8- Official

58 4 0
                                    

George's

6pm na ng magising ako. Pero si Krisha, mahimbing pa rin ang pagkakatulog. Hinipo ko ung leeg at noo niya, buti nalang at hindi nauwi sa lagnat.

Nag-prepare lang ako dinner niya at tinakloban ko yun, saka umakyat muli sa 2nd floor sa kwarto saka naligong muli at nagbihis. Mahilig talaga ako maligo hahaha.

"W-where you goin?" Napalingon ako sa likod ko, kinakabit ko na lang yung belt ko at aalis na. Umupo ako sa tabi ng kama niya, bumangon rin siya saka ko pinasandal sa headboard.

"May aasikasuhin lang ako, babe." Sagot ko. Bakas sa mukha nito ang lungkot.

"Ehh. Iiwan mona pala ako.." inda niya na parang baby.

"Hindi po, haha. Punta lang ako sa Quezon City pero bukas ng gabi nandito na uli ako."

I need to fix my business back there sa Quezon City, pati na rin yung mga late na e-mails na need ko ipasa sa boss ko.

Doon pa rin ako nagwowork under sa Bar na pinagtatrabahuhan ko, pero hindi nalang ako barista, sa office na ako at secretary ng boss ko. Dito sa quezon yung office ng Bar kaya doon ako napasok. I need to cope up with my work cos I really need it. Although my allowance naman pinapadala sakin si Mom and Dad, pero sa dami ng luho ko, kahit sobra na yun sa iba, sapat lang yun sakin. Hahaha

"Eh bakit gabi paaaa!!" Para na talaga syang baby na inagawan ng lollipop haha.

Lumapit ako sa kanya saka siya niyakap ng mahigpit.

"I need to work para sating dalawa. Right?" Sabi ko at wala naman na syang nagawa.

Hinatid niya ako hanggang sa labas ng pinto. She was fixing my collar. Kinikilig ako..

"Videocall nalang tayo okay? Kain kana dyan dinner pinagluto na kita. See you tomorrow babe. Iloveyou!" Sweet kong sabi sa kanya.

Nagtatampo man sya ay napangiti ko rin naman ito. I know she'll understand me. Alam ko rin naman na may kailangan din sya asikasuhin dahil ilang araw na syang di nakakapag-vlog.

"Bye, ingat ka ah! Behave, okay?!" Anya.

"Opo! Haha." Sagot ko.

"I love you.." malambing na sabi niya.

Hinalikan ko siya ng matagal sa labi saka sa noo. Para ma feel nya pa rin yung love ko sa kanya. I know that parting ways is always hard for all the relationships. Darn it.

Sumakay na ako sa kotse ko saka ko bumusina at umalis na ng tuluyan.

Mag-9pm na ako nakarating sa Office, grabe yung trapik. Nagmamadali akong pumasok sa opisina at si Maam Seah agad bumungad sakin. Napalunok ako.

"2 days absent and then late? Halos halfday? Are you even aware that you have a lot to do with your work?" Bungad ni Maam Seah.

"Sorry maam. Bawi nalang po ako." Napailing na lamang sya saka bumalik sa upuan niya. Halos magkatabi lang kami ng table dahil maliit lang ung office. Under renovation pa kasi ung isang room, don sana si Maam lilipat.

Agad kong inayos lahat ng paperworks ko. I'm good at these, I know. Pero ngayon na kami na uli ni Krisha, im sure mas machachallenge ako ngayon.

Halos masuntok ko ang sarili ko ng maalala ko na dapat i-chat ko si Krisha. Nakalimutan ko pota!! Pagtingin ko sa phone ko, lowbat!! Fuck!

Agad kong chinarge ito at pagbukas na pagbukas pa lamang ng phone ko ay dagsa na ang texts and miscalls ni Krisha. Shit!

I open it all at puro, 'babe wer are you?' 'Please tell me naman san kana so I can assure that you're safe' 'hey im waiting..' 'ano ba Georgina Smith ah naiinis na ako! Bat di kita matawagan?!' 'I knew it, someone seduce you noh?!' 'Bwisit ka wag kana mag text kahit kailan!!!'

Broken PiecesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon