2- Curious

69 6 0
                                    

Krisha's

Hi, ako si Krisha Tamayo. 21 years old. After ko gumraduate ng Tourism, naging patapon na buhay ko. After ako hiwalayan ni Patrick, nagkanda-letse letse buhay ko. Alam mo yung naka- set na yung goals niyo, tapos biglang pagka anjan na, iniwanan kana sa ere.

Yun ang malaking pagkakamali ko, naging dependent ako kay Patrick. Inasa ko sa kanya yung future naming dalawa. Eh future niya lang pala ang pinaghandaan nya. Tapos nalaman kopa na yung palagi kong pinagseselosan na si Jema, which is lagi nya ding tinatanggi na close nya lang yun eh, nahuli kong nagtutukaan sa kotse nya like, wtf?!

Kaya oo, im so fuck up! 1 year akong tambay after ko gumraduate dahil walang natanggap sakin. Kesyo, lampa daw ako, payat, baka sakitin pa daw. Pakyu sila! Dipa nga nila ako nasusubukan eh jinudge na nila agad ako!

Pinilit kong mamuhay dito sa Manila, sa Bulacan pa kasi bahay namin. Nangako kasi ako kina Mama at Papa na babawi ako sa kanila. Kaya pinagkaka-abalahan ko ngayon? Streaming at vlogging. Ito na uso eh! Nakakagulat na maingay ang pangalan ko sa mga vlogs ko!

-

Habang nagi-stream ako, biglang may nag-share ng videos ko, isha-shoutout kona sana pero napigilan ako dahil sa pangalang na-pop sa screen ko.

Patrick Echavez shared your live

Dahil don, nawala ako sa laro. Agad akong nagpaalam sa mga viewers ko at humiga sa kama.

"Uy kamusta?! Lupit mona mag-ML ah! Paturo naman po hahaha"

Its Patrick.

Wow.

Hindi ko alam kung nang-iinsulto ba sya or what. Pero ang dating sakin, ang bastos. Ano? Ganon ganon nalang sya mangangamusta pagtapos niyang itapos yung buhay ko?!

"Fuck you!!"

Hindi ko na napigilan ang inis ko kaya nireplyan ko siya. Dali-dali akong nagtungo sa isang bar. Noong una ay umorder ako ng isang case ng red horse, at nang maubos ko yun.

Sumayaw lang ako na parang baliw sa dance floor para mawala yung tama ko. Pero habang nakapikit ako, si Patrick at yung Jema ang nakikita ko.

Umupo ako sa counter at umorder ng isa sa mga paborito kong cocktail. Black Russian.

Then I saw this pogi sa counter na sobrang nakaka-gv yung kagwapuhan nya. Parang yung gwapo nya pedeng babae or lalaki. Ganun. Dala na rin ng tama ko ay maakit ko itong tinawag sa pangalan nya saka umorder.

Hmm. George pala huh! Ang pogi ng name infairness. Bagay na bagay sa kanya.

After nyang ibigay sakin ang order ay sinadya kong hawakan ang kamay niya. Pero parang parehas kaming nakuryente or dahil lang talaga sa nagulat din ako sa ginawa ko?!

Gusto kopa sana sya kausapin pero nagmamadali syang umalis.

Hm sayang naman.. gwapo pa naman.

Natatawa nalang ako sa sarili ko minsan dahil kahit na affected pa rin ako kay Patrick ay nakukuha kopa ring lumandi.

But dont get me wrong, when im in a relationship, im so fucking loyal.

Maya-maya, nakita ko yung George na nasa kabilang counter na pala. Iba na kasi ung pumwesto dito sa pwesto nya kanina.

Doon ako umupo uli sa harap ni George saka nginingitian ng nakakaakit pero todo ang iwas nito. I was talking to him din pero hindi nya raw ako marinig, im dont believe him tho.

I tried to seduce him again by dancing on the floor pero di man lang ito nagtatapon ng tingin sa akin. Naiinsulto naman ako kaya napa-order pa ako ng marami hanggang sa malasing na akong tuluyan. Diko na rin maalala ang nangyari at nagising nalang ako na nasa malambot akong kama at mabangong kwarto.

Broken PiecesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon