Sunud-sunod kong pinatamaan ang tagiliran ni Phoenix habang kinakalaban siya ni Zero. Hindi man lang siya natinag dahil napakahina ng mga tira namin kumpara sa lakas niya. Halos lahat kami ay pagod na at pinanghihinaan ng loob.Biglang inilabas ni Phoenix ang kanyang staff. He hit Zero in the stomach. Tumalsik palayo ang duguang si Zero. Fire hit Phoenix continuously. We were all desperate to survive.
Zeal hit Phoenix with an angel shot pero nakatalon si Phoenix. Nanghina ako dahil nasayang ang mana energy niya. Phoenix attacked Zeal while grinning. Nakatakbo si Zeal pero hindi sapat ang bilis niya. Zeal was pinned to the ground with lightning spears. I gasped when I saw how Zeal's HP decreased significantly. I clenched my fist and hit Phoenix to stop him from attacking Zeal. Huli na ang lahat dahil naglaho na si Zeal.
Ngumisi sa 'kin si Phoenix. "There's no hope left for all of you, Zeus. Just stay inside this game and be our guinea pigs. A new world will be created through your sacrifice," nakalolokong saad niya.
I gritted my teeth. Kinabahan na ako. Mukhang wala na yatang pag-asa. Pero hindi! Alam kong hindi kami pababayaan ni Kuya Darren. He always reminded me that there's a million ways to solve a problem.
I froze when I heard someone's chuckles. It was a familiar sound. Agad kong inilibot ang paningin sa paligid at nakita ko ang isang summoner, si Miracle, kasama ang isang blade dancer na si Galaxy.
"I think this will be the final wave, Siv. We will now end this madness," sabi ni Miracle. "Napasok na namin ang sistema ng larong ito," makahulugang wika ni Kuya Darren.
Natigilan si Siv at nabuhayan kami ng loob.
"Darren, you should have come a bit earlier," naiiling na sabi ni Zero pero halata sa tinig niya ang pagsilay ng pag-asa.
"Thanks for all the data you gathered for me, Zero. Nagawa naming mapasok ang laro nang walang kahirap-hirap," he answered.
Napanganga na lang ako sa naririnig. I see. Kaya pala hindi ko masyadong nakita si Zero sa laro.
"Hi, Darren. Better let us out here or else I'm going to tell my sister that you almost killed me," nakasimangot na saad ni Queen.
"Mari, your sister is already on her way to fetch all of you. Nakabantay silang lahat sa mga virtual portals kung saan kayo maaaring lumabas," my brother said with a chuckle. "But for now, hindi ko kayo mailalabas hangga't hindi ninyo natatalo si Phoenix. He's programmed as the final boss."
"So, what do we do now?" tanong ko. Hindi ko na naiwasan pa ang lightning spears ni Phoenix dahil nagulat ako. Malaking paso sa balikat ang tinamo ko at bumagsak ako sa lupa. Narinig ko ang malakas na ungol ni Silver. Mabilis na nabawasan ang HP ko.
"You dare attack my sister?" galit na saad ni Miracle. "Whatever you're planning to do, you can't defeat me. I made this myself kaya imposibleng matalo mo ako sa sarili kong laro," saad ni Phoenix. Pinilit kong tumayo.
"Let's play and see," saad ni Miracle.
Miracle and Galaxy immediately moved and in a flash, they were already attacking Phoenix. Miracle cast a spell. Naramdaman ko ang unti-unting paglakas ko. My level went up, too. Tumaas ang level nina Zero at ng mga kasama ko.
"We programmed new skills for the summoner and the blade dancer. The blade dancer can now boost everyone's level. And for me, the summoner, I can summon every player inside this game to the last stage."
"Shit!" pagmumura ni Phoenix.
Napasinghap ako nang makita kong unti-unting nabubuo ang katawan ng ibang players sa loob ng dungeon. I gasped when I saw Ice and Sky. They smiled at me. Parang gusto kong maiyak dahil sa tuwa. Lahat ng players ay nasa loob na ng dungeon. Maging ang mga pets nila ay nabuhay rin. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o hindi dahil may napansin akong kakaiba. Pero hindi ako nagdalawang-isip na lapitan at yakapin si Sky. He hugged me back. Mabilis din akong kumalas dahil hindi na maganda ang nangyayari.
BINABASA MO ANG
Alkia Kingdom Reborn
FantasyWhen Denise Raven receives a mysterious email from someone claiming to be her from a parallel universe, her whole world changes forever. Dahil sa mensaheng ito, napilitan siyang pumasok sa isang kakaibang mundo. Game Crest Incorporated opened the vi...