Alkia 14: Silver

5.1K 342 23
                                    


"It seems we should go alone from here on. Let's meet at the next dungeon. Don't die," saad ko. Tumango sila. I set my foot on another path. Everything around me disappeared. Ang tanging nakita ko na lang ay ang daang nasa harapan ko. I tried to track my party members but to no avail. Hindi ko rin sila ma-contact.

The road ahead was dark. Malamig ang hanging nakadagdag upang tumindig ang mga balahibo ko. Emotions took over like I was not inside a virtual world. Like everything was real. It's actually scary how they could make a game like that.

Malayo na rin ang nalakbay ko. Malalakas na alulong ang narinig ko. Pinakiramdaman ko ang buong paligid. Mahaba pa ang daang lalakbayin ko. I had to survive that path alone.

Pakiramdam ko, sumasayaw ang mga patay na puno sa daan. Pakiramdam ko, pinagtatawanan nila ako. I sighed. I thought I was imagining too much. Natigilan ako nang mas lumakas ang alulong. Kinuha ko mula sa likod ko ang crystal bow.

May naramdaman akong malakas na enerhiya sa likod ko. May sumusunod sa 'kin. Mabilis na pumintig ang puso ko.

Agad akong humarap. Handa ko nang pakawalan ang palaso sa nilalang na nagbabalak umatake. But I saw a beautiful creature jumping towards me. Hindi agad ako nakagalaw kahit na ang matatalim na pangil nito ay nakaamba nang kumagat sa braso ko. Agad din naman akong natauhan. I jumped to the side. Gumulong ako sa lupa at agad lumuhod upang ihanda ang sarili sa sunod na pag-atake nito.

A nine-tailed fox attacked me. It had a beautiful icy blue body. The tails and feet covered with fire were mesmerizing, too. Tila kumikinang ang buong katawan nito sa liwanag ng buwan. Its icy blue eyes were gazing at me coldy.

Ngumisi ako. I thought it was time to capture a pet. May ilan namang puwedeng bilhin sa town pero mukhang mahihina ang mga iyon. Tumayo ako. Napansin kong kulay pula ang pangalan nito. Icy blue fox. I just needed to defeat it then its name will turn to green. Pagkatapos ay puwede ko nang gamitin ang special item para mahuli ito.

The icy blue fox ran towards me. Masyado itong mabilis. Agad itong nagpakawala ng matatalim at mala-karayom na apoy. The fire needles were too many to handle. Mabilis akong tumakbo sa ibang direksyon pero hindi ko pa rin naiwasan ang ilan sa mga ito, and they cut across my skin and dress. Agad akong nagpakawala ng twin blazing arrow pero walang kahirap-hirap itong umiwas. It jumped in the air and was wagging its tails beautifully. The fox was then throwing sharp icicles in my direction. Kumunot ang noo ko dahil dalawa ang elements nito. Level 208 na ito.

I tried to use an item that will serve as a shield. Ugh! I was saving it for the dungeon bosses! Malaking force field ang bumalot sa 'kin. Ilang segundo lang ang epekto nito. I used meteor rain to attack the fox.

Tatlong palaso ang tumama sa katawan nito. Malakas itong umungol. Agad itong tumakbo sa direksyon ko. Pinakawalan ko ang blazing eagle arrow ko pero mabilis itong nakaiwas. It was running fast. I panicked. Mabilis kong pinakawalan ang meteor of death. Malalakas at sunudsunod na palaso ang lumipad sa direksyon ng soro. Pero kaunti lang ang nababawas sa HP nito.

Tumakbo ako palayo sa soro. I was leaping while shooting arrows at it. Gumanti ito ng sharp icicles at fire needles na tumama sa akin. Nagsimula na ang twenty seconds cool down para sa 'kin. Patuloy pa rin ang paghabol sa 'kin ng fox. Tumalon ito patungo sa 'kin at marahas na kinagat ang braso ko.

Napasigaw ako sa sakit. Marahas na bumagsak ang katawan ko sa lupa. Mabilis na nabawasan ang HP ko. Wala si Fire para pagalingin ako kaya kailangan kong gamitin ang mga healing items ko. Pakiramdam ko, matatanggal ang braso ko. Nakatapak ang isang paa nito sa likod ko. Nagsimula na ang countdown sa isip ko.

Alkia Kingdom RebornTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon