Two mountains and a sea. Masyadong mahaba ang kailangan naming lakbayin. We already beat the sixth dungeon on the second mountain. Two days had passed and we still hadn't reached our destination. Nasa dalampasigan na kami. We must cross the sea to Dragon Island. Mabuti na lang, may mga replenishers kaming nakukuha sa tuwing nananalo kami sa laban.
Isang bangka ang nasa dalampasigan. May isang lalaking NPC na naghihintay sa amin.
Lumapit kaming dalawa ni Sky sa kanya. Ang mga kasama namin ay nagpahinga sa isang tabi. "We're heading to the Dragon Island," saad ni Sky.
"You want my assistance? I'm Aki," he said.
"I'm Zeus and this is Sky. How much is your service?" nakangiting tanong ko sa kanya.
"25,000 gold coins. One way," he answered. 50,000 gold coins lahat ang kailangan namin. Iyon ay kung makaaalis pa kami sa Dragon Island. Tumingin ako kay Sky at tumango. Wala naman din kaming pagpipilian.
Malaki ang bangka at kasyang-kasya ang apat na party. The boat was motorized so we could reach the Dragon Island quickly. Malapit ang upuan namin ni Sky kay Aki.
"What does the Dragon Island look like?" I asked Aki with interest. Sky's head was resting on my shoulder. He was already asleep. Si Silver naman ay natutulog sa hita ko.
"You're that excited to know? We'll arrive within ten minutes," Aki grinned.
"I just want to prepare myself. We already got this far," I answered truthfully.
"On this stage of the game, you need to be brave and smart. It's good you plan in advance. But sometimes, things unplanned are better," makahulugang wika niya.
He didn't want to give any information about the Dragon Island. Tumingin ako sa malawak na dagat. Napasinghap ako nang tumingala ako. I could see a very huge floating island in the sky. Halos manlaki ang mga mata ko. Hindi ito nag-iisa. Sa ilalim ng pinakamalaking isla ay may iba pang isla.
The whole island structure contained five big islands. May mga maliliit na hagdang gawa sa tipak ng mga lupa ang nagdudugtong sa mga isla.
Pinakamalaki ang islang nasa pinakatuktok. Mula sa ibaba, palaki nang palaki ang mga isla. The earth stairs were surrounding the islands in spirals. Napansin na rin ng mga kasama ko ang isla. They were also astonished. Marahan kong tinapik ang pisngi ni Sky. He slowly opened his eyes. Hindi pa rin niya inaalis ang ulo niya sa balikat ko habang tinitingnan ang isla. Tahimik lang siya. Nagising si Silver kaya pupungas-pungas na umupo nang tuwid.
"I want more sleep," reklamo ni Sky.
"No more, please," protesta ko. Pilit kong inaalis ang ulo niya sa leeg ko. I could feel him grinning against my skin.
"What do you need from the dragons?" tanong ni Aki nang itigil na niya ang bangka malapit sa isang tipak ng lupang nagsisilbing hagdan pataas.
"Dragon ores," sagot ko kay Aki. Hinarap ko naman si Sky dahil mukhang natutulog na siya sa leeg ko. "Hey, Sky, wake up!" He was suppressing a smile.
"Dragon ores? Those can only be found on the very last island," Aki warned us.
Tumayo na si Sky. Nakatingala siya at matamang tiningnan ang mga isla.
"Ano sa tingin mo? Can we beat the dragons?" tanong ko. "We have no choice but to beat them, so the answer is we can," saad niya. I bit my lower lip. Hindi ganoon kadali ang larong iyon. Habang tumatagal ay lalong humihirap. We gave the gold coins to Aki. "I'll wait here," he said. Nilingon ko ang mga kasama namin. They were stretching.
Humarap si Sky sa kanila. "Hindi natin alam kung ano ang skills ng mga dragons. Malayo na ang narating natin. Kung sa palagay ko ay hindi natin maipapanalo ang laban, sasabihin ko kung kailangan nating umatras upang magplano."
BINABASA MO ANG
Alkia Kingdom Reborn
FantasyWhen Denise Raven receives a mysterious email from someone claiming to be her from a parallel universe, her whole world changes forever. Dahil sa mensaheng ito, napilitan siyang pumasok sa isang kakaibang mundo. Game Crest Incorporated opened the vi...