Chapter 14

19 4 0
                                    




'Life is a ripple like process, you inflict pain to someone, then that someone could inflict pain to others too.'

__________________


Sheena.

"Kailan graduation ni Mr. President?"


"Next week, 'di mo ba na kita sa bulletin kanina?" Tanong ko kay Ella. Nagkibit balikat lang siya.

"Hindi ko nakita, ang nakita ko lang eh siya na naman ang top sa college nila. Grabe talaga, ang talino!" Umiling iling pa siya.

Napangiti ako. Yeah, he's really smart, he's hardworking when it comes to his studies and I couldn't be more proud. Nilapag namin sa table ni Sir Buena ang mga processing papers na pina-fill-up-an niya sa'min kanina.

I can't believe that it's already the last week of February. Time really flies so fast. We already celebrated my 18th birthday earlier this month, February 1. And it is the happiest birthday of mine I've got to celebrated ever since my parents died.

Nag-EK kami, Levi and I decided to brought our friends with us since it is my birthday. Unang beses ko palang nakapunta doon, kaya nagmukha akong bata na masyadong inosente sa mga nakita. However, Levi doesn't seem to be annoyed by how amazed I am, instead he's just amused.


Hearts day when he gave me a Cartier bracelet, it is an intricate thin gold paved with tiny diamonds, and at the middle was a pink colored pearl.

Hindi ko iyon tinanggap, masyadong mahal. At ayos na ako sa binigay niya sa'kin noong bagong taon. Pero mapilit siya, sabi niya eh ibibigay niya na lang daw sa iba! Binlockmail niya pa ako kaya wala akong nagawa kundi tanggapin iyon. Besides, he told me that it's his own money that he use to buy me things so I don't have to worry. Pero mas lalo lang akong nagalala dahil doon, alam ko kasing ipon niya iyon.

Little did I know, he's actually working too. Sabi niya'y nagtatrabaho siya sa maliliit na kompanya na pagawaan ng mga aircrafts, tinanong ko siya kung bakit at ang sagot niya lang ay mas mabuti na din daw na magumpisa mula sa pinakamababa. He'll inherit their empire someday, so he have to learn every details. At gusto niya naman daw ang ginagawa niya kaya ayos lang.

We're running to six months now, sa sobrang bilis ay 'di ko alam kung paano ko napagtiisan ang kakulitan niya araw araw. Ang kulit! Parang unang araw lagi ng panliligaw kung ituring ako.

Pero, kinikilig ka din naman, Sheena?

"Walang hiya talaga 'yang babaeng 'yan!" Nagulat nalang ako ng biglang nagsalita si Yza.

"Huh? Sino?"

She eyed me ridiculously. "Sino pa ba ang nag iisang babaeng laging nangugulo sa inyo ni Levi? Edi si Celine!"

Tukoy niya sa napapadalas na pagbangga sa akin ni Celine. Kaya kung minsan kapag napapadaan sila ng mga kaibigan niya ay umiiwas nalang ako. Baka magaya noong nakaraan na halos sabunutan ng mga kaibigan ko si Celine ng magkasalubong kami.

"'Wag mo nang pansinin iyon. Besides, I trust Levi and he said that there's nothing going on with the two of them."

"Medyo naiinis na din ako diyan kay President 'ha! Sa isang relasyon hindi lang puro word assurance ang kailangan, dapat ipakita niya mismo kung paano niya pagsabihan ang babaeng 'yun na wag kayong guluhin." Lintanya niya, with matching hand movements.

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ano naman ibig mong sabihin diyan? Malaki ang tiwala ko na hindi niya magagawa iyon."

"Exactly!" She exclaimed. "Sa sobrang laki ng tiwala mo sakaniya eh hindi mo na nakikita na may mga pagkakamali din siya, alam kong mahal ka niya, pero bakit ngayon hindi ka pa'rin niya ipinapakilala sa mga magulang niya? Your relationship is steady already, malapit na kayo mag anim na buwan! Kaya dapat hindi na siya nagsasayang ng oras pa!"

Mellifluous EuphoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon