Naglakad ako sa loob ng kulungan. I needed to see Ice. Nasa loob siya ng selda at prenteng nakahiga sa semento habang nakatitig sa kisame. Lumingon siya sa 'kin at ngumiti. Bumangon siya at agad lumapit sa rehas ng selda.
"Kumusta?" nag-aalalang tanong ko.
"Ayos naman. Sana may malambot na kama para mas masaya," nakangising sagot niya.
"Why did you attack Phoenix? Alam mo namang dito ka pupulutin kapag ginawa mo 'yon."
"Pinagsabihan na ako ni Zero. Hindi mo na ako kailangang sermonan," nakangising saad niya. "He needs to learn. Pakiramdam ko, sinasadya niya ang bawat tira niya. I was watching his moves the whole time. His firing angles were just too accurate to hit a player by accident even when he was supposedly aiming for the dungeon boss. It's as if he intended to hurt us. Siguro 'yon ang dahilan kung bakit hindi nagiging orange ang pangalan niya. He's smart," saad niya.
"What if he's just like Fire?" nag-aalangang sabi ko.
"Like Fire?" kunot-noong tanong niya.
"Fire is being controlled by the organization that's why he's acting weird," mahinang sagot ko. Napamaang siya sa sinabi ko. "Aren't they going too far?" galit niyang tanong. "Anong mapapala nila?"
Umiling ako. "Hindi ko alam kung ano talagang binabalak nila sa pagbuo sa larong ito pero mukhang nag-eeksperimento sila sa pagkontrol ng emosyon ng mga tao."
Natatakot na napayakap sa sarili si Ice. "What if I'm one of them? Paano kung hindi lang si Fire? Paano kung ikaw rin? Hindi na natin alam kung sino ang pagkakatiwalaan. Paano kung ang lahat maging kalaban? Makakalabas pa ba tayo rito?" saad niya.
"May pag-asa pa. Hangga't walang sumusuko, makakalabas tayo rito," I assured her.
She smiled with exhaustion. "Right."
"Siguro kakausapin ko muna si Phoenix. I'll try to get some information without raising suspicion. I'll check on Fire, too. Nag-away ba kayo ni Zero?" tanong ko.
Umiling siya. "Hindi naman kami nag-away. Sinabi lang niyang huwag ko nang gawin ulit 'yon. He said it could have been resolved in a good and efficient way. Mas maganda raw kung mas hinabaan ko ang pasensya ko. O kaya hulihin ko sa akto si Phoenix," she answered. "Mamaya, susunduin daw niya ako bago ako lumabas dito."
"Totohanan na ba 'yan?" nakangising tanong ko. Her cheeks heated up.
"I don't think so. Bakit totohanan na ba 'yong sa inyo ni Sky?" pang-aasar niya. Bumalik lang din sa 'kin ang tanong ko. Ako naman ang namula.
"I don't think so either," saad ko.
Tumawa lang si Ice as if she knew my real answer. "We're just enjoying the game," dagdag pa ni Ice.
"Same here," depensa ko.
"Weh!" pang-aasar niya. Magsasalita pa sana ako pero naunahan na niya ako. "Huwag sa 'kin, Zeus. You can't hide anything from me," natatawang saad niya. "For now, bumalik ka na sa town. Level up. I guess kaunting dungeons na lang ang natitira. Hindi pa fully-developed ang larong ito. Ikaw ang inaasahan kong tatapos ng kabaliwang ito. I don't want a game that destroys its players," saad niya.
I sighed. "All right. Aalis na ako. I'll see you outside." "Sure. Take care," she said. Mabigat man sa loob ay naglakad na ako palayo.
I left Silver in the Pet Training City. Sky was with his pet, too. I went out of town to do my solo quests. Inubos ko ang oras ko sa pagpapa-level up sa labas ng bayan.
~~~
Nang makarating kami sa bahay ng master crafter, napangiti ako nang mapansing nabuo na niya ang mga armas na pinagawa namin. Ibinigay ko sa master crafter ang mga dragon ores na hiningi nito. Kinuha ko agad ang gintong pana ko. It was the best recurve bow I had ever seen. The carvings and the strings were really good. It had an exceptionally comfortable grip and the riser was strong and durable. Lumabas ako sa bahay ng master crafter. I aimed for the bird flying in the sky. I could actually feel the energy transferring from the string to the arrow. It felt great. The bow was stable, and it felt right when I held it.
BINABASA MO ANG
Alkia Kingdom Reborn
FantasyWhen Denise Raven receives a mysterious email from someone claiming to be her from a parallel universe, her whole world changes forever. Dahil sa mensaheng ito, napilitan siyang pumasok sa isang kakaibang mundo. Game Crest Incorporated opened the vi...