Chapter 4

34 4 1
                                    



'For once... can I ask to hold your hand, can I stare at your eyes glimmering with passion directed at mine? Or maybe, this is really an ending for us? But please, can you fulfill my wish for one last time?'

____________________

Sheena.

Nakataas ang kilay ni Leviticus sa akin, nakasandal pa rin siya doon sa hamba ng pintuan at pinagtitinginan na siya. Sa College area siya kaya ba't siya nandito? This cafeteria is supposed to be for senior high students, at kung may bibilhin man siya dito ay mabibili niya naman iyon sa college nila. Seriously, that's not my problem but he's causing a commotion here with that stance and face!

Umiwas ako ng tingin sakaniya at nilagpasan siya, this is just easy, I just need to compose myself and buy a bottled water for Silver. Yeah, that's easy so stop your convulsing soul, Sheena!

"Ate, isang bottled water nga po." Sabi ko ng makalapit sa babaeng nagtitinda doon.

Binigay niya naman agad sa akin iyon kasama ang sukli, nagpasalamat ako at naglakad na palabas sa cafeteria na nadagdagan 'ata ang mga tao dahil nandito ang magkapatid na Mendez. Naabutan kong naguusap sila doon, they look serious. Nakita ko pa ang pagkunot ng noo ni Silver dahil hindi niya 'ata nagustuhan ang sinabi ni Leviticus sakaniya.


Ipinagkibit balikat ko iyon, maghahatid lang naman ako ng tubig kaya ba't ko pa sila iintindihin?

"Sorry to interrupt your conversation, Silver 'eto na ang tubig mo."

Mukhang nagulat pa si Leviticus ng magsalita ako, he bit his lower lip as he shooked his head. Inabot ko kay Silver ang tubig at ang sukli, at nagpasiya na akong umalis doon. Di kalaunan naririnig ko na ang yapak ni Leviticus sa akin, what is his problem now? Pati ba siya magpapabili din ng tubig?


"Don't talk to Silver." He asked when we're on the same pace.

Agad ko siyang tinaasan ng kilay. "And who do I have to talk to? You?"

Kumunot ang noo niya sa tanong ko, even if he looked like a confused angel right now, I don't care! He has no say on who I talk to, pati ba naman sa pakikipagusap sa ibang tao wala na din akong karapatan? This control-freak!


"May gustong iba ang kapatid ko, kung kinakausap ka niya ng ganito malamang ay pinaglalaruan ka lang 'nun."


What the heck is he talking about? Wala na akong pakialam kahit may ibang gusto ang kapatid niya! It stings but I knew that I don't have a say if he really like someone. If he like Celine, then I don't care kaya anong pinuputok ng butsi nitong si Leviticus at sinasabing paglalaruan ako ni Silver. Besides, Silver isn't like that, he's snob, yes. But I know that he's not into games or whatnots.


"Walang naglalaro dito, at bakit ka ba nandito? Hindi ito ang daan papunta sa building niyo! Kung pumunta ka dito para sabihin 'yan ay wag kang mag alala, hindi mangyayari 'yang nasa isip mo dahil walang namamagitan sa'min ni Silver."

He placed his hands on his pocket, mas marahan na ang ekspresyon niya ngayon 'di tulad kanina. Malapit na ako sa bulding namin, kaonting lakad nalang.


"You like him."

Gulat akong napalingon sakaniya, how did he know that? Sinabi ba iyon ni Silver sakaniya? But Silver's not the all talk kind of guy! Napaiwas ako ng tingin sakaniya.


He smirked.

"So, my hunch is right. You still like him, huh?" He mocked. What?


Mellifluous EuphoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon