It was too hot on that island. Tumalon kami sa mga bitak-bitak na lupa upang iwasan ang mga lava. Matataas ang mga lupang iyong nagmistulang maliliit na islang nakalutang sa lava.Ibinaba na ni Ice ang telang nakatakip sa bibig niya maging ang hood niya. "Pwede bang maghubad? Sobrang init," naiinis na reklamo niya.
Tumawa lang ako sa sinabi niya. Wala sa sariling pinaypayan ko na ang sarili ko.
"Don't you dare," saad ni Zero.
"Inggit ka lang. Maghubad ka na lang rin kaya?" saad ni Ice. Isa-isa na niyang hinubad ang damit niya. Inilagay na niya ang cloak sa storage niya. Nagsimula na rin siyang magbukas ng butones sa damit. She was already showing too much skin. Bago pa man mabuksan ni Ice ang pangatlong butones ay pinigilan na ni Zero ang mga kamay niya.
"Okay. Kung gusto mo talagang maghubad, ako na ang magbubukas ng mga butones na 'yan," saad niya. Hindi ko tuloy alam kung nagbibiro ba siya o seryoso pero nanlaki ang mga mata ko sa suhestiyon niya.
"Wow! May itinatago ka pala sa 'king pagnanasa, 'no?" pang-aasar ni Ice kay Zero. Zero just shook his head.
"SPG," mahinang komento ni Fire nang dumaan siya sa mga ito. Zero shrugged his shoulder and frowned deeper.
"Hey, Fire, ayos lang din ba kung maghubad ako?" kaswal na tanong ni Queen kay Fire. Hindi nang-aakit ang boses ni Queen. Nainitan lang talaga siya sa paligid. Her dress was just too much for her.
Hindi makapaniwalang tumingin si Fire kay Queen. Maging ako ay bahagyang nagulat. Tahimik lang si Sky sa tabi ko habang nakasakay sa balikat niya si Silver. "Nahawaan ka na rin ba ni Ice?" tanong niya.
"You can't blame me or her. It's hot," naiiling na sagot ni Queen. "And don't act like you haven't seen me in my undies yet," she said and smiled teasingly.
Nanlaki ang mga mata namin sa narinig. Natuon ang pansin naming lahat sa kanilang dalawa ni Fire. Maging si Ice ay hindi makapaniwala at nanlaki ang mga mata.
"May SPG scene kayo? Whaaat?" gulat na tanong ni Ice sa kapatid niya. Fire blushed.
"What are you talking about? I never saw you in your undies," he said in confusion.
Mahinang tumawa si Queen dahil sa reaksyon ni Fire. "Haha! I'm just kidding. You're too naïve. I don't think you even want to see me in my undies," naiiling na saad ni Queen. Tumingin si Queen sa paligid. "Hmm. They overreacted," she added in confusion. Fire chuckled and held Queen's hand. I sighed and shook my head. Ang iba sa mga kasama namin ay mahinang tumawa na lang.
"Come on, Ice. Hindi tayo agad makararating sa sunod na isla kung ganyan ka. Nababawasan ang defense level mo dahil sa paghuhubad mo. Just endure it for now. Saka na natin hubarin 'yang damit mo kapag wala nang tao," Zero teased Ice. That was the first time that Zero caught Ice off guard. Wala na siyang nagawa kundi ang magpahila kay Zero. Isinuot niyang muli ang cloak niya dahil sinabi ni Zero.
Napalingon ako kay Sky nang bumulong siya sa 'kin. "Don't you want to remove your clothes, too?"
Tinaasan ko siya ng kilay. "No, thanks," I said and stuck my tongue out.
He smiled. "Good. I prefer the real one," he said, and I blushed. Wala sa sariling kinurot ko siya sa tagiliran. He just chuckled. Bigla naming natanaw ang mga lumilipad na red dragon. Hindi sila ganoon kalaki pero halatang malalakas.
"Shift, Silver," agad na utos ko.
Tumalon siya upang umalis sa balikat ni Sky at mabilis na nagpalit-anyo. Naghanda ang lahat. We scattered while avoiding the boiling lava.
BINABASA MO ANG
Alkia Kingdom Reborn
FantasíaWhen Denise Raven receives a mysterious email from someone claiming to be her from a parallel universe, her whole world changes forever. Dahil sa mensaheng ito, napilitan siyang pumasok sa isang kakaibang mundo. Game Crest Incorporated opened the vi...