Prologue

122 7 5
                                    




Disclaimer : I'm still new at writing and this is my 'first' ever story, so bear with me for all the grammatical, typographical errors, and stuffs such as loop holes or even gap scenarios. Constructive criticism and feedbacks would be highly appreciated, you can message me for that. I promise to be better as the story goes on. Thank you for reading.



'Cause like a star shining in the dark, I've always seen you above. Trying to reach you... but it's hard. But maybe, one day... when the dark nights conspire our paths again.'

____________________

Sheena.



I still remembered everything, the cold breeze of the wind that day, the glimmering sunlight of the month of December and my own voice, saying something while my heart is beating fast.


Kaharap ko ngayon si Silver, kinakabahan at nangangatog ang tuhod. Should I confess it? Aamin ba talaga ako? Really? Ngayon na talaga? What if I get dumped? Ngayon lang ako naharap sa ganitong sitwasyon kung kaya't hindi ko alam ang gagawin ko.

"Anong sasabihin mo? Importante ba 'yan?" Nakatitig sa akin ang kulay abo niyang mga mata, nag aabang sa susunod na mga salita na lalabas sa labi ko. Aish, ba't kasi ngayon ka naglakas loob umamin?! Ha, Sheena?



"Ah oo eh, p-pasensya na kung nasasayang ko ang oras mo pero gusto ko lang sana sabihin na..." I stuttered, his stares are icy cold.


Wala ng atrasan 'to, Sheena. It's now or never na talaga para sa'yo. Well, atleast I tried right? Even if I get dumped and cry later atleast I am strong enough to confess my feelings for him. Hindi lahat ng tao kaya at may pagkakataong gawin ang gagawin ko ngayon. Hindi lahat may lakas ng loob na umamin ng nararamdaman nila.


"SILVER MENDEZ NG 10- AQUARIUS! GUSTONG GUSTO KITA!" Oo, sinigaw ko lang naman ang gusto kong sabihin. At oo din, gusto ko ang lalaking nasa harap ko ngayon, simula Grade 7 palang kami. Come to think of it, I really fall hard and deeply, at first I'm not aware of what I'm feeling for him but right now I can already name it, I like him. I like his icy stares, I like his eyes and his once in a lifetime smile.


"I'm sorry, but the feeling is not mutual Miss."



Palakda. Pahiya. Isa kang slapsoil, Sheena! Nakakahiya! Isinigaw ko pa yung confession ko para sakaniya tapos ganun lang yung sasabihin niya? Ang sakit 'ha. Masakit. Sobra. I can already feel my eyes burning with unshed tears, but I can't let him see that so I just stared at the groud. I brought this to myself so I just gotta accept it even if things like this were to happen.



Naabutan nalang ng tingin ko si Silver na bumalik sa quadrangle, walang emosyon sa mukha na kinuha ang bola na pang-soccer. Hanggang tingin nalang talaga, Sheena? Ano pa nga ba? I questioned myself even more, thoughts are piling as I watched him walking away from me.


Nakatayo lang ako sa likod ng building na iyon ng araw na iyon, umiiyak dahil nabasted ng 7-year crush. Pinupunasan ang salamin na nababasa dahil ilang balde 'ata ang naiyak ko ng araw na iyo. Ang malas talaga, ang unfair. Porket ba hindi ganun ka ganda, kailangan sasabihan ng 'the feeling is not mutual'? It's not the right time to joke, Sheena.


Ang hapdi na ng mata ko kakaiyak, sumisinok pa akong pinipigilan ang luha ko sa patuloy pang pagpatak. Wow, first confession ended up to first heartbreak, wala na 'atang mas sasaya pa. I thought sarcastically.


Aba, napakaunfair talaga pero ano bang magagawa ko? 'Yun ang nararamdaman niya kaya sino ba ako para mag demand? Besides, I don't think he even knows me, tingin ko nga ay 'eto ang una niyang beses na nakita ang pagmumukha ko. One thing I'm sure of is I know I can move on and forget, that's life. Ngunit tiyak na mapapanaginipan ko na naman ang kulay abong mga mata niya, yung tangos ng ilong at ukit ng labi. End game na ba talaga? Wala na talaga? Di na mababago ang desisyon mo Silver?

Mellifluous EuphoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon