Chapter 7

32 5 4
                                    


Soundtrack : Sandali Lang by Silent Sanctuary

'You're everywhere except right here, and it hurts.'

____________________

Sheena.

I wonder if people would ever stop leaving, because in my life there's no one who stayed. Everything in my life is like a blur wind, a temporary one. They'll give you the assurance that they won't leave but in the end they still did, and you'll have to cope up with that pain of parting with just yourself. And I learned from it all the hard way.


Leaving someone is a never ending process, lahat may umaalis. Tulad na lamang ng mga magulang ko na nangakong hindi ako pababayaan kahit kailan pero nasaksihan ko din silang mamatay at umalis sa harap ko, well... I can't blame them right? Maybe they really did want to be with me after all, 'yun nga lang ay kinuha sila ng sakit. My relatives, who promised my father and mother that they'll take care of me after their death. Wala na 'din dahil alam naman nilang wala silang makukuha sa'kin, sa una lang nila ako inalagaan at pagtapos ay pinagpasa-pasahan na. I'm expecting that to happen, besides I would just drag their family down. Magiging pabigat lamang ako


Kaya ang pagkakaroon ko ng mga taong madadamayan ngayon ay nakakatakot, what if they're like them? What if they're just temporary people?


"'Uy ba't ang tahimik mo diyan!" Bati sa'kin ni Yza.


Nag iwas lang ako ng tingin sakaniya, hindi ko dapat iniisip ang mga bagay na 'to. I should just let things flow on its own pace.



"Dito ulit si President mamaya diba?" Tanong niya ulit. Napatango nalang ako.


At isa pa 'yung lalaking iyon! It's been two, almost three months when he started to casually eat with me. Halos lahat siguro ng estudyante ay alam na lagi kaming sabay kumakain ni Leviticus, noong una'y hindi talaga ako sanay pero kalaunan ay unti-unti ng nawawala ang hiya ko sakaniya.


He's the opposite of what I imagined him to be, o siguro'y hindi niya lang pinapakita at nageeffort talaga siyang pagaanin lang ang usapan pag magkasama kami. Gladly, he isn't saying a thing about Silver and Celine because that would be really awkward!


"Kayo na?"


Nanlalaki ang mata akong tumingin kay Rebecca. What the heck? "H-hindi ah!" Agad kong iling pero natawa lang sila.


"Tsk, ang bagal naman pala ng manok namin! Bahala siya't mauunahan pa siya nila Russel oh!" Sabay sulyap ni Aiko kay Russel na nagiwas ng tingin paglingon ko.


Kaklase namin si Russel, he's tall and has a boyish style. Noong nakaraan ay niyaya niya ako kumain kasama siya, pero agad kong tinanggihan dahil bukod sa may gagawin pa ako sa araw na iyon ay hindi rin ako nakapagpaalam kay Levi. Not that I care about his opinion, anyway! And oh, he ordered me to call him 'Levi' dahil masyado daw mahaba kung 'Leviticus' . Ayoko lang na hindi siya siputin dahil kahit busy siya ay gagawa siya ng paraan para magpaalam sa'kin. I don't know why he's obliged to do that, ayos lang naman sa'kin kahit busy siya. He's the SSC President for goodness sake! Kasama din siya sa dean listers, at graduating pa kaya alam kong mas hassle ang pag aaral niya.



"Hindi ba siya nagsabi sa'yo na liligawan ka?"


"Hindi, 'tsaka magkaibigan lang talaga kami! Ano ba 'yang sinasabi niyo." Defensive kong sabi pero nagtinginan lang sila.


"Ikaw na kasi mag next move! 'Di na uso ngayon na lalaki ang nagyayaya! Sabihin mo sakaniya 'may balak ka bang ligawan ako? Kasi kung wala edi ako nalang ang manliligaw sa'yo' Ganun!" Yza ridiculously said.


Mellifluous EuphoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon