15- TOTGA

77 9 9
                                    

Krisha's

Nakauwi na si George galing Boracay, after the call with that bitch nicole? Tinadtad ko talaga ng chat si George that time. I told him na ayoko na. Na chini-cheat nya ako kahit na wala akong concrete na ebidensya.

Oo alam ko na mali, na maling husgahan ko sya without him na bigyan ko sya ng pagkakataon na magpaliwanag. Maybe its for the best naman na, na maghiwalay kami kasi ang daming conflict. Between me and my fam, me and my relationship and me and my work/supporters! And its so frustrating.

"Please let me explain naman, Krisha. Don't do this to me. Ilang araw palang tayo tapos break na agad solution mo sa problema? Ilang beses ko bang sasabihin sayo na walang nangyari samin ni Nicole. Jusko ang bata bata nun!" He exclaimed. Nandito siya sa bahay. Trying to explain his side. But im still angry.

"Wala?! Talaga?! Eh ano ung boomerang na nagpahalik ka sa pisnge? Saka dimo ba nakikita ung mga myday nya?! Na nakatag ka?! Ha?"

"Pero alam mo ba ginawa ko after that? After nya ako hinalikan? I talk to her at pinagsabihan sya. Na mali ang ginawa nya. And that stories of her, i dont even know that! Matagal na akong walang ig! For god sake!!"

"Oh ikaw na may ganang magalit ngayon ha?! And fyi! You're too late for explanation! Break na tayo kahapon pa!!" Sigaw ko.

Napapahawak na sa bewang si George, finding the right words to say. I was shock na sinuntok niya ung pader. He's lost for words.

"Umalis kana. Please." Ani ko.

"So ganun nalang yon Krisha?! Tangina ganun nalang? Sabi mo mahal moko?!" He frustrated at nahihigpitan na nya ung hawak nya sakin, nang biglang pumasok sa bahay si Patrick.

"Hoy!! Bitawan mo si Krisha!" A typical Patrick again after ako inilayo kay Krisha ay tinulak si George.

"Huwag ka mangialam ditong gago ka ah! Di pa ako tapos sayo!" Si George.

"Bakit hindi? Eh boyfriend ako ni Krisha!" Hinawakan ko si Patrick at pinigilan sya. Hindi pa to ang right time para malaman ni George.

"Hoy! Nagi-ilusyon kana naman gago ka. Ako ang boyfriend ni Krisha, sinagot na nya ako." Pag bawi ni George.

"Pede ba tama na! Please umalis kana George. At ikaw Patrick, di ako pwede lumabas ngayon, next time nalang. Pasensya na sa abala." Ani ko kay Patrick. Pero habang magkausap kami ni Patrick hinila ako ni George at hinalikan. I push him away sa sobrang shock, pati si George, shock din. Hindi makapaniwala na nagawa ko un sa kanya.

"I told you bruh. She's mine. Gusto mopa ng patunay?" Si Patrick na may kinontak sa phone at agad sumagot si Mama.

"Tita, kasama kona po si Krisha." Anas ni Patrick pagkasagot ni Mama sa phone.

"Osige, ingat kayong dalawa ah." Sagot ni mama. Naka loudspeak kasi ang phone. Habang ako, naiiyak na sa nangyayari.

"Tita, hahatid ko po ba uli jan si Krisha sa Bulacan?" Si Patrick. Si George nakayuko lang.

"Oo naman, alangan namang pabayaan mo yang kasintahan mo." Si Mama.

"Sige tita, salamat." Si Patrick at inend na ang call.

"Ano? Alam mo na ba san lugar mo ngayon? Sige, hahayaan kitang tanungin si Krisha kung ano ang totoo. Pero this will be the last time na makakausap at malalapitan mo, ang GIRLFRIEND ko." Si Patrick saka lumabas ng bahay.

Ilang minuto kaming tahimik ni George. Nakakabingi. Finally, nagsalita na sya.

"All this time, ako pala yung naloko. Hindi ikaw. Ako yung niloko mo, Krisha. Ako. Bakit?! Ano ginawa ko sayo?! Para akong laruan, after mo gamitin, after kita pasayahin, mahalin, alagaan, tinapon mo nalang ako na parang basura. Sana noon mopa sinabi, na hindi ako ung tipo ng tao na karapat-dapat sayo kasi umasa ako. Kahit masakit, kahit nakakaselos, kahit nakakainis na pag bintangan moko sa kasalanang diko ginawa, mahal pa rin kita. Siguro, hanggang dito nalang nga. Salamat nalang sa mga peke mong nararamdaman para sakin. Atleast kahit peke un, inisip kopa rin na totoo, pinaniwala ko sarili ko na totoo. Ang tanga tanga ko."

