I DON'T KNOW if what kind of course I’ll be taking when I’ll be in college. Wala pa akong eksaktong desisyon sa gusto kong magiging trabaho sa future. Pakiramdam ko hindi ko pa talaga kilala ang sarili ko. Hindi ko alam ang gusto ko. Kaya naman nina mama kung anong course ang kukunin ko but I’m afraid na masasayang ko lang ang perang magastos sa oras na pipili ako ng kurso na hindi ko naman pala talaga gusto.
Tinitigan ko lang ang papel para sa CET ng Galleon Univesity. Hindi ko alam kung anong ilalagay ko don gayong wala naman akong eksaktong desisyon.
“Afraid or confused.” narinig kong may nagsalita mula sa likuran and I know the voice it's Gab. Umupo siya sa tabi ko at kinuha ang papel na sana sasagutan ko at tiningnan. “Confused I guess.” dugtong niya at nilagay ulit sa mesa ang papel. Nasabi niya ata iyon dahil wala talaga akong naisulat sa papel.
“Paano ba naman kasi, hindi pa maka desisyon kung anong kursong kukunin sa college. Why don’t you take nurse. Bagay ‘yon sayo.” sabi ni Aily ngunit nasa papel niya pa rin ang tingin at fini-fill up iyon. “Taga alaga ng mga pusong sugatan tapos di maalagaan ang sarili.” napapikit ako sa corning pang-aasar niya upang pigilan ang sarili kong sumagot.
Nakuha niya pa ring mang-asar gayong I’m dying in here kung ano nga ba talagang kurso ang ilalagay ko sa papel.
“I guess hindi mo pa ata talaga kilala ang sarili mo.” Those words. Lumingon ako at nakita si Gab na nasa papel ko ang tingin. Nababasa niya ako palagi. Just like how she give looked to that paper ay parang ganon din ang paraan ng pagtingin niya sa’kin.
She's smart kaya siguro kayang kaya niya akong basahin na parang libro. She's the kind of person na hindi niya kailangan mag aral ng mabuti para makakuha ng malaking marka dahil sa stuck knowledge niya pa lang ay ang tataas na ng marka niya. Hindi ko alam kung dahil ba sa katalinuhan niya kaya kayang kaya niya akong basahin o ugali at nasa pagkatao niya na talaga ang kakayahan na 'yon.
No matter how I hide my emotion the moment she came near me, alam niya na agad ang nararamdaman ko. She’s the only person who can do this to me. Kahit si Aily ay di siya ganyan sa’kin but I’m still thankful dahil naging kaibigan ko si Aily even she can’t feel directly what I feel, she always stay by my side at don pa lang, ang suwerte ko na sakanya. Yet, Gab? Gabrielle Rillego can do both. She can read and understand me like a book and she’s always at my side when I need her.
“Ano bang gusto mong gawin sa buhay ha” lumingon na siya sa’kin at tinitigan ako sa mga mata.
My impressions to her before was change. From what I called her devilish gaze to the eyes which is very full of empathy when she look to someone. ‘Yong naramdaman kong inis sakanya noon noong unang kita at pasok niya sa classroom ay napalitan na. The more I know her, the more I get confused to what my limbic system is telling to me.
“I don’t know.” sagot ko sakanya.
“Mukha nga.” Natatawa niyang sabi. Napangiwi ako dahil sa katarantaduhan niya. “Sem-break na. Saan ka ba magbabakasyon.” pag iiba niya ng usapan.
'I'm still having a problem here yet bakasyon na agad ang iniisip niya.'
Lumingon siya kay Aily na busy pa rin sa ginagawa niya. “Hindi niyo naman siguro plano ang mag tambay sa bahay at kumain lang ng kumain.”
“Pupunta kami kina Mama sa probinsya.” sagot ko sakanya.
“Kami?”
“Aily and me.” sagot ko naman at tinuro pa si Aily. “Do you want to come. Teka. Saan ka ba magbabakasyon nga---”
“I’ll go.”
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Bumahid agad ang ngiti ko sa labi ng marinig ko ang sagot niya. Hindi ko alam pero excitement agad ang bumalot sa nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
She Got Me [COMPLETED]
Short StoryFaite is the typical student sa school. Tipong laging nasa honors list pero walang sariling desisyon sa gustong tahakin. The student na mukhang naliligaw pa sa tinatahak niyang daan. Until dumating ang araw na kailangan niya ng mag desisyon kung ano...