CHAPTER 1

1.1K 34 1
                                    

IT ALL STARTED when I am a high school graduating student. When a blank face human walk inside our classroom. I hated the way she stare and give gazed to us na para bang nakatingin lamang siya sa walang kwentang bagay.

Our teacher let her introduce herself.

“Hi. I’m Gabrielle Brix Rillego.” She said then bowed. Parang wala siyang kasigla sigla sa ginagawa niya. Mukha nga siyang nabobored kung tumingin sa mga mukha namin. Lahat ng mga kaklase ko na nakatingin sakanya ay umismid na para bang di nila nagustuhan ang paraan ng pagsalita niya.

“Sit beside Ms. Esgarial.” Miss Galvez said at nagtungo din naman siya sa tabi ko. She sit beside me kung saan kalapit niya ang bintana. Ayaw ko namang maupo don dahil tinatamaan ‘yon ng araw kapag dapit hapon at ang init.

Narinig ko siyang bumuntong hininga ng magsimula na si ma’am sa pagdiscuss.

‘Tinatamad ba siya sa unang araw niya sa skwelahan?’ Napangiwi ako sa naisip. May ganitong tao pa pala talaga kahit nasa huling year na sa highschool.

~

MAHILIG AKONG MAGSALITA and I’ll admit that I’m really a talkative person. Masyado ng mataas sa’kin ang dalawang minutong katahimikan. Syempre maliban kung nasa klase. Wala si Aily ngayon dahil may regular check-up. She’s my bestfriend actually. Kaya ako lamang mag-isa ang kakain ngayon sa canteen. Anyway, I LOVE EATING ALONE. Masarap talagang kumain mag-isa dahil walang makakita kung gaano ako katakaw kumain.

Lalabas na sana ako ng room ng nakita si Gab? Should I call her that way? Parang masyadong feeling close naman yata? Besides I hate her aura, masyado siyang masama kung tumitig. Kami nalang palang dalawa ang naiwan sa classroom. Hindi ko iyon napansin dahil masyado akong busy sa pag-aayos ng mga gamit ko sa bag.

I was about to say something when she stands up at lalabas na sa room. Tatanongin ko sana sakanya kung bet niyang sumabay sa’kin kumain dahil wala siyang kasama at pareho kami. May mga ibang kaibigan din naman ako sa room but not like the relationship we have like Aily. Siguro mas tamang sabihin na mga acquaintances ko lang, lalapitan ka lang pag may kailangan tungkol sa usaping pang paaralan then wala na.

May iba’t ibang klase kasi tayo ng kaibigan. Lesson ata 'to noong nasa 3rd year ako. I guess we have 3 types.

Acquaintances, ito ‘yong mga kaibigan na hindi naman magtatagal. Mas tamang sabihin na wala talagang nagtatagal sa ganitong pagkakaibigan. Nakakasama mo lang kasi ang mga ‘to o nakakausap ng maayos kung may nagaganap na group meeting at puro lang usapan tungkol sa isang bagay. Small talk kumbaga. The companions, malapit mo na ‘tong maging close, pareho kayo ng interest minsan dito nagsisimula ang mag bestfriends eh pero hindi madalas. Kunyari kayo ‘yong palaging magkasama sa volleyball o sa kahit ano pang klase ng laro but later when it’s done, wala na din. The best friends, si Aily ‘yon. Hindi ko na kailangan i-explain dahil alam na naman natin kung ano talaga ang kahulugan nito.

When I arrived at the canteen masyadong maraming tao. Mukhang nadagdagan ata ang populasyon ng Galleon International School. I take a deep breath bago sumabak sa pila at kumuha ng order. Medyo mahirap pero kailangan kung magpakabusog dahil Calculus mamaya at ayaw kung magutom sa pakikinig ng mga salitang di ko maintindihan. Pagkatapos kung makuha ang order ko ay naghanap na ako ng mauupuan at wala ng bakante… maliban sa table ni Gabrielle na may isang bakanteng upuan kaharap siya.

I smiled. This is really the right moment para makipagkilala ako sa babaeng iyon and with the audacity I have nagtungo ako sa'kanya.

“Can I sit here?” Tanong ko at di naman siya nagsalita kundi tumango lang. She’s only drinking yakult at wala akong nakitang pagkain sa lamesa niya.

She Got Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon