Chapter 10

27 4 1
                                    



Soundtrack : Iris (Goo Goo dolls) cover by Sleeping with Sirens and Fall for you by Secondhand Serenade.

'Just let things happen, if it's all too much... then breathe, rest, and restart.'

_____________________



Sheena.


"OMG?! YOU GIRL! NANLILIGAW NA SIYA SAYO?!" Sigaw ni Yza ng salubungin niya ako sa hallway.

Agad ko siyang tiningan ng masama pero excited lang ang ekspresyon niya, walang paki sa mga estudyanteng nakikiusyoso sa'min.

"Huwag kang maingay." I shushed. She just smirked, hinatak niya ako papunta sa room. Ang aga aga, hatakan portion agad kami dito. Hindi ako gaanong makatulog dahil naiisip ko lagi si Levi! Shit.

"Anong huwag maingay?! I can't freaking stop myself you girl! Kung hindi ko pa tinanong ay mukhang wala kang balak magsabi ng totoo, hmp." Pinagsalikop niya  ang mga kamay niya, kunwari'y nagmamaktol.

Inakbayan ko lang siya at nginitian. Kalaunan ay ngumiti din siya pabalik. 'Di talaga ako matitiis nito! She smiled excitedly. "So, magkwento ka na!"

Hays, ano pa nga ba? I started telling her every details, well not really detailed especially to the 'kiss' part. Gulantang lang siyang napanganga habang nagkukwento ako. Hindi ko binanggit sakaniya ang sinabi ni Celine, dahil alam kong ayaw niya talaga sa babaeng 'yun.

Minutes later and she still is unresponsive, tinapik ko pa ang pisngi niya para gisingin siya. Tsaka lang siya nakabawi at ngumiti ng nakakaloko.

"Shit, grabeng speed! Ang bilis ni President!" Tawa niya. "And to think that he kissed you so damn early! Alam na agad ang kasunod niyan, hmmm." Tinaas niya pa ang kilay niya. Kung anu-ano ang iniisip, ang bata bata pa namin para sa mga ganiyan!

Agad ko siyang inirapan, sabi na nga ba at ganiyan ang iisipin niya. "Tumigil ka diyan ha! Tsaka 'wag kang maingay." Sabay turo ko sa mga kaklase namin, lalo na sa mga babae na tinatarayan na kami ngayon.

Wala na akong naging ka close sa room bukod sa kanilang lima, ayos lang naman iyon. Mas ayos nga na kaonti lang ang kaibigan ko, pero sinusuportahan naman ako sa mga gusto ko.

"Hmp, they're just jealous because finally.... nangangamoy future girlfriend ka ni Leviticus!" She covered her mouth with her hands, pinipigilan ang pagtili. I just shook my head at amusement.

Natapos nalang ang lahat ng klase namin, may group work kami mamaya pero 'di ako makakasama kaya ginawa ko na agad ang parte ko sa room palang. Nauna ng umuwi ang mga kaibigan ko, dahil may kaniya kaniya silang gimik. Si Yza ay may kikitain daw, Si Becca at Judea pupunta ng mall para bumili ng posters para sa sikat na Kpop group habang si Aiko ay iniistalk 'ata ang pang limang crush niya. Si Ella, busy naman sa lovelife niya. Napailing nalang ako habang nagsusulat.

Ako nalang ang tao sa room, hapon na din at hindi pa ako naglalunch. Hinatid ako ni Levi sa room kanina, nagpaalam din siyang hindi siya makakasabay sa lunch ko. Nawalan din ako ng gana kumain kaya di na ako dumiretso ng cafeteria.

My stomach growled, napahawak agad ako doon. "Nagugutom na ako." Bulong ko sa sarili, I write all the remaining words before I decided to just go straight to the coffee shop. Levi is probably busy with the council. Inayos ko lahat ng gamit ko, highlighters, ballpens at papel tsaka iyon nilagay sa loob ng shoulder bag ko.

Pinasadahan ko ng kamay ang buhok ko't inayos ang salamin. I licked my lips because it felt so dry, dehydration pa 'ata ang bagsak ko nito. I checked my phone for any messages but there's none from Levi, sakaniya lang naman ang hinihintay ko.

Mellifluous EuphoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon