3- All Alone

61 4 0
                                    

Krisha's

Alam niyo ba guys, hanggang ngayon kinikilig pa rin ako na friend kona si George. Magka-chat kami ngayon at shet lang, ang pogi niya mag reply. Hahaha ewan ko ba para akong shunga dito na kinikilig. Buo kasi siya mag reply eh hindi tulad nung ex kong jejemon pag nagrereply yun, 'mhie wer na u? D2 na me' hahaha pero itong si George, 'Hi, musta?' Alam mo yun? Ganyan lang pero shetGnIzppaiwno0qpmaj lang, kilig agad ako.

'Okay lang naman, ikaw ba?' Reply ko

'Ayos lang, nagi-stream ka pala. Cool haha'

'Yup, ikaw ano nilalaro mo?'

'Wala, puso ng babae. Lol.' Hindi ako alam ano iri-react ko eh, so playboy pala sya hmp! Ekis na. Joke. Pagbigyan mga siz.

'Ay bad. Haha' reply ko nalang.

'Pero pag iyo, diko paglalaruan yan. Haha' diko alam kung matatawa ba ako o maniniwala o kikiligin ehh. Hayp na yan. Hahaha

Nireplyan ko nalang sya ng laughing face at nagsimula ng mag stream. Syempre madaming nag aabang sa akin dyan. Kaya diko sila pwede biguin.

George Smith is calling...

I was shock na tumatawag sya sa messenger, sinilent ko nalang muna saka bumalik sa pagi stream pero diko mapigilang tumingin sa phone ko dahilan para mamatay ako at matalo sa laro.

'Uy bakit ka nag-call?'

'Dika na nag reply eh, ayain sana kita uminom in my place.' Napakunot ang noo ko, masyado ata syang mabilis? Feel ba nya na bet ko sya kaya pinapatulan niya ako para makuha nya gusto niya?

Mejo na-off ako sa kanya kaya ilang araw ko din siyang hindi chinachat at siniseen lang.

'Krisha, sorry nabigla ba kita? Sorry talaga.'

Yun yung last na chat nya sakin tapos wala na akong balita sa kanya. Nakikita ko lang mga myday nya na puro sya yosi and beer. Tapos mag isa lang sya. I wonder kung mejo OA na ba ako?

Kaya naisipan ko syang dalawin sa bar. Pero hindi ko siya makita kaya nagtanong ako dun sa Troy, barista din.

"Kuya? Andito ba si George? Can I talk to him?"

"Ah naka break, baka nasa parking lot." Ani nito saka umalis. Lumabas agad ako ng bar at pmunta sa parking lot, there I saw him, nagyoyosi at may nakapatong na beer sa kotse.

"Huy, nagdadrama kana naman ah?" Mejo nagulat sya cos I come from behind. Agad nyang tinapon ung yosi nya saka kumain ng candy.

"Hindi ah. Drama ka dyan" sagot nya. Eto na naman sya sa pagiging serious nya haha. Pero sa chat ibang iba sya.

"Hindi naman ako galit, baliw. Mejo, uhm, alam mo na hehe. Ayoko muna sumama sa mga ganyang aya ng inom sa place nila lalo nat lalaki ka tapos tayong dalawa lang. Lamona, kakagaling ko lang sa break-up." Paliwanag ko. Teka bakit ba ako nagpapaliwanag? Well, I just felt na he needs to hear my explanation naman.

"Okay lang. Sanay naman to" sagot niya.

"Oh eh bat dika na nagchachat?"

"Lah. Ako daw. Hahaha ikaw kaya yun." Anya. Pero totoo naman na ako talaga ung di nagrereply.

"Joke lang. Bakit ba kasi bigla bigla kang mag-aaya ng ganong oras? Saka kaya dko nasagot call mo nagi-stream ako nun." Ani ko.

"Wala baliw, lasing lang ako nun. Ganun lang talaga ako." Sagot nito. Napapakunot naman noo ko sa kanya. Ang weird nya.

Broken PiecesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon