alaine. Sabi ko naman kay Alaine wag ng tanggapin, pero ayaw makinig sayang naman daw.
Kung tutuusin swerte ko na din dito e. Kapag tinanggal mo yung makapal nyang salamin, gwapo naman. Mahiyain din ito, lagi pa ngang nauutal pag binabati ako, kulang na lang maihi sa pants nya. Mayaman din, hindi lang halata.
Matalino at mabait kaya maraming nagkakagusto sa kanya. Pero wala nagsasayang ng oras sa akin.
"Good morning Taliyah!" Masiglang bati nito. Teka, baka isipin niyo sinungaling ako ha. Mahiyain talaga si Justine. Wait baka naman may kambal si Justine?
"Ahm, may I know you?"
"Grabe nasaktan ako don ha. Ako to si Justine, may amnesia ka ba Taliyah?" Natatawang kunwari upang iwasan ang pagkahiya.
"Don't get me wrong ha. Nanibago lang ako kasi hindi ka nautal ngayon. The Justine I knew is the one who stutter everytime his talking to me. That's why."
"Ah! About that, pinilit ko talaga na wag mautal ngayon. Baka sakaling mapansin mo. Hindi naman ako nabigo diba? Kasi you're talking to me."
"Well yeah, I see." At saka tumango. " So, do you need anything? Malapit na tayo sa room ko e."
"Ah, yayayain sana kita mag lunch later? Uwian? Kung free ka lang naman at kung pwede, pero kung hindi ayos lang." Walang pinagbago. Halatang nahihiya pa den.
"Ahm, no?" Natawa ako ng tumalikod ito. " Hey! Where are you going?"
" Sorry di ko mapigilan. Pasensya na di na-"
"I was just kidding. Sorry tiningnan ko lang reaction mo."
"Uh what do you mean?"
"I'm not sure if I'm free later e. Baka kasi may practice kami."
His eyes widened in disbelief. Well kung ako din naman ganyan din magiging reaction ko pag pumayag si Anthony pag niyaya ko sya.
Aish! Anthony na naman! Tama na Taliyah! Focus sa taong nandyan para sayo. Okey?
Nagulat ako ng yakapin ako nito ng mahigpit. Pakshet! Hindi ako makahinga! Tinapik ko ito sa balikat para bumitaw sya sa pag kakayakap.
"Sorry, sorry nabigla lang ako." Natatarantang sabi nito.
"Sige na. Mauna na ako. Baka mamaya matuluyan pa ako sayo." Naglakad ako patungo sa aking classroom ng sumigaw ito.
"DI KITA TUTULUYAN, PERO AYOS LANG KAPAG TAYO AY NAGKATULUYAN!"
PAKSHET!!
YOU ARE READING
Ain't Fictional Story
TeenfikceAlways know your limitations. Cover made of @Ephemerabilia follow her also!!!♥️