14- Ribbon Cutting

47 5 0
                                    

Krisha's

Nandito kami ngayon ni George sa Mall. I'm still not used to it. Lalo na maging pda. Kasi si George, jusko. Napaka-clingy nya. At ayoko naman pigilan sya na mao-offend sya. So pasimple nalang akong umiiwas kapag may gusto syang gawin na medyo nakakahiya.

Nanuod kami ng sine, tapos paglabas namin kakain na sana kami sa restaurant pero may biglang tumawag sa akin. Nakaakbay pa sakin si George.

"Ate Krishaaaaa!!! Papicture!!" Tatlong mga estudyanteng babae na kinikilig magpa picture. Tinanggal ko naman agad ang pagkaka akbay ni George ng mapansin kong nakatingin sila sa kanya.

"Sure. Tara!" Aya ko naman sa tatlong estudyante. Ako na yung lumapit.

Napatingin ako kay George, nakangiti lang naman ito.

Hanggang sa may iba ng nakakita at nagpa-picture din. Halos puro mga estudyante at this time puro lalaking student na. Nakakatawa pag nakikita ko silang nai-starstruck sa akin kasi alam ko din yung ganyang pakiramdam eh.

Tahimik lang na nag-iintay si George sa isang gilid, may kausap sa phone. And at last nakapag-dine na kami sa isang restaurant dito din sa Mall.

"Are you okay?" I ask George. Para kasing ang tahimik na nya.

"Huh? Oo naman. Ikaw kasama ko eh.. sikat na talaga yang babe ko oh haha." Mejo lumakas ung pagkakasabi niya ng babe kaya may nagtinginan na ibang customer.

"Babe, wag mo muna ako tawaging babe in public, pwede? Please?" Bulong ko sa kanya. Napakunot ang noo nya.

"Bakit?" Tanong nya ng di tumitingin sa akin.

"Alam mo naman, im not yet ready to say sa kanilang lahat na sumusuporta sakin na im in a relationship. Most especially.. alam mo na. Yoko lang na ma-bash ka." Paliwanag ko. Sana maintindihan niya.

He smile at me at umokey. Mejo gumaan naman pakiramdam ko after that.

Pagtapos namin kumain, he keep his distance na di na ako hinahawakan. I don't know what to feel pero mas kumportable ako sa ginagawa nyang distance dahil nga di pa ako sanay.

Nagtungo kami sa isang amusement park malapit sa mall at doon nag-enjoy kami na parang bata. At ayun, meron na namang nagpapa-picture. Matik kapag ganun lumalayo si George, tbh, i really feel bad for him pero kailangan namin magtiis for the both of us. Napaka swerte ko lang na nirerespeto niya ako in this time of my life.

This time medyo matatanda na nagpapapicture sa akin, halos lahat puro lalaki tapos ung iba napapansin ko sa sobrang harot eh nahahawakan ung likuran ko at boobs pero itinatawa ko nalang, nae-excite siguro syempre kahit ako din eh pag nakita ko sa personal si Chris Hemsworth e.

"Hey, nanghihipo kana dude." I was shocked ng biglang nag interrupt si George. Nagulat ung isang fan na pinagsabihan nya.

"Ano?! Anong nanghihipo?! Sino kaba!" Anya nung lalaking fan. Amoy beer din kasi si kuya kaya tingin ko di na nya alam gnagawa niya.

"Wag kang bastos nakikita kita. Nakainom ka dude. Tara na Maam Krisha." Lalo akong nagulat sa sinabi ni George. He even call me Maam para lang di kami mahalata sa public.

"Gago ka ba! Ikaw ang bastos!!" Imik pa nung lalaki at nagulat ako sa ginawa nya, sinuntok niya sa may bandang panga si George.

I was about to explode at ready na para sampalin ung lalaki pero pinigilan ako ni George.

"Stop it, vini-video ka nila. Tara na." Bulong ni George at inawat na ung lalaki ng ibang nakakita sa nangyari kaya nakaalis na kami agad sa scene ni George. Pagsakay namin sa kotse, agad na nag seatbelt si George at sinindi ang makina. Shock ako sa pangyayari at di ko alam pano nahahandle to si George. Malapit na kami sa bahay pero mejo trapik pa kaya nagkaroon ako ng chance na tignan si George.

Broken PiecesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon