Chapter 2

41 5 0
                                    



'There's really that one person.. who can make your heart skip a beat. Just like the sweet taste of summer or the warmth of autumn breeze.'

____________________


Sheena.



I'm a freak, I already know that since time immemorial, impulsive din akong tao and almost every decisions I made was because of the spur of the moment or my emotions. Ganun din siguro yung dahilan kung bakit nagmukhang madali ang naging pag amin ko sa nararamdaman ko, which is not that easy when it comes to other person.


It's been one hell week of school, occasionally kong nakikita ang SSC President na si Leviticus at ang kaniyang kapatid na si Silver. Madalas kapag alam kong makakasalubong ko sila ay liliko ako sa ibang daan kahit pa hindi naman talaga ako dun papunta. Yeah, it sucks but that's the only thing I could do para lang maiwasan silang dalawa.



Well, bakit ko nga ba sila iniiwasan? Mainly it's because of my teeny-tiny-little confession way back junior high and also that one incident I had with the President, hindi ko na gustong maulit ang mga bagay na iyon at kung iisipin ko man ay sobrang nakakahiya! I'm such an embarrassing person, alam ko.



"Bakit? May problema ka?" Tanong ni Yza sa gilid ko habang naglalakad kami patungong library, and mind you this school is huge that's why kahit mag reminisce ako ay ayos lang dahil hindi naman kami agad makararating sa paroroonan.



"Wala naman." Umiling ako.


Tumango lang siya at tinanaw nalang ang soccer field na tinatanaw ko rin ngayon, may mga students doon na tingin ko'y mga seniors dahil sa uniform nila. Nagpapractice 'ata sila dahil nakakalat ang bawat miyembro ng team sa kani-kanilang pwesto sa field. Natatanaw ko din si Silver sa kabilang dulo ng field, position as the centre forward, he looks serious. Lagi naman eh.



"Grabeng mukha 'yan! Tsk." Iling iling ng katabi ko sa aking gilid.


"Mukha? Nino?" Tanong ko, nakatuon na ang pansin sakaniya.


"Sino pa ba? Edi si..." Tinuro niya pa sa pamamagitan ng pagnguso, sinundan ko ng tingin ang itinuturo niya at dumako 'eto sa naglalakad na si Leviticus.


He seems oblivious of the stares he was getting, tall and arrogant with his school uniform he really seems like the smart and snob president that he really is. At kung hindi pa ako matatapos katitingin sakaniya ay di ko pa mapapansin na niyuyugyog na ako ni Yza sa balikat habang paimpit na tumitili dahil papunta sa pwesto namin si Leviticus.



Oh no! Agad kong inayos ang salamin at dahan dahang tumalikod. Shit! This isn't good! "Dun na ako sa kabila dadaan Yza, may pupuntahan pa pala ako sa showroom."


"Huh? Pero may gagawin pa tayo sa library diba?" Hawak niya sa braso ko. Of course that was a lie! At kailangan ko na talagang umalis dito dahil kitang kita ko na ang mabibigat na titig ni Leviticus! Damn!


"Please, mauna ka na." Inalis ko ang pagkakahawak niya sa braso ko, it doesn't help that she looks like a sad puppy right now! Now I'm guilty! Ugh!



I smiled at her and started to walk at the opposite direction, binilisan ko ang lakad ko dahil alam kong nasa likod pa rin siya at bawat estudyanteng nadadaanan namin ay namamangha o di kaya'y binabati siya! There you go, almighty SSC President! Note my sarcasm.


"Good morning President."

"Good morning Mr. Mendez."

"Have a good day President!"


Mellifluous EuphoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon