CHAPTER 3

491 22 0
                                    

PAGKADATING NAMIN SA probinsyang kinalakhan ko ay ganon pa rin at walang pagbabago. Mas lalo akong napahanga ng makita ang mga ka-baryo ko na nagsasabit ng banderitas at mukhang may okasyon. Masayang nagtutulungan ang mga bata at matatanda sa mga gawain. Ang gusto gusto kong tingnan sa probinsya maliban sa magandang tanawin ay ang mga ngiti ng mga ka-baryo kong parang walang mabigat na problemang dinadala.

May ibang mga batang nagtatakbohan at naglalaro ng habulan at taguan. May mga magulang na tumatawa sa kanilang kakulitan habang inaayos ang dekorasyon para sa okasyon ang iba naman ay pinagsasabihan na huwag masyadong makulit. Halos lahat ng bahay na madaanan ng sasakyan namin ay busy na sa pagluluto. May iba ring nakatingin sa aming sasakyan na parang nagtataka kung sino ang nasa loob dahil hindi ibinaba ni Gab ang bintana niya at tinted din iyon.

“Aily, anong araw ngayon.” nakangiting tanong ko at sa labas pa rin ang tingin.

“October 24. Araw ng Baryo natin sa loob ng 3 araw. You're always telling me about how happy you are kapag ganitong araw ta's kakalimutan mo lang.” masaya niya ring sabi. Hindi lang pala ako ang nasiyahan sa muling pagbalik namin sa baryo dahil ganon din siya at nakatingin rin sa labas ng bintana ng sasakyan.

Bihira lang ang pangyayaring ganto at lugar na ganito kasaya sa panahon ngayon. 2012, halos lahat na ng tao ay nasa teknolohiya na lang ang kasiyahan but here, in this homeland, I’ll always be comforted for what I see. Hindi kami naka uwi ni Aily last year dito noong bakasyon dahil masyado kaming naging busy at noong summer vacation naman ay nag naka uwi nga ngunit wala ng pista noon.

Nasiyahan nga kami sa mga nakita namin at nadaan. Ilang minuto lang ay nakarating na rin kami sa bahay. Marami ring tao sa labas at panay ang paghahanda. Malaki ang mansyon nina Mama at Papa at halos kada pista dito ay maraming nagpupuntang mga kamag-anak namin mula sa iba’t ibang lugar. Marami ring mga kapitbahay ang tumutulong sa paghahanda at pag aayos ng handaan.

“Nandito na sina ate Hailey.” sigaw ng kilala kong boses ng tumigil ang sasakyan namin sa harap ng bahay. Napangiti ako ng makitang si Tikboy iyon ang anak ng isang katulong namin na itinuturing ko na ring kapatid.

Naunang bumaba si Aily kaya siya agad ang dinumog ng mga maliliit na bata. Masyado siyang close sa mga bata noong dito pa kami nag-aaral at mukhang magpahanggang ngayon. Nakita ko namang may bumukas sa pinto ng kotse sa banda ko kaya nabigla ako kung sino iyon.

“Maligayang pagbabalik Hailey.” nakangiting salubong sa’kin ni Lieon. Ang isa sa mga naging manliligaw ko noon na parang walang balak sumuko magpahanggang ngayon.

“Salamat.” saad ko at tatanggalin na sana ang seatbelt upang lumabas sa sasakyan ng mapakunot noo ako dahil parang na-lock ito at ayaw matanggal.

“G-Gab ‘yong sea----” napatigil ako ng lumingon ako sa tabi ko ay wala ng Gab na nakaupo sa driver’s seat. Para namang natahimik ng konti ang mga tao sa paligid.

Imposibleng sira ang seatbelt niya dahil sa nakikita ko sa kotse niya ay mukhang palagi niya itong inaalagaan.

Lumingon ulit ako sa kabilang banda kung nasaan si Lieon at ang naka bukas na pinto ng kotse ang sumalubong sa’kin kung saan ang may nakakatakot na tinginan ni Gab at Lieon ang nangyayari.

“Kotse mo ba ‘to.” tanong ni Lieon sakanya.

“Hmn.” plain na sagot ni Gab at tiningnan lamang siya na para bang wala siyang kwentang bagay.

“Hindi daw siya makaalis. Tanggalin mo.” utos nito. Nabigla ako sa binigay na reaksyon ni Lieon ngunit hindi ko na lamang pinansin. Nag-aalala ako sa pwedeng maging reaksyon ni Gab. Ngunit napakunot noo ako ng ngumiti lamang siya dito.

She Got Me [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon