5- Always

52 4 0
                                    

Krisha's

Tahimik lang na nagmamaneho si George papunta sa kinaroroonan ni Patrick. Napaka-galing nga naman talaga tumayming nyang Patrick na yan.

"Hey, sabi ko naman sayo ako nalang eh kaya ko naman yun." Ani ko.

Matipid lang itong ngumiti.

"Okay lang ano ka ba. Ito naman ginagawa ng magkaibigan diba? Nagtutulungan." Para namang sinaksak ako sa dibdib sa sinabi niya.

Nanahimik nalang din ako hanggang sa nakarating na kami sa Bar. Nakita namin si Patrick na luluray luray na maglakad at nakikipag-away na sa mga staff doon.

"Patrick ano ba! Sumakay kana don sa kotse." Ani ko.

"Hi mhie!!! Sabi kona nga ba hindi moko matitiis eh. Sabi ko sha inyo ehh, shushunduin ako ng gerlpren ko!! Maganda diba?? Akin lang yan." Pagyayabang niya pa dun sa mga staff na inis na inis na rin sa kanya.

Sumakay na din ako sa kotse pero nanatili ako sa tabi ni George. He was still quiet the whole time.

"Mhie bat ka nandyan? Dito kana mhie!! Uy!! Mhie!! Bat ka dyan sa tabi ng drayber nakaupo dmo naman kaano ano yan!"

Napipikon na talaga ako sa Patrick na to.

"Sige na tabihan mo na sa likod para di manggulo dito sa harap. Mhie. Hahahaha" ani George na inasar pa ako sa huli. Diko alam kung tatawa ba ako dun sa joke nya or what.

"Umayos ka nga!! Naiinis na ako sayo!!!" Tulak ko kay Patrick na pilit yumayakap sakin. Hanggang sa nakatulog nalang ito sa lap ko. Ni hindi ako makatingin kay George. Nahihiya ako. At nasasaktan ako sa part nya.

"Tulungan na kita. Dimo kaya yan mag-isa." Alok ni George habang akay akay namin si Patrick papasok sa condo nito.

Alam kong dito sya nakatira dahil minsan na niya akong dinala dito nung college pa kami, sabi nya bigay daw to ng Mommy nya kasi good boy daw sya. Pwe!

Hiniga namin siya ni George sa kama at naalimpungatan ito. I was about to go outside ng hilahin ako ni Patrick tuloy napahiga ako. Narinig ko nalang na sumara ang pinto ng kwarto, lumabas na si George.

"Mhie ko... namiss kita... balik kana uli sakin! Pleaseeee."

"Ano ba Patrick bitawan mo nga ako.."

"Matagal na kami wala ni Jema... nagsisisi ako na iniwan kita Krisha." Anya.

"Its too late, Patrick. Naka-move on na ako sayo." Sagot ko.

"Pero alam ko, mahal mopa rin ako."

Mahal kopa nga ba si Patrick? Hindi na self ano ba! Get back on your senses!!

"Tumigil kana Patrick naiinis na ako sayo."

"Babawiin kita Krisha. Intayin mo ako.."

"Wanko sayo!"

"Ugh sakit ng ulo koooo"

Nagmadali akong hipuin ang noo ni Patrick. He was like that ever since. Kapag sumakit ulo niya, mina migraine sya and he badly needs a medicine. I search for every cabinet kung saan nya nilagay ang gamot nya, lumabas ako ng room and saw George waiting for me, pero hindi sya ang priority ko ngayon, ung gamot.

"Ano hinahanap mo?" Si George.

"Gamot, mina migraine si Patrick eh.. he needs it."

Halos dko na mapansin si George kakahanap ng gamot ni Patrick. Nang makita ang gamot ay agad akong kumuha ng tubig para ipainom un sa kanya.

Broken PiecesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon