12- Deal

51 5 0
                                    

Krisha's

As the days go by, unti-unti ko naman ng napapatawad si George. Siya lang naman yung taong napakahaba yung pasensya sakin bukod sa Papa ko. At sobra akong nalulungkot dahil di kami magkasama ngayon.

I was packing my things and ready to go back to Makati, gusto kona makasama si George. Wala akong masabihan ng thoughts ko and im so lazy to text it all out to George.

"Pa, babalik nako Makati." I saw Papa, reading newspaper in our salas.

Wala sina Mama ngayon, nasa grocery. Kaya kami lang ni Papa naiwan dito.

"Nakapagpaalam kana ba sa Mama mo?" Tanong niya habang nagbabasa pa rin ng dyaryo.

"Eh alam niyo naman Pa di kami okay ni Mama"

"Edi tatakasan mona naman problema mo dito?" Tanong ni Papa saka binaba ang dyaryo at mataman akong tinignan sa mata.

Napayuko ako. I'm really good at running all my problems, and that's not healthy.

"Aayusin kopo muna yung samin ni George tapos babalik ako dito para ayusin yung samin ni Mama" matapang kong sagot.

"Hm, so papatagalin mopa yung sa Mama mo? Alam mo, wala akong kinakampihan sa inyong lahat, doon ako sa gitna. At para sakin, bilang isang magulang, sasama ang loob ko kung ang unica hija ko ay tinakbohan ako nang hindi nakikipag-ayos sa akin."

"Eh ano ba gusto niyo gawin ko, Pa? Patulan ko si Patrick? Patawarin ko tapos papasukin ko ulit sya sa buhay ko? Para ano? Saktan na naman ako? Pa naman, alam mo naman ano ginawa sakin nung tao."

"Hindi iyon ang punto ko, Krisha. Ang sakin lamang, makipag-usap ka ng maayos sa Mama mo. Nasasaktan yun sa ginagawa mo. Kung ano man maging desisyon niya, intindihin mo dahil napagdaanan din namin yan. Tulad nga ng sabi ko sayo, walang magulang na gugustuhing mapahamak ang kanilang anak."

Wala na akong nagawa kundi ang sumunod na rin kay Papa. May parte sa akin na tama siya, makipag-ayos ako kay Mama. Pero yung kay Patrick, hindi ko pa alam.

-

Alas singko na ng hapon nakauwi sina Mama, after nila mag grocery pinagmasdan ko si Mama mula sa second floor, tanaw kasi ron ang salas at kusina.

Parang kinukurot yung puso ko sa nakikita ko, pawis na pawis si Mama, pagod sa pamamalengke tapos siya pa magluluto at maga-asikaso ng mga gawain dito sa bahay. Simula kasi ng umalis ako dito at manirahan sa condo sa Manila, si Mama na gumagawa halos lahat ng gawain dito sa bahay. Nakonsensya naman ako kaya bumaba na ako para kausapin siya.

Tahimik ko syang tinutulungan sa gawain nang magsalita ako.

"Ma, sorry.." ani ko.

Napahinto ito sa paghuhugas ng gulay saka tumingin sa akin. Niyakap niya ako at inayos ang buhok kong tumatakip sa mukha ko.

"Sorry, Ma. Pasaway na ako sa inyo." Dagdag kopa.

Para namang naluluha si Mama.

"Okay na ako, anak. Basta wag mong isawalang-bahala yung mga sinasabi ko sayo ah. Si Patrick, wala ka pa dito non nasa Makati kapa, palagi na yun nagpupunta rito para humingi ng kapatawaran sa amin. Alam nya ang pagkakamali nya at handa niya iyon pagdusahan hanggang sa mapatawad mo siya.." paliwanag ni Mama. I knew it. Si Patrick pa rin.

"Ma... please wag na natin siya isama sa buhay natin? Tapusin niyo na yung ugnayan niyo kay Patrick kasi pinapaasa niyo lang yung tao eh." Sagot ko.

Bumalik si Mama sa paghuhugas, sensyales na hindi sya sang-ayon sa sinabi ko.

"Eh di kung ganon, tanggalin mo rin sa buhay mo yung George na yun." Sagot nito ng di nakatingin sa akin.

Broken PiecesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon