ANG BAKASYON NAMIN sa baryo namin ay naging isa sa pinaka paborito kong alaala sa tanang buhay ko. Marami akong natutunan sa loob ng limang araw na pamamalagi namin doon. Bukod sa nakasama ko sina mama at papa ay nakasama ko rin ang mga batang taga roon na malapit sa’kin. Sa tuwing naalala ko ang mga nangyari doon ay napapangiti ako.
Marami akong nalaman at naintindihan sa mga bagay bagay dahil sa mga binibigay na sagot ni Gab sa kada tanong ko sakanya. Siya ang tipo ng tao na sa isang tanong mo sa’kanya ay mayroon siyang sagot na magbubukas sa isipan mo at mananatili iyon sa alaala mo hanggang sa tuluyan mong makuha ang pinapahiwatig ng mga salita niya.
Sa lahat ng mga nangyari sa bakasyon namin ay isa ang pinakapaborito ko iyon ay ang sandali kung saan nagising ako ng isang umaga sa mga bisig ni Gab. Hindi ko alam kung paano ako napunta sa sitwasyon na iyon. Dahil pagkabukas na pagkabukas ng mga mata ko ay sumalubong sa’kin ang leeg ni Gab. Nakasuksok kasi ako sa leeg niya at ang komportable ko sa posisyon na iyon. Nakayakap ang kanang braso niya sa’kin habang unan ko naman ang kaliwa. Tuwang tuwa ako sa nangyari dahil naamoy ko si Gab sa sitwasyon na iyon at naririnig ko ang bawat paghinga at pagtibok ng puso niya. Hindi sana mapuputol ang sandaling iyon kung hindi sumulpot si Aily na natatawa sa sitwasyon namin.
Doon ko nalaman na kaya pala natulog si Gab sa kama ay dahil hindi ko daw ito hinahayaang umalis nang ito ang maghatid sa’kin sa kwarto dulot ng kalasingan ko. Nagkainoman kasi kami kasama ang mga dating kaklase at kaibigan ko na taga roon din. Si Aily ang katabi ko sa kama sa loob ng apat na gabi dahil sa sahig si Gab at naglagay lamang ng ibang foam at doon natulog maliban sa pang huli dahil sa braso ako ni Gab nakatulog. Kaming dalawa sa kama sa panghuling gabi at sa hindi ko pa talaga inaasahang posisyon. Sa tuwing naaalala ko ang pangyayaring iyon ay di ko maiwasang mapangiti.
“Ehem… may malalagay ka na ba sa papel na yan ngayon?" tanong ni Aily na nagpabalik sa akin sa realidad. Napatingin ako sa’kanya at napakunot noo dahil sa binibigay niyang makahulugan na ngiti. “Mukhang may masasagot ka na dyan dahil sa paraan ng pag ngiti mo. Ewan ko na lang kung tungkol din ba sa kurso mo ang iniisip mo o ang nangyari sayo doon na ---”
“Pwede ba Aily…” natatawang sabi ko sa’kanya at itinuloy na lamang ang pagsagot sa papel. Bukas ko na ito ipapasa at bukas na din ang entrance exam. Sisiguraduhin ‘kong papasa ako sa kursong ilalagay ko sa papel na ‘to.
"You’re going to make it. It’ll be hard but you are going to make it."
Napangiti ako ng maalala ang mga salita niya. Gab…
"Sometimes you have to stop thinking so much and just go where your heart takes you."
Her words is my comfort. Owh Gab, ano kayang mangyayari sa’kin kung hindi ka dumating sa buhay ko.
Nakangiti at lakas loob kong isinulat sa papel ang kursong kukunin ko. Walang atrasan na sa desisyon na ‘to.
“There!” napalakas na pagkasabi ko pagkatapos kong isulat lahat ng kailangan kong ilagay sa papel.
I’m a fighter. Marami ng nangyari sa buhay ko pero nandito pa rin naman ako. Humihinga at te napakaganda pa. Ngayon pa ba ako aatras at susuko dahil lang sa naguluhan ako sa nais kong kunin na kurso. No. I’ll never give up.
~
The entrance exam of Galleon International School is kinda’ difficult. I expected that, me and Aily expected that dahil hindi lang isang ordinaryong paaralan ang GIS. They have really a high standard for their students kaya hindi simpleng exam lang ang binibigay nila.
Nakalabing lumabas ako sa room na pinagkuhanan ko ng CET. Nakakapagod ang halos dalawang oras na pag-upo sa upuan para lang masagot ang halos dalawang daan na tanong. Ang akala ko ay tapos na si Aily at hinihintay na ako sa labas ngunit wala pa siya. Hindi kami pareho ng room kaya minabuti ko na lamang na puntahan siya but hindi nangyari ang gagawin ko ng sumalubong sa’kin ang nakasandig sa railing na si Gab at diretsong nakatingin sa’kin na para bang binabasa ang bawat galaw ko.
BINABASA MO ANG
She Got Me [COMPLETED]
Short StoryFaite is the typical student sa school. Tipong laging nasa honors list pero walang sariling desisyon sa gustong tahakin. The student na mukhang naliligaw pa sa tinatahak niyang daan. Until dumating ang araw na kailangan niya ng mag desisyon kung ano...