Para akong sinaksak sa buong katawan ng kutsilyo at pinaka tumagos un sa puso ko. Sa kaluluwa ko. Napakasama kong tao para gawin to sa taong pinaka-nagmamahal sakin.

He left. And after that, my life's a mess now.

George's

Nagmamadali akong makabalik sa apartment ni Krisha, luckily pinapasok niya pa rin ako, sa pinto, diko alam kung pati sa puso niya. Mejo natagalan ako bago makarating dahil bumili ako ng singsing.

I'm gonna be serious this time, at ibibigay ko sa kanya ung promise ring na yun, at para saken, kapag binigay ko na yun sa kanya, I am full committed na, wala ng atrasan at wala ng tatalikod dahil bibigay ko sa kanya buong-buo yung puso ko.

Palagay ako na babawiin ni Krisha yung mga sinabi niya sa chat, na galit lang sya kaya nya yun nasabe, maiintindihan ko. Iintindihin ko. Kasi alam ko, nagsisimula palang kami eh, at marami pang problema na mae-encounter sa mga susunod pang kabanata ng relasyon namin.

Ngunit napansin ko, isa-isang pumasok sa isip ko yung mga panahong bago pa siya dumating dito sa Makati after nya mag-stay sa Bulacan. Ang daming nakakagulat na emosyon ang pinakita nya sakin.

Natiis nyang di kami magkabati ng ilang araw, diko siya sunduin matapos nyang bumalik dito sa Makati, and the I found out na si Patrick ang nagsundo at hatid sa kanya doon hanggang dito. Those times na umiiwas sya na parang nakakadiri ako, nung nag date kami, at ngayon.

Iisa lahat ng emosyon na nakita ko sa mga mata niya. Scared.

Takot na ipaglaban ako, takot na mawala ang career, mga sumusuporta sa kanya, magandang image nya sa youtube, at takot na mahalin ako pabalik.

Napangiti ako sa pait ng naisip ko.

At nung umeksena na naman si Patrick? Parang lahat ng matatalim na bagay ay tinusok nilang dalawa sa akin. Matatalim na salita, na kahit sa pinaka maikling salita ay siniguro nilang masasaktan ako at masusugatan.

Ang pait nga naman ng sinapit ng taong ang gusto lamang ay mahalin pabalik ngunit takot at tinapon ka lang na parang basura sa isang gilid.

Hindi ko alam kung magiging okay pa ako uli. Hindi ko alam kung magmamahal pa ba uli ako ng ganito dahil nakakatakot naman pala ang igaganti sayo. Ang sakit lang naman pala ng ibabalik sayo.

Mukhang hindi na. Mukhang huli na.

"Sana maging masaya ka na pagtapos nito, hindi na muli magugulo ang mundo mo."

Sabi ko sa isip ko.

Krisha's

Paano ko ba susundan ang pangyayaring yon? Napakabigat sa dibdib. Nakakawalang-gana. Lahat ng realizations ko sa buhay, sinampal sakin. Ang dami kong kamalian na nagawa, at kung bibigyan uli ako ng Panginoon na itama iyon, gagawin ko.

Kaya naman,

I told my family na di talaga kami magboyfriend ni Patrick. Enough with all this bullshit. I want to stand for myself, for every decision I make, this is me. This is who I want to be, and no one could stop me.

Diko na inisip lahat ng sasabihin ng mga supporters ko, kasi kung mahal talaga nila ako at tunay silang supporters, ano at sino man ako ay tatanggapin nila ako ng buo.

-

Its been a year. Mas lalo akong nag-grow as a person. Marami akong natutunan sa buhay last year at ginamit ko un para maging matapang ngayon. Hindi pa rin kami okay ng family ko pero tuloy pa rin naman ang responsibilidad ko sa kanila. Alam na ng lahat na im part of the lgbtqia+ family now. At wala akong kinakahiya don. Im lucky na mas lalo pa akong nakilala dahil doon. Ang bilis ng phase ng buhay ko. Simula ng nawala si George sakin. He will always be my TOTGA.

At the last time I check, bumalik na sya sa California, USA para tumira don kasama Daddy niya. Wala na akong balita after that. Masaya ako para sa kanya, sana di na sya galit sakin. Dahil ako, para saken, he will always have a special place in my heart. Forever.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

The end.

A/N:

Thank you so much sa lahat ng nagbasa nitong story na to. Oo, end na agad. Di yan prank! Hahaha bitin ba? Malay niyo may part 2 diba? Hahahaha wait natin maka 30k reads at 1.5k votes and then susundan ko ito haha. ✌🤗

Follow me on twitter: @maisanka

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 06, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Broken PiecesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon