Shit, bakit ganto parang binibiyak ang ulo ko sa sakit. Psh. Ang weird ng panaginip ko. Grabe, parang totoo.
Nag desisyon akong maligo, halos kalahating oras ako sa banyo kakaisip kung paano ako nakauwi. Then, I remember my dream.
"Ahhhhh! No-no, hindi pwede. Panaginip lang yon. Taliyah, panaginip lang yon. Yes, it's just a dream." Kung may nakakakita siguro sakin iisipin nababaliw na ako. Kinakausap ang sarili sa harap ng salamin.
Kasi naman, hindi pwedeng maging totoo yung panaginip ko. Kasi paano na ako? Kami ni Anthony? Turn off yun sakin kung sakaling totoo malala pa baka nga galit yon. Sobrang napahiya siya doon sa panaginip ko.
After convincing myself, lumabas na ako ng cr at parang gusto ko ulit pumasok para magtago naman. Pakshet bakit nandito si Alaine?
Kalma Taliyah. Kunwari wala kang idea sa pakay nya. Para hindi ka pag isipan ng masama. Okey, game.
"Oh my gosh Bestfrienddddd, I miss you so muchhhh!" Masayang bati ko rito at tumakbo palapit sa kanya upang yakapin sya. Pero yung mukha nya nakabusangot pa din. Kinabahan ako bigla. Naglakad ako palayo kunwari may kukunin upang makaiwas sa kanya. Inhale, exhale, repeat.
Kalma Taliyah. Okey? Hinarap ko ulit sya.
"Nag breakfast ka na ba? Gusto mo kumain? Ang aga mo ata?" Nakangiting tanong ko dito.
"Ala una na walangya ka! Kagigising mo lang ba?!" Sigaw nito sa akin sabay bato ng unan hindi agad ako nakailag kaya ayun! Tapul sa mukha. Pakshet talagaaa!
"Breakfast ka dyan!" Ingay talaga ng bunganga.
"Breakfast? May sinabi ba akong breakfast? Ang sabi ko lunch! Nag lunch ka na ba? Alam mo kailangan mo na atang magpatingin sa Doctor. I think may problema ka sa pandinig. Gusto mo sama-" Napatigil na naman ako sa pagsasalita ng batuhin ulit ako ng unan. Isa pa papalunukin ko na sya ng unan. Arghhhh!
"Masakit yon ha! Bakit ka ba nambabato! Concern lang naman ako sayo! Kainis to." Tinalikuran ko sya para maghanap muna ng maisusuot. Argh aga-aga e-. Tanghaling tapat nambubulabog.
"Alam mo halika, bilisan mo mag bihis at ikaw ang dadalin ko sa Doctor kasi may problema ka sa utak!"
"Tss, ano bang sinasabi mo dyan! Umuwi ka na lang at masakit ang ulo ko. Gusto ko magpahinga at napagod ata ako masyado sa practice." Naiinis kong sabi dito.
"Hangover!"
"H-huh? May hangover ka? U-uhm gusto mo ba ng gamot?" Pakshet Taliyah, wag ka mautal!
"Hindi mo ako maloloko Taliyah. Ikaw ang may hangover, stop acting like you didn't know. You're not a good liar." She said as she roll her eyes multiple times.
"Grabe nakakahiya ka!" And she start laughing. Maputol sana litid nito kakatawa. Pakshet talaga.
"W-why? Ano bang ginawa ko?" Mahina kong tanong dahil ngayon pa lang nahihiya na ako.
"Wala ka talagang maalala?" Seryosong tanong nito. Really? May magtatanong ba na alam ang sagot?!
OO IKAW!
Aish! Ano ba yan. Parang may bumubulong.
Oo na! Oo na! Gusto ko lang i-confirm kung panaginip ba talaga yung panaginip ko. Ay basta! Bahala na kayo
."Jusko! Taliyah niyakap-yakap mo lang naman si Anthony kagabi! Hello??? Kulang na lang gahasain mo yung tao. Well baka kung wala kami don para pigilan ka malamang nagahasa mo na yon. Grabe tawa kami ng tawa sayo kagabi!" Natigil Ito sa pagsasalita dahil sa tawa. Na syang kinaiinis ko na. "You even kissed him, sa labi pa!" At tumawa ulit ito. Ramdam ko ang pamumula ng magkabilang pisngi ko. Pakshet naman.
"Hoy! Wala akong maalalang ganyan ha! Masyado kang exaggerated!" Sigaw ko dito at sya naman ang binato ng unan.
"Oh, e paano mo nga naaalala? Eh wala ka ngang maalala. Ibig sabihin ba nyan naalala mo talaga?" May bahid ng pang- aasar ang pagkakasabi nito na mas ikinaasar ko pa lalo.
"What I mean is, parang hindi ko naman ata kaya gawin yon. Like, hello? Desperada lang cyst?"
WEH? TALAGA?
Aish! Naiinis ako sa bumubulong ha!
" Oo cyst, Desperada much! Tsaka alam mo dapat mag sorry ka kay Anthony. Kasi sobrang naperwisyo mo sya kagabi."
Lakas naman mangonsensya nito aba. Parang napaka-laking kasalanan ng ginawa ko.
"Oo na! Oo na! Dami mong dada e."
"Tsaka alam mo yari ka sa girlfriend non, balita ko warfreak daw e."
"Hindi ako natatakot Alaine. Lasing lang ako kaya ko nagawa yon."
Totoo ba na mag girlfriend na si Anthony? Shit! Ayoko naman maging kabit no. Nakakainis.
Ano nang gagawin ko? Sakit mo sa bangs Anthony. Aish.
YOU ARE READING
Ain't Fictional Story
Teen FictionAlways know your limitations. Cover made of @Ephemerabilia follow her also!!!♥️