CHAPTER 10

482 20 1
                                    

“I can’t lose you Gab kaya please lumaban ka.” hindi magkamayaw sa pag iyak na sabi ko. Nasa labas ako ng ER at panay dalangin na sana ay magiging ayos ang operasyon ni Gab. Hindi ko alam kung ano anong halong pakiramdam ang nararamdaman ko. Takot sa pwedeng mangyari sa’kanya. Takot na baka mawala siya sa buhay ko. Takot na baka sa dalawang balang ‘yon lang ay mawawala si Gab sa buhay ko na hindi ko alam kung anong mangyayari sa’kin. I’m very afraid kung anong pwedeng mangyari. Kasabay ng takot ay naguguluhan ako. Naguguluhan sa kung sinong tao ang pwedeng gumawa ng bagay na ‘yon kay Gab. Kung sino ang taong magtatangka sa buhay niya. Ang nangyari noong isang beses sa mall ay si Gab ang nag asikaso sa kung anong nangyari dahil ayaw niyang maki alam ako at baka ikakapahamak ko pa daw. Iniisip kong baka pareho lang ang taong may kagagawan ng nangyari sa’kanya ngayon.

Hinawakan ni Aily ang kamay ko at pinaupo sa isa sa mga upuan doon at niyakap ako. Hindi ko mapigilan ang humagulgol dahil sa nangyari. Hindi pumasok sa isipan ko na makita si Gab sa ganoong posisyon kung saan naliligo ang katawan sa dugo. Kasabay ng paghagulgol ko ay ang lakas ng tibok ng puso ko.

“Stop crying ok. Hindi gusto ni Gab ang makita kang ganito.” sabi ni Aily. I can hear that her voice is starting to crack down. Pinipigilan niya lang ang pag-iyak niya para kahit papano ay ma comfort ako. Alam kong bukod sa’kin ay nag aalala din si Aily. Tinawagan na namin ang mga kasama niya kanina sa bar at baka maya maya at darating na rin ang mga ‘yon. Wala ang phone number ng mga magulang ni Gab sa phone niya kaya di namin sila nasabihan sa nangyari.

We waited outside the ER for almost 30 minutes. Humupa na rin ang pag iyak ko dahil sa panay sabi sa’kin ni Aily. After long time of waiting lumabas ang doctor sa operating room kaya madali ko itong sinalubong. Puno ng kaba ang bumabalot sa’kin ng tingnan ko kung ano ang reaksyon ng mukha niya.

“The guardian?”

“Ako po ‘yong kasama ng pasyente nang dinala siya dito.”

Tumango naman ang doktor. He take a deep breath bago magsalita.

“I’m sorry Ma’am ngunit hindi nakaya ng pasyente. We tried our best.” Nagsimula ng dumaloy ang mga luha sa mga mata ko. “Nakita naming kahit ang pasyente ay lumalaban kanina sa operasyon but the second bullet penetrated her heart and cause damage to her superior vena cava. We tried our best ma’am ngunit hindi niya po nakayanan. Gabrille Brix Rillego died at exactly 11:00 this evening, March 28, 2014.”

Para humina ang oras sa paligid ko. Tuluyan na ngang bumagsak ang katawan ko at napa upo sa sahig ng ospital. Narinig kong sinigaw ni Aily ang pangalan ko ngunit parang unti unting nawawala ang pandinig ko. Kahit pandinig ko ay lumalabo na para bang may nahulog na mikropono at ang tinis na tunog na ginagawa nito lamang ang naririnig ko.

Naramdaman ko pang may yumakap sa’kin pero parang unti unti na ring namamanhid ang katawan ko. Kasabay ng pagdaloy ng luha ko ay tuluyan ng umalis ang doktor sa harapan ko at naiwan ako sa ganoong posisyon. Hindi ko gustong maniwala sa sinabi ng doktor. No, hindi ako dapat maniwala.

Gab said na mananatili siya sa tabi ko. She said na siya ang bahala sa’kin kapag magkakaproblema ako. Hindi siya pwedeng mawala sa'kin. How come na iiwan niya 'ko gayong kanina lamang ay kausap ko siya at nayakap.

Dahan dahan akong tumayo at pumasok sa ER. Walang tigil ang pagpatak ng luha ko. Isa isa ng umalis ang mga kasamang ng doktor na gumawa ng operasyon kanina. Nanginginig ako ng makita ang isang katawan na tinabunan ng puting kumot.

‘That can’t be Gab.’ malumanay na sabi ko sa sarili na para bang kinokumbinsi ang sarili na mali ang narinig ko kanina. Na hindi ko dapat paniwalaan ang sinabi ng doktor at baka nagsisinungaling lang siya.

She Got Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon