KAHIT SA BYAHE ay nakabusangot ako. Hindi ko siya kinakausap pero nakikita ko siyang nagnanakaw ng tingin sa'kin sa rearview mirror pero imbes na siya ang mailang sa ginagawa niya ay ako ang naiilang.
“Ide-date mo ‘ko tapos dito mo lang ‘ko dadalhin sa park at street foods lang ang ipapakain mo sa’kin?” naiinis kong turing sa’kanya kahit ang totoo ay mas gugustohin ko pa dito kaysa mga mamahaling lugar.
She brought me in the park at ang kinaiinisan ko ay I'm wearing dress at ayokong mailang sa tingin ng mga tao mamaya kung ito man susuotin kapag bababa ako dito sa kotse niya.
“’Kung ide-date mo man ako ay gusto ko sa simpleng lugar lang. Tamang street foods lang ay ayos na sa’kin.’” itinigil niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada at lumingon sa’kin. She's implying to what I said to her before. Hindi niya rin pala nakakalimutan? “Alam kong galit ka sa’kin pero imposible naman atang bigla na lang umiba ang gusto mo dahil lang don.” natatawa niya tanong.
“I’m using dress Gab ta’s dito mo ‘ko dinala?” naiinis kong sabi.
“Edi maghubad ka.” natatawang sabi niya.
“What!” hindi makapaniwalang tanong ko at tiningnan siya ng nakakainis na tingin. She’s smiling and biting her lips. She’s trying to control her laugh.
“O baka gusto mong ako pa ang maghubad sayo?” nakatingin lang sa unahan na sabi niya. Napalunok ako sa mga pumapasok na eksena sa utak ko. She seems serious pero may bumubuong ngiti sa gilid ng labi niya.
‘Nang-aasar na naman siya.’
“Nagjojoke ka b--”
“Nasa likod ‘yong damit mo. Magbihis ka na at lalabas na ‘ko.”
“Wag na. Manyak ka naman kahit ano pang gawin mo.” naiinis ko na talagang turing sa'kanya.
Ngumiti siya at napa iling iling sa sinabi ko at lalabas na sana ng magsalita ulit ako.
“Can you unzip me?" seryoso pa ring sabi ko.
Nakita ko kung paano nairita ang mukha niya kaya di ko mapigilang mapangiti. Bumalik ulit siya sa pagkakaupo sa driver seat at lumingon sa’kin. “One of the reasons why I hate dresses.”
Tumalikod ako sa’kanya para ma unzip niya ang zipper ng damit ko. Kinuha ko naman ang buhok ko sa likod at nilagay sa harapan pra makita niya ang likod ko. It took seconds bago niya ‘yon hawakan. Para namang may kung anong boltahe ang umusbong sa katawan ko nang dahan dahan niyang ibaba ang zipper. I’m sure nakita niya ang hubad na likod ko dahil sa pinagawa ko sa’kanya. I'm curious about her reaction but she always had a blank stare when I tried to flirt at her. Hindi ko alam kung anong reaksyon niya dahil nakatalikod ako sa’kanya at ng lumingon ako sa’kanya ay bumaba na siya sa kotse.
Ilang minuto akong nag bihis at nang matapos ay lumabas na ako sa kotse niya. Eksaktong paglabas ko ay hinanap agad ng tingin ko si Gab. It tooks seconds bago ko siya mahanap at ng makita ko siya ay unti unting bumabahid sa labi ko ang ngiti. She’s facing the 3 kids na mukhang nagbebenta ng rosas na bulaklak. Naka-kalahating upo lamang siya habang ginawang pangtukod ang kaliwang paa upang maging ka level ang mga bata.
Hindi ko mapigilang ngumiti habang kinakausap niya ang mga ito. Ang lalapit niya sa mga bata at kung titingnan niya ang mga ito ay kasiyahan ang maramdaman mula sa mga mata niya. May binigay naman siyang pera dito ngunit di kinuha ang bulaklak. Sa tingin ko ang kada isa sa kanila ay may hawak na tig sasampong tangkay ng rosas. Ginulo niya ang mga buhok nito bago ang mga itong nakangiting iniwan siya.
Nagtaka ako ng papalapit ang mga bata sa’kin at binigay nila sa’kin ang mga rosas na dala nila.
“Pinapabigay po ni Ate Gabrielle.” saad ng batang babae na mukhang ang pinaka bunso sa’kanila.
BINABASA MO ANG
She Got Me [COMPLETED]
Short StoryFaite is the typical student sa school. Tipong laging nasa honors list pero walang sariling desisyon sa gustong tahakin. The student na mukhang naliligaw pa sa tinatahak niyang daan. Until dumating ang araw na kailangan niya ng mag desisyon kung ano...