AIKO'S POV
Naglalakad ako sa canteen kasama si Maevel ng makita ko si Rose na kasama sa Emmanuel. Para bang may something sakin ng makita ko silang magkasama. Parang ayoko. Nasanay lang siguro ako na laging kausap si Rose.
"Aiko. Uy! Nakikinig ka ba?" Maevel
"Ha? Ano yun?" Kasama ko ngapala si Maevel. Haaaay.
"Sabi ko, punta tayong library mamaya pagkatapos kumain" Sabi niya habang nakangiti. Ang ganda niya talaga.
"Sure."
Nakita kong tumayo si Rose at imexcuse ang sarili niya. Pasaan kaya siya? Kausapin ko kaya? Umiiwas ata siya sakin nung mga nakaraang araw ee.
"Ah. Maevel, wait lang ha. May naiwan kasi ako sa locker. Kunin ko lang" Sabi ko.
Tumango naman siya bilang sagot.
Hinahanap ko si Rose at shoot! Ayun! Papunta din sa locker niya. Kakausapin ko ba? Sige na nga. Bawal ng mag back out. Pwooooh.
Nagtago muna ako ng bigla siyang kumanta...
♪ I think I'm falling falling in with you.
And i don't, i don't know just what to do♪Napaisip ako , si Emmanuel ba yun? Masaya dapat ako para sakanya pero ano tong nararamdaman ko? Nalulungkot ako maisip ko lang na magkakaroon siya ng ibang kaclose na lalaki bukod sakin.
"Rose, pwede ba tayong magusap?"
ROSE'S POV
"Rose, pwede ba tayong magusap?"
Napalingon ako at nakita ko si Aiko. Bakit kaya?
"Oh tungkol san?" Nilock ko na ang locker ko at hinarap ko na siya.
"Galit ka ba sakin?" Ha? Ano ba yan. San niya ba nakukuha ang mga idea na yan. Psh.
"Hindi ah. Wala ka namang ginagawa ee. Sigi. Hinihintay pa ako ni Emmanuel." Kanina pang naghihintay si Emmanuel.
Lalagpasan ko na siya ng bigla niyang sabihin,
"Ano ba kayo?" Bakit ganto siya magtanong? Nakakainis!
"Ha? We're friends! Pwede ba Aiko? Stop acting like you even care about me" Sabi ko "As far as I know, si Maevel lang ang lagi mong inaatupag! Jan ka na nga!" Dagdag ko.
Tumakbo na ako para di niya ako makausap pa ulit. Nangingilid na ang luha ko kanina. Ano ba toh!? Leche!
Inayos ko muna ang sarili ko bago lunapit kay Emmanuel. "Smile Rose! Smile." Sabi ko sa sarili ko to keep myself calm.
"Ang tagal mo yata Rose." Sabi niya habang nagaayos ng bag niya.
"Sorry ha. Na- natapilok kasi ako sa daan." Palusot.com
"Ha!? Ano!? May masakit ba? Gusto mo dalhin kita sa clinic?" Bakas sa boses niya ang pagaalala. NakakaTouch.
"Okay lang ako. Wag kang magalala"
Niyaya ko na siya para magpunta na sa mga klase namin. Hinatid niya muna ako sa klase ko bago siya pumunta sa kanya.
We both waved goodbye. Bukas daw ulit. Hahahaha! XD Makapunta na nga sa chair ko.
Rhea's POV
Naglalakad na ako ng bigla kong makita si Aiko na parang ang dark ng aura. -.- Kasama niya si Maevel pero tila wala siyang napapansin. What's wrong with you people!?
"Aiko! May I talk to for a minute?" Odiba? English Spokening. Hahahaha!
Nagpaalam si Maevel kay Aiko na uuna na daw siya. Tumango naman si Aiko.
"Hey Problem?" Sabi ko.
"Anong meron kina Rose at Emmanuel? " Bah! Curious si Aiko. Hoho ~ I smell something fishy.
"Nagkakamabutihan na sila." Bwahahaha! XD
"Ah talaga? I'm happy for them" Happy daw pero halata naman sa mga mata niya na hindi :3
"Aiko, Wag mong ikulong ang sarili sa mga bagay na walang kasiguraduhan. Enjoy life. Try to meet other people . Hindi yung lagi na lang si Maevel. Di lang siya ang taong pede mong mahalin. Buksan mo ang mga mata mo! WAG KANG BULAG!"
--------
A/n: Ngayon lang sinipag dahil malamig ang panahon xD
~Ang tamad ninyong author, Jooooan ♥

BINABASA MO ANG
If I Fall ♥
Teen FictionDati, crush lang kita. Pero what will you do If I Fall? Are you still there to catch me?