Matapos ang aminan na yun, Hindi ko na ulit siya masyadong pinapansin.
Flashback*
"Bakit?"
"Di ko alam. Basta ko na lang naramdaman." Ah ah! Tek na!
"H-HA!?" Di ko alam kung pano ako magrereact.
"Rose, pinagkatiwalaan kita. Aasahan kita."
"Ah Emmanuel. Sigi una na ako. Tumatawag na papa ko." Gusto ko lang talagang makalayo. :'(
"Teka Rose...."
Di ko na narinig ang mga sasabihin niya dahil tumakbo na ako para di niya ako makitang umiiyak.
End of flashback*
Friday nung umamin siya sakin. Monday na ngayon at hindi man lang kami nagkaroon ng communication nung weekends. Haaaay.
"Bes? Ano bang namgyari sa inyo at di ata kayo magkasama ngayon?" Sabi ni Bes sakin
"Ha? Nino?"
"Sus. Patay malisya much ha! Si Emmanuel ! Sino pa ba?" Nahalata niya na rin pala.
"Ah. Hindi ko alam."
Kinulit pa ako ng kinulit ni bes tungkol sa nangyayari pero ayaw ko pa ring sabihin.
Habang nagkaklase kami, biglang napatigil sa pagdidiscuss si Sir Almarez dahil may tao sa pinto
"Sir. Good Afternoon. May I excuse Rose Marie Padilla?"
Tinawag ako ni sir at tumayo na ako. Eh? Sakin? Bakiit kaya?
"Hi po. May nagpapabigay lang po ng letter na to sa inyo."
"Sige. Thank You." Nakakapagtaka naman at may magpapadala sakin ng letter :3 Mamaya ko na nga lang babasahin.
Natapos ang klase naman at dumeretso kami ni bes sa canteen. Habang naglalakad kami, Nakita ko si Aiko. Nakangiti siya sakin. Tumingin ako sa likod dahil baka hindi ako yun pero wala naman. So Ngumiti din ako sa kanya. At ang mas ikinabigla ko pa.....
"Rose, pasabay ako sa inyo ni Rhea ha!" Masigla niyang sabi. Nagatataka ako kung bakit siya ngayon sasabay. :3
Aiko's POV
Nagpadala ako ng letter kay Rose kanina. Nakikipagayos ako. Di ko kasi matiis ng matagal na di siya nakakausap. :)
Ngayon, naglalakad ako. Naghahanap ako ng makakasabay. Nakita ko si Rose at Rhea. Napatingin si Rose sa gawi ko. Parang nagtaka siya nung makita niyang nakangiti ako sa kanya. Tumingin pa siya sa likod. -.- Eh naman. Nabasa niya na naman siguro yung letter dba?
"Rose, pasabay ako sa inyo ni Rhea ha!" Sabi ko sa kanya.
"A-ah. S-sigi." Sana tuluyan na kaming magkaayos ni Rose. Miss ko na kakulitan niya.
Nakakapagtaka naman di nya kasama ngayon si Emmanuel.
"Bat di mo kasama si Emmanuel?" NacCurious ako ee. Ano ba? Parang biglang nagiba ang timpla niya. Ang naisagot niya lang ay "WALA." Tapos sabay irap niya. :3
Ano kayang problema nila? Makapagimbestiga nga. XD Imbestigador mode ako. Hahaha
BINABASA MO ANG
If I Fall ♥
Ficção AdolescenteDati, crush lang kita. Pero what will you do If I Fall? Are you still there to catch me?